Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Viente - Daigdig Lyrics

Kay labo ng daigdig
Sapilitang nanggagapi
Paano ba ko mananaig
Mangarap ba’y mali

Noon pa lamang ay namulat na sa
Katotohanan ng buhay
Nakakapunding paghusga
Kadalasa’y pinangungunahan ng iba
Minsan pa’y nahihiwalay

Sa mga dahilan upang bumangon
Suko na’t hingalo pa
Ngunit lalong binabaon

Kay daya ng daigdig
Sapilitang nanggagapi
Paano ba ko mananaig
Mangarap ba’y mali

Bakit ba laganap ang tagumpay
Sa mga pinalad na marunong maglagay
Kay pait makipaglaro ng panahon sa akin
Sa araw-araw ay may bagong pasanin
Laging ginigipit ng pagkakataon
Nais lumaban ngunit hiyaw ay pabulong

Kay labo ng daigdig
Sapilitang nanggagapi
Paano ba ko mananaig
Mangarap ba’y mali
Ito ba’y mali

Kung kailan ang panahon ay sumasang-ayon
Ay sa isang iglap ay mag-iiba ang lahat
Hanggang nasanay na lamang sa pagkabigo

Kay daya ng daigdig
Sapilitang nanggagapi
Paano ba ko mananaig
Mangarap ba’y mali

Kay labo ng daigdig
Sapilitang nanggagapi
Paano ba ko mananaig
Mangarap ba’y mali
Ito ba’y mali

Mangarap ba’y mali

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment