Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

TJ Monterde - 1,2,3 Lyrics

Oh woah…

Matagal-tagal na rin tayo
Kay rami nang nagdaan at naglaho
Ikaw pa rin ang mahal
Mahal

Tanda mo pa ba ating ipinangako
Hinding-hindi tayo magbabago
Kamusta na mahal
O, mahal

Pa rin ba ako
O matagal ka ng sumuko

Inialay ko langit at butuin
Ngunit ganun pa ma'y
Hindi ka masaya sa
Aking piling
Di pipilitin
Ano ng gagawin mahal pa rin kita
Sa isa dalawa tatlo
Sana'y nakatago nang nararamdamang ito
(Oh woah, isa dalawa tatlo)

Akala ko sabi mo wala na tong wakas
Ngunit pag-ibig mo tila'y tumatakas
Paano ba mahal
O mahal

Ilang buwan na rin ang lumipas
Di ko pa rin ramdam ang iyong oras
Mahal pa bang talaga
O, mahal

Pa rin ba ako
O matagal ka ng sumuko

Inialay ko langit at butuin
Ngunit ganun pa ma'y
Hindi ka masaya sa
Aking piling
Di pipilitin
Ano ng gagawin mahal pa rin kita
Sa isa dalawa tatlo
Sana'y nakatago nang nararamdamang ito
Oh woah, sa isa dalawa tatlo
Oh woah…

La la la la la, La la la la
La la la la la la
(Isa dalawa tatlo)

La la la la la
Andiyan ka pa ba
Bigla ka na lang nawala
(Isa dalawa tatlo)

La la la la la, La la la la
La la la la la la
(Isa dalawa tatlo)

La la la la la, La la la la
Bigla ka na lang nawala

TJ Monterde - Mahika Lyrics

Huling hirit
Di ko alam kung bakit
At paano mo napapawi ang kalungkutan ko
Abot langit
Ligayang dulot mo
Ngiti ang tanging dala sa mga labing ito

Di ka pa man lang kumikibo
Ayos na
May mahika ka pang dala-dala

Sa piling mo
Bumabagal, humihinto ang mundo
Sa piling mo
Ayaw kong mawala, ayaw kong mawala

Huwag sasabihin
'Pag di ka nasilayan
Damdamin di mapakali, natutuliro
Aaminin, tunay na 'to oh oh
Nahulog na ng ganito
Ano bang meron sa 'yo

Di ka pa man lang kumikibo
Ayos na
May mahika ka pang dala-dala

Sa piling mo
Bumabagal, humihinto ang mundo
Sa piling mo
Ayaw kong mawala, ayaw kong mawala
Sa piling mo
Bumabagal, humihinto ang mundo
Sa piling mo
Ayaw kong mawala, ayaw kong mawala

TJ Monterde ft. KZ Tandingan - Ikaw At Ako Pa Rin Lyrics

Minsa’y pinagtagpo
Ngayo’y magkalayo
Ngunit di papatalo
Sundin lang ang puso

Di kailangang pilitin
Mas kailangang lang piliin lang nating
Tayo…

Kahit ano man ang mangyari
Sa dulo laging may bahaghari
Magkaiba man ang mundo
Umulan, bumagyo, pangako
Ikaw pa rin at ako

Tayo’y magkatabi
Ngunit sa ‘ting panaginip lang
Sa bawat araw’t gabi
Alaala ay ako at ikaw

Pero wag kang mabahala
Ako’y humiling na sa tala, sa huli…
Tayo…

Kahit ano man ang mangyari
Sa dulo laging may bahaghari
Magkaiba man ang mundo
Umulan, bumagyo, pangako
Ikaw pa rin at

Ang init ng iyong yakap
Ang syang laging hanap hanap
Makasama ka sa tuwina
Ang siyang tanging pangarap ohhh…

Kahit ano man ang mangyari
Sa dulo laging may bahaghari
Magkaiba man ang mundo
Umulan, bumagyo,
Bumaha, lumindol
Magkahawak kamay pangako

Ikaw pa rin at ako…

TJ Monterde - Kung Siya Man (Tagalog Translation) Lyrics

I.
Nakapili ka na ba
Kung sino sa’ming dalawa
ang pipiliing makasama
sa magulang mo’y ipakilala

Pre Cho:

Ibinigay ko na ang lahat
at ibibigay ko pa ang lahat
pero

Cho:

Kung siya man, ang mapili mo
wala akong magagawa, alam ko
ngunit, sobrang sakit lang talaga
Kung siya man, ang seswertihin
lalayo na ako sa inyo
at iiyak nalang sa lihim

pero pag ika’y iniwan niya
at ika’y niloko nya
pag nangyari yun

wala na siyang babalikan.

II.

At kung mangyaring sa kanya
talaga mas may gusto ka
maghihintay nalang sa sulok na to
baka sakaling bumalik ka pa

Pre Cho:

Ibinigay ko na ang lahat
at ibibigay ko pa ang lahat
pero

Cho:

Kung siya man, ang mapili mo
wala akong magagawa, alam ko
ngunit, sobrang sakit lang talaga
Kung siya man, ang seswertihin
lalayo na ako sa inyo
at iiyak nalang sa lihim

pero pag ika’y iniwan niya
at ika’y niloko nya
pag nangyari yun

Bridge:

Ang reyna ng panaginip ko
nasa ibang palasyo
pag ‘kay kanyang iniwan
lumingon ka dito
handa kitang pakasalan

Last Cho:

Kung ikaw man, ang magustuhan
wala ‘kong magagawa, alam ko
ngunit alagaan mo siya, pakiusap lang
Kung sa’yo man siya mas may gusto
lalayo na ako sa inyo
at bibigyan ko kayo ng respeto

pakiusap lang wag mo siyang saktan
at wag na wag mo siyang iwan
pag nangyari yun
gagawin ko ang lahat

wala ka nang babalikan.

TJ Monterde - Dating Tayo Lyrics

lagi na lang ganito
isipan ay gulong gulo
lagi nalang nabibigo
ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso

ilang liham na ang sinulat sayo
ilang luha na rin ang natuyo

kailan kaya muling makakatawang
hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
kailan kaya muling makakamit
ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
kailaaan? kailaaaan? kailaaaan ang dating tayo?

kung anuman ang totoo
isip man ay litong lito
handang handa ako sumalo
pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso

ilang awit na ang inalay sayo
ilang luha na rin ang natuyo

kailan kaya muling makakatawang
hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
kailan kaya muling makakamit
ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip?
kailaaan? kailaaaan? kailaaaan? (kailan) kailan
kailaaan ang dating...
kailan kaya muling matatamasa?
ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta
kailan kaya muling mararanasan?
sa pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala

TJ Monterde - Kung Siya Man Lyrics

Nakapili na ba ka
kung kinsa sa among duha
ang pilion mong makauban
ipailailas ginikanan

Gihatag ko na ang tanan
ug ihatag ko pa ang tanan, apan

Kung siya man ang mapilian
wa koy mahimu ana pero
sakit lang jud kaayu
kung siya man ang maswertehan
mupalayu nako ninyu
ug ihilak nalang sa tago
pero ug iya kang byaan
ug iyang binoangan, pag mahitabo
wala na siyay balikan

Kung pananglitang sa iya
gyud mas giganahan ka
maghulat lang ko diring dapita
basin diay ug mubalik ka

Gihatag ko na ang tanan
ug ihatag ko pa ang tanan, apan

Kung siya man ang mapilian
wa koy mahimu ana pero
sakit lang jud kaayu
kung siya man ang maswertehan
mupalayu nako ninyu
ug ihilak nalang sa tago
pero ug iya kang byaan
ug iyang binoangan, pag mahitabo

tua sa laing palasyo
ug iya kang byaan
lingi diri kay ako kang pakslan

Kung ikaw man ang magustohan
wa koy mahimo ana
pero ampingi siya palihog
kung sa imo man siya maganahan
mupalayo nako ninyu
ug hatagan ta mog respeto

Hangyu lng ay sya pasakiti
ug ayaw jud siya biyai
ug imong sayangan
buhaton ko ang tanan

Wala na kay balikan

TJ Monterde - Tulad Mo Lyrics

Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may
Nobyo ka na ba
Sana nama’y wala
Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa’yong mga matang
O kay ganda o binibini

O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka’t di papabayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa

O magandang DIWATA
Sana’y may PAGASA
PAGIBIG ko’y aking sinulat
At ikaw ang pamagat
Sana naman ay Mapansin
HImig nitong damdamin
Na walang iba pang hinihiling
Kundi Ikaw ay maging Akin

O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan,
Aalagaan at di ka’t pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa

Di ako naglalaro
Di ako nagbibiro
Pagbigyan mo lang SINTA
Nang sayo’y mapakita

Na ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Pangako kong pag naging tayo
Araw araw kitang liligawan

O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan,
Aalagaan at di ka’t pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa
Prinsesa…
Prinsesa…
Prinsesa…
Tulad mo