Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Archie B. - Tanong (Official Music Video)

Beat by prod.manuel
Filmed by: Macoy Magbago of Nostalgia Digital Film
Recording studio: KDC studios

Archie B. - Tanong Lyrics

Paggising sa umaga bagong araw na naman
Wala namang pinag iba sa nangyaring nakaaraan
May mabubuo na buhay may isang mawawalan
Sapagkat lahat tayo ay dun lang ang paruruonan
Ako'y nagtataka sa nakikita ng mata
Tsaka ka lang may halaga kapag wala kana
Gamitin ng maigi ang ating hiram na buhay
Hindi natin alam kung kailan tayo hahandusay
At habang nabubuhay mag isip isip kana
Ang kayamanan mo sa hukay di madadala
Kaya ako'y nagtataka bulong bulongan saking isip
Kailan kaya ako magigising sa panaginip
Ko ngayon sa kasalukuyan na panahon
May nagpapatiwakal dahil lamang sa depresyon
Oh ano ang sulosyon pakinggan ang aking tugon
Minsan sumagi saking isip meron bang panginoon

At kung may pagkakataon gusto ko malaman ang sagot sa bawat mga tanong yeah
At kung di man mangyari yun mga katanongan koy sayo ko na lamang eh bubulong
At kung may pagkakataon gusto ko malaman ang sagot sa bawat mga tanong
At kung di man mangyari yun mga katanongan koy sayo ko na lamang eh bubulong

Sa buhay ng tao bat di magawa na makontento
Patuloy na nag hahanap ng bagong maimbento
Parang nakakaloko ang daming argumento
Pag di nagkasundo madadamay ang inosenteng tao
Oh diba ganun sila kunting problema gyera na
Nagpakahirap kang mabuhay tatapusin lang nila
Patawad po aking ama kung minsay nakwestyon kita
Sa nangyayari sa paligid kaya ko lang po nagawa
Kase hindi na makatao nang yayari sa mundo
Siguro may dahilan ka kung bat nangyayari ang mga to
Ito ba ay parusa nang tayo ay magdusa
O paalala lang na tunay ang kanyang presensya

At kung may pagkakataon gusto ko malaman ang sagot sa bawat mga tanong yeah
At kung di man mangyari yun mga katanongan koy sayo ko na lamang eh bubulong
At kung may pagkakataon gusto ko malaman ang sagot sa bawat mga tanong
At kung di man mangyari yun mga katanongan koy sayo ko na lamang eh bubulong

Pero kahit na ganon pinipilit na magkaron
Ng pag asa at maliwanagan sa mga tanong
Mga tao na lulong desente at naka barong
Sila dapat unang tumolong pero tumandang pa urong
Mga sakim sa kayaman masyado nang gahaman
Ang buhay ng tao sobrang gulo diko malaman
Sa mundong makasalan ang daming naghari harian
Pag mamahal sa kapwa kanilang kinalimutan
Pagkatao'y yuyurakan para lang magkapangalan
Ganto ba talaga kapag pera na ang usapan
Oh jusko ano bato bat ba nagka ganito
Habang lumalaki ako katanungay nabubuo yeah