Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Noel Alamis - Simple Lang Ang Tulad Ko Lyrics

Simpleng musika lang ang kaya kong gawin
Ngunit ang liriko galing sa damdamin
Ipaparinig himig ng aking puso
Para sa napakagandang tulad mo

Mababang himig ang kaya kong abutin
Inaalay sa mataas na bituin
Sana naman ako’y iyong mapansin

Simple lang ang tulad ko gaya ng awiting ito
Ngunit mula nang makilala ka’y tumaas ang pangarap ko
Gagawin ko ang lahat at may pag-ibig na tapat
Ipadama sayo ang tunay na ligaya

Kung hindi ko man maibigay ang karangyaan
Umasa kang hindi ka sasaktan
Simpleng bagay ang maipangako ko
Isang wagas na pag-ibig sayo

Mababang himig ang kaya kong abutin
Inaalay sa mataas na bituin
Sana naman ako’y iyong mapansin

Simple lang ang tulad ko gaya ng awiting ito
Ngunit mula nang makilala ka’y tumaas ang pangarap ko
Gagawin ko ang lahat at may pag-ibig na tapat
Ipadama sayo ang tunay na ligaya

Simple lang ang tulad ko gaya ng awiting ito
Ngunit mula nang makilala ka’y tumaas ang pangarap ko
Gagawin ko ang lahat at may pag-ibig na tapat
Ipadama sayo ang tunay na ligaya

Ipadama sayo ang tunay na ligaya

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment