Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Santy Leonardo - Rooftop Lyrics

wag ka munang umuwi
dito muna tayo magkasamang kukubli
sa ilalim ng gabing punong-puno ng bituin
sa bubong ng bahay di kita iiwan

wag ka nang mag-abala
sagot ko na ang kwento
pwede bang magpatawa
nang mabawi ko ang luha dyan sayong mga mata
at ipapaalalang di ka nag-iisa

tumingin ka sa mga bituin
at ang langit na naglalambing
lumipad nang malaya sa kalawakan

umiyak ka sumigaw ka
nang gumaan ang iyong dinadala
ngingiti ang bagong umaga
at hatid nito ay bagong pag-ibig

wag ka nang mag-alala
kung di ka sigurado sasamahan naman kita
sabay nating suungin ang masukal na mundo
sa gulo nitong buhay ako ang iyong gabay

wag kang mag-atubili
tumawag ka lang sa akin ako ay kaga'y tatakbo
harangan man ako ng delubyo
lunurin man ng bagyo ang mundo

tumingin ka sa mga bituin
at ang langit na naglalambing
lumipad nang malaya sa kalawakan

umiyak ka sumigaw ka
nang gumaan ang iyong dinadala
umasa't marami kang
aawit din muli ang pag-ibig

woah... wag kang matakot
ang dilim ma'y unti-unting magliliwanag

tumingin ka sa mga bituin
at ang langit na naglalambing
lumipad nang malaya sa kalawakan

umiyak ka sumigaw ka
nang gumaan ang iyong dinadala
umasa't marami kang
aawit din muli ang pag-ibig
oohhh...
aawit din muli ang pag-ibig

aawit din muli ang pag-ibig

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

1 comments: