Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

The Stereo Scope - Panyo Lyrics

Verse 1:
Nag bibilang muli ng bituin
Iniisip kung bakit ika'y bumitiw
Gabi-gabi nalang naka tingin
Sa langit at nag mumuni muni

Pre-Chorus:
Ang iyong halik, aking minimithi
Nawala bigla ang sandali
Ika'y hanap pa rin, ng puso at damdamin

Chorus:
Kailan kaya ika'y babalik
At magsama muli ang puso natin
Panaginip nalang ba ito
Sana'y marinig ang aking pagsasamo
Sana'y bumalik kana
At wag nang lumisan pa

Verse 2:
Pinipikit nalang palagi
Ang mga mata, upang makita ka
Nakakasawa nang magisip
Ako'y nananabik sa iyong tinig

Pre-Chorus:
Ang iyong halik, aking minimithi
Nawala bigla ang sandali-
Ika'y hanap pa rin, ng puso at damdamin

Chorus:
Kailan kaya ika'y babalik
At magsama muli ang puso natin
Panaginip nalang ba ito
Sana'y marinig ang aking pagsasamo
Sana'y bumalik kana
At wag nang lumisan pa

Bridge:
Ang panyo mong ginamit
Ay hawak-hawak ko pa rin
Nariyan ako sa iyong tabi
Pero ano ang nangyari?
Parang bula na nag laho.

Chorus:
Kailan kaya ikaw ay babalik
At magsama muli ang puso natin
Panaginip nalang ba ito
Sana'y marinig ang aking pagsasamo
Sana'y bumalik kana (Sana'y bumalik ka na)
Sana'y bumalik kana (Sana'y bumalik ka na)
Sana bumalik kana
At wag nang lumisan pa

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment