Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Stick Figgas - Lamanloob Lyrics

kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko
malamang akoy mapapagkamalang walang pusong nilalang
ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko
mukhang akoy magmimistulang may turilyong kulang at mangmang
ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang
ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang

sunod-sunuran naman ako sayo lagi nalang ba tayong ganito
sabi ng iba wag ko na nga lang daw isipin
dinggin ang bulong ng puso at ang ibig nitong sabihin
kinanta mo sa akin ang lahat ng lihim kapalit ng sarili kong handang magpa-alipin
para lang mga pangarap kong matagal ng nakabitin gawing katotohanan pagkagising
sa gutom at gigil hakbang akoy pasugod
walang alam sa kung anong pwedeng mangyari kasunod
biglang dating ng eksenang ngayon ko lang napanuod
ang masamang aso’y muli na namang nagpakabusog
nangangahulugang walang may kayang mag-isa
kaya pala pag nadadapa madalas ang tanong nila kung may nahuli ka
mga aral ata’y napupulot lamang kapag nasa sahig ka na

may mga bagay sa mundo ibat-ibang hilig at gusto
tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?
tingin paloob!

sunod-sunuran na naman ako sayo
lagi na lang ba tayong ganito? sabi ng utak ko sakin
wag ko na lang damdamin,isipin ng mabuti ang bawat hakbang ng gagawin
kakailanganin mo ng hangin kung gusto mong lumobo
punuin mo ng kaalaaman yang ulo mo katoto
di na pwede yung tulad ng dating puro na lang oo
uulitin lang kung ano itinuro parang loro sa bokabularyo ko
hindi na uso ang bumoto sa gobyernong walang aasahang tulong at saklolo
bat di ka mag isip mag -isa matutu kang magsolo di pwedeng puro palakpak dapat una muna pondo ubod ng metikuloso na ang utak ko.
ayoko na kasing akoy maisahan madugas o maloko
natuto nako sati nung binuhos ko ng todo ang lakas at ang tiwala ko sa puso
ko na bobo!

may mga bagay sa mundo ibat-ibang hilig at gusto
tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?
tingin paloob!

wag matakot sa nararamdaman sundan mo sundan mo
sundan mo sundan mo woooooh
ang kasaguta’y nasa isip mo lang
buksan mo bukasan mo
buksan mo bukasan mo woooohhhh…

wala ng natira ni katiting na porsyento nglakas para makapag-isip
ng direcho kaialngan kong prumoseso kung may magtuturo lang ng tunay
na mag-uugnay sa akin patungo sa templo nag-uumapaw sa utak mga ideya at konsepto
retoke paulit-ulit imposibleng makuntento perpekto na ang plano bawat detalye at kumpleto pero wala kong lakas ng loob gawing konkreto
sinusod ko nga ang puso at ang utak sinuway binusog ko ang damdamin ngunit bulsa’y umaray kung legal ang pumaslang marami nakong napatay
wala na nagang puso sunog pa ang baga pati atay
napakapit kay iany ang pasamado kong kamay mga payo ni itay tangi kong gabay
sa puso mo ipasok at sa isip ilagay kung iak’y nalilito gamitin mo ng sabay kasi

may mga bagay sa mundo ibat-ibang hilig at gusto
tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?
tingin paloob!

wag matakot sa nararamdaman sundan mo sundan mo
sundan mo sundan mo woooooh
ang kasaguta’y nasa isip mo lang
buksan mo bukasan mo
buksan mo bukasan mo woooohhhh…

kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko
malamang akoy mapapagkamalang walang pusong nilalang
ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko
mukhang akoy magmimistulang may turilyong kulang at mangmang
ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang
ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang

Patrisha Samson - Mahal Naman Kita Lyrics

Talaga yatang wala nang pag-asa
Upang ako'y iyong piliin pa
Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
Pa'no mo malalaman sa 'yo'y may pagtingin

Lagi na lamang sa 'king isipan
Sana ito'y iyong maramdaman
Masabi ko na sana na minamahal kita
Do'n mo lang malalaman pag-ibig ko'y hanggang

Chorus
Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita

Kung totoong lahat ng 'yan
Sana ako'y nangangarap na lang
Masayang man, 'yan ay pangarap lamang
'Di naman ako gaanong masasaktan

[Repeat chorus]


Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
'Di mo ba nalalaman pag-ibig ko'y hanggang

Chorus
Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa (ooh)
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita
Mahal naman kita


A song popularized by Ms.Jaime Rivera

Curse One - Kailangan Kita Lyrics

Di ko alam kung anu ako kapag ikaw ay wala sa piling ko oh oh oh..
Kailangan kita, kailangan ka ng puso ko
Sana ay di mo lisanin at pabayaan na nag-iisa
Di sating mundo sana ay mawala na ang pangangamba
Sabihin mong mahal mo din ako at kalian ma’y sakin hinding hindi ka lalayo
Dahil hindi ko kakayanin kapag ika’y nawala sakin sinta
Ako’y alipin ng pagmamahal mo, lahat ay gagawin ko para sayo
Oh kamahalan ko

Kailangan kita sa buhay ko
Ikaw ang mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
Napakahaba man ng daan sa dulo ay ikaw pa rin at ako
Sana ay wag kang bumitaw, sana’y wag mo kong iiwan
Oh mahal ko

Walang sinuman ang papalit sayo sa mga pinaramdam mo sakin
Pag ibig na wagas walang makakatumbas, salamat sayo
Sana ay hindi ka magbago, dahil ikaw lang ang gusto ko makasama
Sa mga bukas na darating ngunit alam kong marami pang haharapin
Anumang problema’y kakayanin nating dalawa basta nandyan ka
Lahat ay makakaya, sa lambing at yakap mo, ang isip koy napapayapa
Gumagaan itong nadarama, dahil sayo

Kailangan kita sa buhay ko
Ikaw ang mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
Napakahaba man ng daan sa dulo ay ikaw pa rin at ako
Sana ay wag kang bumitaw, sana’y wag mo kong iiwan
Oh mahal ko


Ikaw ang dahilan kung bakit bumabangon
Ikaw ang umakay sakin nung ako ay nadapa
Ikaw ang nagtulak sakin upang magawa
Ko ang mga bagay na akala ko ay imposible
Ikaw ang inspirasyon sa awiting puno ng dedikasyon
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko
Biyaya ng langit ang isang katulad mo
Di ko lang masabi sayo ng harapan
Dahil baka pagtawanan mo pero ganun pa man
Totoo ang lahat ng ito

Ruweda - Liyab Lyrics

Kalaliman man ang iyong sugat
Ito ay maglalangib
Huwag kang mabuhay sa nakaraan
Kay bilis niyang nasabi na hanggang dito na lang
Limang taon kanyang tinapon na parang wala lang
Kapag nahulog ang bunga sa punong pinagmulan
Di kalayuan ang bagsak gaya ng mamamayang
Hindi nangangarap
Walang pagsisikap
Walang pinagbago
Walang pagkatao

Lahat ng bagay ay may hangganan
Diskarte lang sa pagbabago
Ohhhh

Lugmok sa putik ako'y babangon
Sakay ng ulap ako'y lulusong
Patungo sa langit ako ay lilipad
Sa paglubog ng araw ako'y magliliyab
Magliliyab
Magliliyab

Huwag kang matatakot sa pagbabago

Huwag kang panghinaan ng loob
Sabihing ako ay babangon sa paghalik ko sa lupa
Putik saking katawan aking huhugasan
Naglalakad ng yapak tuhod ay latang lata
Bawat hakbang ay bumabaon ang bubog na kinalat
Ngunit simoy ng hanging na kaaya aya tumatawag sa akin

Lahat ng bagay ay may hangganan
Diskarte lang sa pagbabago

Chorus