Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Anna Jomeo - Sabihin Mo Lyrics

Kung ako’y tunay na mahal mo
Bakit di madama nitong puso kong ito
May bulong na tanong ang damdamin ko sayo
Sasayangin lang ba ang pag-ibig ko
Tunay kang mahal at iniibig ng tapat
Laging hanap ka’t bawat sandali’y hangad
Ngunit bakit bas a dibdib ay may kaba
Tila ba kay lapit na na ika’y mawawala

Sabihin mo, saan ako nagkamali
Sa’yo lamang nilaan aking bawat sandali
Pa’no kaya ngayon sa paggising kong muli
Kung di ka na mamamasdan
Luha kaya’y mapapalitan pa ng ngiti

Di ba’t noong tayo ay magkita
Araw at gabi ay palaging kay saya
Tanging lahat sa’yo umikot ang mundo
Matutunan pa kaya ang lumimot sa iyo

Sabihin mo, saan ako nagkamali
Sa’yo lamang nilaan aking bawat sandali
Pa’no kaya ngayon sa paggising kong muli
Kung di ka na mamamasdan
Luha kaya’y mapapalitan pa ng ngiti
(Repeat)

Kung di ka na mamamasdan
Luha kaya’y mapapalitan pa ng ngiti

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment