Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

The Juans - Binibini Sa MRT Lyrics

Nakapila na ng mahaba
Umalis pa naman nang maaga
Kala ko araw ay sira na
Nang bigla kang makita
Binibining kay ganda
Tulala ng panandalian
Sa mga pasaherong nag-uunahan

O kuyang gwardya
Pasensya na di ko nammaalayang nakatapak na ko sa yellow line
Alam ko na delikado parang puso kong ito
Nabibighani sa tabi ng isang marikit na binibini

Mula sa buendia station solo mo aking attention
Paligid ay nag-slow motion nang makita kita
Di ko alam ang iyong pangalan o lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan kahit nasaan pa yan
O binibining nasa MRT hey!

Miss ayan na ang susunod na tren
Naku miss im sorry nakasiksik ka sa akin
Pero wag mag-alala poprotektahan kita
Sa mga nagtutulakang mga ate at kuya
Hahanapan ka ng upuan bisig ko’y pwedeng kapitan
Ituturo ko ang side na bubukas sa bawat station

Parang langit lang ang nararamdaman
Nang bigla ng umandar ang tren at ako’y iyong nasandalan
Oh yeah!

Mula sa buendia station solo mo aking attention
Paligid ay nag-slow motion nang makita kita
Di ko alam ang iyong pangalan o lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan kahit nasaan pa yan
O binibining nasa MRT hey!

Basta manatiling nakahawak sa mga railing
Pero kung ika’y ma-out of balance okey lang
Nandito naman ako nasa tabi mo
Wag mag-alala dahil sasaluhin kita (sasaluhin kita)
Hanggang trinoma…

Mula sa buendia station solo mo aking attention
Paligid ay nag-slow motion nang makita kita
Di ko alam ang iyong pangalan o lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan kahit nasaan pa yan
O binibining nasa MRT hey!

Ramiru Mataro - Kahon Lyrics

Sige na wag nang magalit sa mahal mo
Heto ako nangungulit sayo
Di ka naman mabiro nilalambing ka lang ng irog mo
Sige na mukha mo ay ayusin mo na
Heto na nga’t sinusunod kita
Bukod sa pagsayaw kahit kaliwang mga paa
Nakakangawit maglaba
Laging limot kung may “wings” o wala

Buksan mo na’ng kahon at palayain ng mahinahon
Ang mga sulat na tinago at binaon
Hindi sa limot kung di para mapagtanto mo
Na lahat ng nakasulat ay tutuparin ko

Sige na mali na kung mali ako
Eksaheradong magustuhan mo
Masyado nang madrama teka lang
Para bang mayroong mali
Dapat tayo’y ngumiti
Pagsaluhan ang saya’t pighati
Gaya ng sumpaang magmamahalan
Saksi bawat mata’t tenga’y sa altar nakatingin
Habang nagpapalitan ng singsing
At sinasambit, nakapikit
Magkadikit nang mag-isang dibdib

Buksan mo na’ng kahon at palayain ng mahinahon
Ang mga sulat na tinago at binaon
Hindi sa limot kung di para mapagtanto mo
Na lahat ng nakasulat… ay tutuparin ko

Itchyworms - Di Na Muli Lyrics

Nung araw kay tamis ng ating buhay
Puno ng saya at ng kulay
Di mauulit muli

Ang oras kapag hinayaang lumipas
Madarama mo hanggang bukas
Di mababawi muli

And dami daming bagay na hindi naman kailangan
Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan
Hindi mo lang alam hindi mo pa nararanasan
Kahapon sana natin di mo na pinahirapan

Patawad muli
Di na muli

Ang oras kapag hinayaang lumipas
Madarama mo hanggang bukas
Di mababawi muli

At natapos ang himas ng sandal
Di kukubli aking tinig
Nang lumipas na’t di man lang nasabi
Salamat hanggang sa muli

And dami daming bagay na hindi naman kailangan
Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan
Hindi mo lang alam hindi mo pa nararanasan
Kahapon sana natin di mo na pinahirapan

Patawad muli
Di na muli

Binawi buhay mo ng walang sabi
Binubulong ko sa sarili
Mahal kita hanggang sa huli

Mahal ko hanggang sa huli…

Banda Ni Kleggy ft. Aikee - Pabili Po Lyrics

Pabili po oh oh ale pabili
Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi
Pabili po oh oh ale pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali
Pabili (3x) pabili sige na ale
Pabili (3x) pabili sige na ale

Pabili, ale meron ba kayong tindang pag-ibig
Na nilalako parang tsitsirya at tubig
Uhaw na at gutom ang puso kong sawi
Kung san san na nagawi halos di na mapakali
Baka meron pong tingi kahit konting pagtingin
Na pwedeng palamuti sa buhay ko na rin
Dahil ang pag-ibig daw ay pwede ng instant
Kung meron kang yate, kotse, malawak na fish pond
Pwedeng pabili ng isang kilong pagmamahal
Hindi po napapanis at dapat ay nagtatagal
Padagdag na rin ng apat ng tumpok na yakap
Dalawang sakong halik na aking hinahanap… kaya

Pabili po oh oh ale pabili
Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi
Pabili po oh oh ale pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali
Pabili (3x) pabili sige na ale
Pabili (3x) pabili sige na ale

Pabili po, meron ba kayong kapeng matapang
Yung sakto sa panlasa handa akong ipaglaban
Tsaka sabon para laging iwas sa sakit
Mighty bond na hindi bibitaw dahil sa sobra ang dikit
Ako’y napapikit buhay mo’y parang tindahan
Hihingi ako ng tawad kahit di ko kasalanan
Sasabihin mong tapat ang taas ng presyo mo
At sa sobra mong taas napamahal na ko sayo
Kaya ang pag-ibig ba ay merong halaga, as in halaga
Yung presyo talaga kung ito’y nabibili para di na maapi
Edi mag-iipon ako ng maraming salapi

Pabili po oh oh ale pabili
Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi
Pabili po oh oh ale pabili
May tinitinda ka ba na magtatama sa mali
Pabili (3x) pabili sige na ale
Pabili (3x)

Pero aking napagtagpi-tagpi na mali
Napag-isipan kong mabuti at di madali
Di sapat ang salapi dahil di nabibili
Ang tunay na pag-ibig hindi munamadali
Kaya ale bale maliwanag na sa akin
Ang dati na Malabo at mahirap hagilapin
Ngayon nandito na di na bibitawan pa
Kaya ale…

Pabili po oh oh ale pabili
Ng magara na damit may okasyon lamang kasi
Pabili po oh oh ale pabili
Ng isang kumot dahil bukas kami nang magkatabi
Pabili po oh oh ale pabili
Ng gamot na pampakalma excited po kasi
Pabili po oh oh ale pabili
Ng mamahalin na singsing ikakasal na po kami
Pabili (3x) pabili sige na ale
Pabili (3x) pabili sige na ale

Pabili (3x) pabili sige na ale…
Pabili po oh oh ale pabili