Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Golden Cañedo - Ngayon Lyrics

Ngayon ang simula
Ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo’y
Bata at makulay
Ngayon gugulin mo
Nang tama’t mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka’t magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana’y huwag itapon
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika’y mapalingon sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa’yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay ngayon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa’yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y
Ngayon…

Ngayon…

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment