Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Itim Na Ulap - Diskaril Lyrics

May salbabida ka bang nakikita?
Kumapit ka binabaha ka ng karma
Sarado ang langit bakit ka nabahala?
Kabado ka ba at walang mahanap na tala?

Walong dipa mula sa hagdanan
Umakyat ka pa ay di mo matatakasan
Pagdaloy ng pagibig na ginawa mo
Bumubulong sa hindi kalayuan
Itim na puso ay hindi pahihintulutang wakasan ang panalangin ko..

CHORUS:
Bago ang kulog may kidlat
Parusa sa pagibig na tapat
Hindi ko masisikmura kung bigla na lamang mawawala
Kasabay ng pagbabago ng senaryo
Kailan ba naging pebrero ang senakulo?
Meron bang kapalit na premyo ang pangakong naipako
na kasama si kupido?

Saranggolang hawak mo sa iyong kanan
Matalim na punyal sa kaliwa ang iyong tangan
Isang prosesong walang katiyakan
Madugong labanang walang nais masugatan

Walong dipa mula sa likod mo
Saradong kamay naka amba sa gatilyo
Pasabugin ang sentido ng pagibig mo
Prinsesang walang prinsipe at kastilyo
walang korona hawak ay sigarilyo
Kasabay ng usok halik ay maglalaho

Bridge:
Sa bawat nasirang pangako, ay may pait na kapalit sa dila ay di mawawaglit
Sa bawat nasirang pangako, ay may pait na kapalit sa dila ay di mawawaglit
Kasabay ng pagkalunod mo ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso ko
Kasabay ng pagkalunod mo ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso mo

Itim Na Ulap - Diskaril (Official Lyric Video)


The latest single from Itim Na Ulap, released September 24, 2021 under Tower of Doom Music.

Tracked, mixed and mastered by Symoun Durias of Tower of Doom.

Adda Cstr - Akala Ko Wala Na Lyrics

Akala ko wala na
Wala na ‘kong nararamdaman sa’yo
Akala ko tapos na
Ang pag-ibig ko sa’yo

Pero bakit nung muli kang makita
Ngiti sa’king bibig pilit
At parang gusto kong ibalik ang yakap
At ang iyong halik aking namimiss
Kainis hindi kita maalis
Ihinto mo ang oras sandali
At tumingin ka oooh

Akala ko wala na
‘Kala ko wala na ‘kong nararamdaman sa’yo
Akala ko tapos na, ahh
Ang pag-ibig ko sa’yo, ohh

Ayaw kitang makita
Ayoko na rin sa’yo na makibalita
Kasi lalong ‘di ako makakaalis sa nakaraan
Pagdating kasi sa’yo ako ay mahina
Puso ko na agad mismo tumatalima
Kasi ngayon wala pa rin akong ibang nakikita

Pero bakit nung muli kang makita
Ngiti sa’king bibig pilit
At parang gusto kong ibalik ang yakap
At ang iyong halik aking namimiss
Kainis hindi kita maalis
Ihinto mo ang oras sandali
At tumingin ka oooh

Akala ko wala na
‘Kala ko wala na ‘kong nararamdaman sa’yo
Akala ko tapos na, ahh
Ang pag-ibig ko sa’yo, ohh

Hindi na dapat kita nakita
Edi hindi na sana kita ngayon naalala pa oooh

Akala ko wala na
‘Kala ko wala na ‘kong nararamdaman sa’yo
Akala ko tapos na, ahh
Ang pag-ibig ko sa’yo, ohh

Akala ko wala na
‘Kala ko wala na ‘kong nararamdaman sa’yo
Akala ko hindi na, ahh
Akala ko hindi na tayo muli na magtatagpo

Adda Cstr - Akala Ko Wala Na (Official Lyric Video)


The official lyric video of “Akala ko Wala Na” by Adda Cstr.

Composed by Anna Paula Castor
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by Ralph Antonin "Zo zo" Castor
Recorded, mixed, and mastered by Ralph Antonin "Zo zo" Castor
Guitar Part by Antonio Castor
Label: Viva Records
Release date: September 24, 2021