Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Madam - Narara Lyrics

Madam - Narara Lyrics

Teka muna o sandali,
‘Di naman tayo nagmamadali
Alas dose na ng gabi
Titigil ba o bibilis

‘Di na maikukubli
Puso kong nasasabik
Pa’no naman ang isang tulad ko
Naghihintay lang sa wala
Mukhang paikot-ikot lang
‘Di mo ba nararamdaman

At kung hindi mo alam
Narararamda
Oh ‘wag na lang
At kung ‘di matanaw
Silipin mo naman mga bulong kong pasigaw

Bilangin muna natin ang minuto sa patak ng ulan
O baka may alam kang ibang paraan ng iyong paglibang
Nang ‘di na magpanggap na walang nagaganap
Sa pagitan nating dalawa na hadlang lang naman
Ang mga dahilan
Ba’t ‘di na lamang pagbigyan?


Ang bagal na ng oras ko
Pag malapit ka na para bang ako’y tinutukso
Ang kapit ko sa minsan ay ayaw mong patulan
Hindi ba talaga ako mapapasaiyo

At kung hindi mo alam
Narararamda
Oh ‘wag na lang
At kung ‘di matanaw
Silipin mo naman mga bulong kong pasigaw

Hindi mo ba naririnig o ‘di ka lang nakikinig? (Ooh…)
Bakit ‘di masabi ang gusto ng mga labi (Oooh…)
Iparating sa akin (Ooh…)
Ang tunay na damdamin
Hanggang kailan ko pipilitin na magkunwari? (Ooh…)

‘Di na maikukubli
Puso kong nasasabik
Pa’no naman ang isang tulad ko?
Naghihintay lang sa wala (Ooh…)
Mukhang paikut-ikot lang?
‘Di mo ba nararamdaman? (Ooh…)

At kung hindi mo alam
Narararamda
Oh ‘wag na lang
At kung ‘di matanaw
Silipin mo naman mga bulong kong pasigaw

At kung hindi mo alam
(Hindi mo ba naririnig, o ‘di ka lang nakikinig)
Narararamda
Oh ‘wag na lang
(Hindi mo ba naririnig, o ‘di ka lang nakikinig)
At kung ‘di matanaw
(Hindi mo ba naririnig, o ‘di ka lang nakikinig)
Silipin mo naman mga bulong kong pasigaw

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment