Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Jonas - Sana Dati Pa Lyrics

Jonas - Sana Dati Pa Lyrics

Mahal na kita mula pa dati
At bakit di ko pa nasabi
Na ikaw lang ang laman kinabahan din ako ang magbakasakali
Sana dati pa, sana dati pa
Kung kaya lang hatakin pabalik ang panahon lahat ay gagawin ko

Simula bata pa lang ay magkaibigan na tayo
Tagahatid, tagasundo, taga bigay ng payo
Taga tago ng sikretong malabong mabuko
Pag may kasalanan ka sa mama mo tagasalo
Ako ang laging taya kapag kakain sa labas
Mahapdi man sa bulsa’y dudukutin ng madulas
Di ako makatanggi kapag nagsabi ka ng “please”
Yayakapin pa ako ng mahigpit t’as biglang kiss
Anong magagawa ko sadyang mahal kita
Pilitin mang pigilin ay iba na ang nadarama
Gusto ko ng sabihin sayo ito kaso baka
Mabigla ka at bigla kang magbago ng pakisama
Kaya bingi bingihan na lang at pikitmata
Kasi nasasaktan ako pag masaya ka sa iba
Nagseselos pa ko kaibigan mo lang pala sya
Nagseselos pa ko ako’y kaibigan lang pala

Mahal na kita mula pa dati
At bakit di ko pa nasabi
Na ikaw lang ang laman kinabahan din ako ang magbakasakali
Sana dati pa, sana dati pa
Kung kaya lang hatakin pabalik ang panahon lahat ay gagawin ko


Lumipas ang panahon at nagkaroon ka ng kasintahanv
Lalaki mong inibig nakilalang saglit lamangv
At minsanan na lang tayong magkita’t magtagpov
At kung minsan pa ang pagkikita ay patagov
Dahil ang kinakasama mong lalaki ay selosov
Mas madalas ka pang saktan at parang di seryosov
Wala akong ibang magawa kundi umilingv
Sinisisi ang sarili’t madalas naglalasingv
Isang gabi lumapit ka sakin mata’y magang magav
Puro sugat ka sa braso sa mukha ay may pasav
Na galing sa lalaki mong sinasabi mong mahalv
Wag kang magpakatanga sa kanya’t magpakahangalv
Gamitin mo naman ang pakiramdam mo manhid ka ba?v
Mahal na mahal kita at dapat yon alam mo nav
Nasabi ko na rin sayo ngunit mali pa yatav
Tinalukuran mo ko at di ka na nagpakitav
v
Mahal na kita mula pa dativ
At bakit di ko pa nasabiv
Na ikaw lang ang laman kinabahan din ako ang magbakasakali
Sana dati pa, sana dati pa
Kung kaya lang hatakin pabalik ang panahon lahat ay gagawin ko

Dumaan ang maraming taon na tayo’y di nagkita
Hanggang may isang kaibigan sakin nagbalita
Sya ay nasa maynila at natayo bilang ina
Para sa tatlo nyang anak sa magkakaibang ama
Parang ayokong maniwala sa mga sinabi nya
Kasalanan ko lahat kung bat ganon sinapit nya
Ako ay dali daling umalis para sayo’y dumalaw
Nagulat ng makita ang kulay dilaw na ilaw
Bakit ang dami daming nakakumpol na tao
Umiiyak habang nakatingin sa may kabaong
Ako’y napanghinaan sumama rin ang kutob
Wag naman sanang ang babaeng yon ang nasa loob
Hanggang lumapit sa akin ang iyong ama’t ina
Umiiyak at sinabing huling lamay nya na
Bakit ngayon ka lang matagal ka na nyang hinihintay
Kaso hindi nya na kinaya kaya nagpakamatay

Mahal na kita mula pa dati
At bakit di ko pa nasabi
Na ikaw lang ang laman kinabahan din ako ang magbakasakali
Sana dati pa, sana dati pa
Kung kaya lang hatakin pabalik ang panahon lahat ay gagawin ko

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment