Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Carlo Angelo David - Makisabay (Composed and interpreted by Carlo Angelo David) Lyrics

Carlo Angelo David - Makisabay (Composed and interpreted by Carlo Angelo David) Lyrics

Solb na’ng umaga sa simpleng 3-in-1
Pandesal at keso lang sapat nang palaman
Kuntento’t masaya sa kasalukuyan kong edad
Ngunit may isang bagay pang nais matupad

Ayoko naman sa magagarbong sasakyan
‘Di ko rin hilig mga gintong relong pormahan
Mala palasyong bahay ‘di kailanman hinangad
Isang pangarap lang ang nais matupad

Makasabay lang ako sa ikot ng mundo
Ngitian lamang ng tadhanang mapagbiro
Hinding hindi ipagpapalit ang aking dasal
Lumikha ng awitin ang pangarap kong matupad

Aminadong mahina sa mga numero (Pahiram ng kodigo)
Pinaglihi yatang pasang-awa sa mundo
Pagkat kung tatanungin, malinaw na mula’t mula
Na ang puso ko’y nahulog na sa mga salita

Makasabay lang ako sa ikot ng mundo
Ngitian lamang ng tadhanang mapagbiro
Hinding hindi ipagpapalit ang aking dasal
Lumikha ng awitin ang pangarap kong

Oh s’an ba ko dadalhin ng mga letra
Mararating ko ba ang naabot ni Buendia
‘Sing tayog at ganda ng saranggola ni Granada
Ngunit alam kong may kanya-kanyang istorya
Kaya okay na ako

Makasabay lang ako sa ikot ng mundo
Ngitian lamang ng tadhanang mapagbiro
Oh hinding hindi ipagpapalit ang aking dasal
Lumikha ng awitin ang pangarap ko oh yeah

Makasabay lang ako sa ikot ng mundo
Ngitian lamang ng tadhanang mapagbiro
Hinding hindi malilimutang magdasal
Lumikha ng awitin ang pangarap ko oh yeah

Makasabay lang ako sa ikot ng mundo
Ngitian lamang ng tadhanang mapagbiro
Hinding hindi malilimutang magdasal
Lumikha ng awitin ang pangarap kong matupad

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment