Wala ka ng magagawa
Sapagkat gustong gusto kita
Wag ka ng makialam
Sapagkat ako’y nabihag mo na
Sana may pagkakataon
Na sabihin sa iyo
Di man lang kaya sabihin
Di rin kaya limutin
Ako ay iyo ngunt ikaw ba ay akin
Di man lang kaya sabihin
Di rin kaya limutin
Ako ay iyo ngunt ikaw ba ay akin lamang
Bakit ako ang nandito sa pwesto na to at hindi ang iba.
Bakit ikaw ang nahanap, ikaw ang nakita’t pinili kita.
Bakit ako ang nahulog, ako ang lumapit, ako ang kumapit.
Bakit ako ang umibig, ako ang lumuha, ako ang sumabit.
Ganito ba talaga. Lahat ay hahamakin sa ngalan ng pag-ibig na katiting
Sinagip mo ako sa dilim, saan na tayo nakarating
Kundi napapansin mo sa iba ka rin nakatingin.
Malamang hindi mo kayang ibigay ang malaking bahagi ng pagmamahal o pagtingin
Ang kaya mo lang iabot ay sandali at mga oras na ginawad mo sa akin ng palihim.
Sa lugar na madilim.
Sana may pagkakataon
Na mapadama sa iyo
Di man lang kaya sabihin
Di rin kaya limutin
Ako ay iyo ngunit ikaw ba ay akin
Di man lang kaya sabihin
Di rin kaya limutin
Ako ay iyo ngunit ika’y hindi akin
Di na sana to nangyari ang kaso nga lang nagpumilit ako
Patawarin mo ako, kasalanan ko ba na umibig sa iyo
Ngunit may isang tanong na dapat sagutin at yun ang totoo
Bat ko hinayaan kung alam mong sa bandang huli ay sakit lang ang madarama ko
Wala na kong magagawa
Sapagkat ako’y nahulog na