Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Zoom Zoom Lunacy - Sabay Lyrics

Aking mahal, alam mo bang
Sabay ang pagtibok ng ating mga puso?
Tila hibang makatingin
Ako ay yelong nagiging tubig kahit pa sobrang lamig

At kahit sa iba ka pa nakatingin
Kahit sa iba ka pa nakatingin

Sabay tayong yayakap nang mahigpit
Sa’kin ang unan ko at siya naman ang sa iyo
Sabay ding dadapo sa’ting mga labi
Labi niya ang sa iyo habang sa’kin mga luha ko

Ako’y anino oh liwanag ko
Sabay ang pagsunod sa bawat pagpalit ng anggulo
Sa iyong ngiti ako’y salamin
Agad-agad binabalik bawat segundo ng tamis

At kahit sa iba ka pa nakangiti
Kahit sa iba ka pa

Sabay tayong yayakap nang mahigpit
Sa’kin ang unan ko at siya naman ang sa iyo
Sabay ding dadapo sa’ting mga labi
Labi niya ang sa iyo habang sa’kin mga luha ko

Nung dati ay ikaw-ako
Sabay gawin kahit ano
Nagbago lang naman lahat
Nang may mauna na sa’yo
Pakinggan mo naman ako
Kahit mula sa malayo
Sumasabay pa rin sa’yo

Sabay tayong yayakap nang mahigpit
Sa’kin ang unan ko at siya naman ang sa iyo
Sabay ding dadapo sa’ting mga labi
Labi niya ang sa iyo, labi niya ang sa iyo
Labi niya ang sa iyo
Habang sa’kin mga luha ko

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment