Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Skip Saturday - Simula't Sapul Lyrics

Ito ang huling sandali na siya ay
Ituturing kong akin na parang timang
Ang tanging hiling ay maging masaya
Pagsasama nilang may basbas sa taas

Ba’t hinayaan pang umabot sa ganito
Kahit ‘di pwede ay pinilit ang gusto
Ako na mismo magkukusang lalayo
Papalipasin na ito at kahit pa na nasasaktan

Simula’t sapul pa lang
Ako’y isang hibang na nagpakabulag
Alam kong hanggang kaibigan lang naman
Simula’t sapul pa lang
Ako’y isang lutang mula sa kawalan
Na nahulog at kumakapit lang pala
Sa nadaramang hindi nakalaan
Sa puwang ng puso niya

Kung sana ngayon ay malaya pa siya
Walang dahilan na sumuko agad
Ang kaso hindi, meron siyang kabiyak
Kahit pa lumaban ako’y babagsak

Ba’t hinayaan pang umabot sa ganito
Kahit ‘di pwede ay pinilit ang gusto
Ako na mismo magkukusang lalayo
Papalipasin na ito at kahit pa na nasasaktan

Simula’t sapul pa lang
Ako’y isang hibang na nagpakabulag
Alam kong hanggang kaibigan lang naman
Simula’t sapul pa lang
Ako’y isang lutang mula sa kawalan
Na nahulog at kumakapit lang pala
Sa nadaramang hindi nakalaan
Sa puwang ng puso niya

Simula’t sapul pa lang
Ako’y isang hibang na nagpakabulag
Alam kong hanggang kaibigan lang naman
Simula’t sapul pa lang
Ako’y isang lutang mula sa kawalan
Na nahulog at kumakapit lang pala
Sa nadaramang hindi nakalaan
Sa puwang ng puso niya

Ito ang huling sandali na siya ay
Ituturing kong akin na parang timang

Skip Saturday - Manghuhula Lyrics

Ikaw ba ay napagod na?
Ikaw ba ay nagsawa na?
Sabihin kung anong dahilan
At kalungkutan ay lalabanan

Bakit biglang umiwas ka?
Na parang ‘di na ko kilala
Tuluyan bang naglaho na
Mga pangako na binitawan

Ako’y maraming tanong sana ay ‘wag kang mapikon
Dahil ‘di ko na kaya pang manghula ng sagot
Sana ay pagbigyan mo’t ako’y makikinig sayo
Tatanggapin ang lahat basta’t ito’y linawin mo

Kahit kailang kahit saan basta’t iyong mapaliwanag
Ang lahat ng tapat para ‘di na umasa
Na ika’y magbabalik pa rin dito sa’king piling
Nang hindi na rin ako manghuhula ng sagot

Ikaw ba ay nasasaktan?
Sa tunay na nararamdaman
Ba’t ‘di subukang pagbigyan at pag-usapan nang lahat

Ako’y maraming tanong sana ay ‘wag kang mapikon
Dahil ‘di ko na kaya pang manghula ng sagot
Sana ay pagbigyan mo’t ako’y makikinig sayo
Tatanggapin ang lahat basta’t ito’y linawin mo

Kahit kailang kahit saan basta’t iyong mapaliwanag
Ang lahat ng tapat para ‘di na umasa
Na ika’y magbabalik pa rin dito sa’king piling
Nang hindi na rin ako manghuhula ng sagot

Kahit kailang kahit saan basta’t iyong mapaliwanag
Ang lahat ng tapat para ‘di na umasa
Na ika’y magbabalik pa rin dito sa’king piling
Nang hindi na rin ako manghuhula ng sagot

Manghuhula ng sagot
Para ‘di na umasa