Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Zaito - Pablo Escobar Lyrics

Hindi biro ang hirap bago ko naabot
Mga karanasan sa buhay, may saya at lungkot
Bawat tanong na may takdang oras ang bawat sagot
Kapag pinasok ko ang gubat, alam ko sa’n lulusot
Hindi ko habol magyabang o magpasikat ng pangalan
Tutulungan ko ‘yung taong dapat kong tulungan
Walang oras kung kailangan, madali akong lapitan
‘Yung iba nagpapanggap lang at nagbabait-baitan
Gagawin lahat para lang maging popular
Mga istilo n’yong laos ang dami n’yong paandar
Ako, respeto at pagmamahal lang naipundar
Simple lang ang tawag sa’kin Pablo Escobar
Grupong octopus matibay ‘di basta matitibag
Konkretong bakal at simento pundasyon na matatag
Ito ang samahan kailanman ay hindi mabubuwag
Pupusta ako kahit magkapitpitan ng bayag

Salamat sa mga taong ibinuhos ang tiwala
Sa bawat malasakit at lawak ng pang-unawa
Kahit anong gawin nila hindi magpapatinag
Si Pablo at ang octopus, hindi matitibag
Salamat sa mga taong ibinuhos ang tiwala
Sa grupong sigurado ka at ‘di ka madadaya
‘Wag maniniwala sa mga bungangang mapanira
Si Pablo ang kasama direksyon ay nasa tama

Umpisa taong dalawang libo’t labing walo
Hinamak, kinutsya, mananatiling buo
Salamat sa inyong mga tiwala at suporta
Hanggang wakas ay gagawin ang aking makakaya
Umasa kang sa grupong ‘toy walang iwanan
‘Wag kang padadala sa mga paninira ng ilan
Maniwala ka lang at lubos na magtiwala
Si Pablo ang bahala ‘pag bumuhos ang biyaya
Alisin sa isip mo ang pag-aalinlangan
Buksan mo ang pinto ng magandang kinabukasan
Dahil octopus ay imahe ng galamay
Na gagabay patungo sa iyong tagumpay
Mula noon hanggang ngayon ay buo ang aming grupo
Matatag ang pundasyon, kaya nirerespeto
Saludo sa lahat ng bawat miyembrong kabahagi
Salamat sa lahat ingat po kayo palagi

Salamat sa mga taong ibinuhos ang tiwala
Sa bawat malasakit at lawak ng pang-unawa
Kahit anong gawin nila hindi magpapatinag
Si Pablo at ang octopus, hindi matitibag
Salamat sa lahat ng taong ibinuhos ang tiwala
Sa grupong sigurado ka at ‘di ka madadaya
‘Wag maniniwala sa mga bungangang mapanira
Si Pablo ang kasama direksyon ay nasa tama

Salamat sa lahat ng taong ibinuhos ang tiwala
Sa bawat malasakit at lawak ng pang-unawa
Kahit anong gawin nila hindi magpapatinag
Si Pablo at ang octopus, hindi matitibag
Salamat sa lahat ng taong ibinuhos ang tiwala
Sa grupong sigurado ka at ‘di ka madadaya
‘Wag maniniwala sa mga bungangang mapanira
Si Pablo ang kasama direksyon ay nasa tama

Zaito - Pablo Escobar (Official Lyric Video)


ZAITO - Pablo Escobar (Official Lyric Video)