Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jonathan Manalo - Pinakamamahal Kong Bayan Lyrics

Pinakamamahal kong bayan, bakit ka nagkaganyan?
Langit mong inaasam, lupa ang binagsakan
Di ka na nga makaahon, patuloy pang nababaon
Kay taas ng 'yong lipad noon, ba't gumagapang ka ngayon?
Pinakamamahal kong bayan, ano nga bang dahilan?
Sa kabila ng pagsisikap, bakit pa rin naghihirap
Sa pighating lumalaganap, gumuguho ang pangarap

Kung sino-sinong tinawagan, Diyos pa ang kinalimutan.
Pinakamamahal kong bayang Pilipinas Ah hah ahh...
Natatangi ang daan patungong bukas
Kung magkakaisa'y muling mabubuo ang pangarap

At nang minsan pa'y muling magapos ang paghihirap.
Bigkis nati'y panalangin
Sa iisang Diyos natin Manumbalik sa Kanya hanggang wakas
Pinakamamahal kong bayang Pilipinas... (Pilipinas)
Ah ahh haah...
Kung magkakaisa'y muling mabubuo ang pangarap
At nang minsan pa'y muling magapos ang paghihirap.
Bigkis nati'y panalangin
Sa iisang Diyos natin
Manumbalik sa Kanya hanggang wakas
Pinakamamahal kong bayang Pilipinas... (Pilipinas)
Pinakamamahal kong bayang... PILIPINAS!

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment