Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Mic Llave - Bumbero (Composed and Interpreted by Mic Llave) Lyrics

Mic Llave - Bumbero (Composed and Interpreted by Mic Llave) Lyrics

Kami sa simula’y parang
‘Di mapagitnaan ng kahit anuman
Ng kahit anuman
Sila nama’y parang magkaibang mundo
Pero ano ito tuwing gabi’y magkasuyo

Bakit kahit pa gawin
Lahat ay ‘di parin napapansin
‘Di ko na ata kakayanin
Ang lungkot, nas’an na ang sagot
Nalunod na’t gumuhit sa baga
Ang pait na nadarama

Bumbero sagipin mo’ko
Bago tuluyang magliyab ang puso at magkagulo
Bumbero pahinging saklolo
‘Di ko alam ang gagawin ako’y kanya
Ngunit siya’y ‘di akin

Siya ay patuloy ang takbo
Habang ako’y lumpo at halos ‘di makahinga
Tuwing nakikita kayo
Naglalakad sa buwan
Habang ako’y limot sa kawalan kailangan nang pakawalan

Bumbero sagipin mo’ko
Bago tuluyang magliyab ang puso at magkagulo
Bumbero pahinging saklolo
‘Di ko alam ang gagawin ako’y kanya
Ngunit siya’y ‘di akin

Nanaisin kang limutin
Maniniwalang hindi ka akin

Isa lang ang taning hiling
Sana’y makaalis sa bahay na
Abo at uling lang ang nakatira
Sabay sunugin ang mga
Liham na ‘di ko na naibigay
Hanggang ngayo’y naghihintay

Bumbero sagipin mo’ko
Bago tuluyang magliyab ang puso at magkagulo
Bumbero pahinging saklolo
Numinipis na ang hangin
Balot sa usok at bulag ang paningin
Ako ay tangayin
Hapong-hapo’t ‘di na makahinga
‘Di ko na kaya pang makita siya

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment