Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

High Hello - Pagsibol Lyrics

Narito na ang pagsikat ng haring araw
Sumasabay ang mga dahong kaway nang kaway sa mga ulap
Narito na ang pagsibol ng isang panibagong ikaw
Mula sa lupang hindi na naalagaan, napabayaan dulot ng kadiliman

Ituloy tuloy tuloy tuloy mo lang
Lahat ay tinakda sa tamang oras
Magtiwala ka lang

Bawat ulan, may araw
Bawat luha, may ngiti
Sa gitna ng dilim ay may kislap ng mga bituin

Gagaan din ang pasanin
Mga pangarap mo'y abutin
Magtiwala ka lang
Ang tuktok ay 'yong mararating

Kung pagod, ika'y magpahinga
May biyaya ‘pag nagsumikap ka
At balang araw (balang araw)

Ituloy tuloy tuloy tuloy mo lang
Lahat ay tinakda sa tamang oras
Maniwala ka lang

Bawat ulan, may araw
Bawat luha, may ngiti
Sa gitna ng dilim ay may kislap ng mga bituin

Gagaan din ang pasanin
Mga pangarap mo'y abutin
Magtiwala ka lang
Ang tuktok ay 'yong mararating

Iyong mararating
Iyong mararating
Iyong mararating

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment