Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

I Belong to the Zoo - Oras Lyrics

Halata sa iyong mata ang pagod na iyong dala
Na para bang ayaw mo na
Mga luhang pilit mong tinatago
Ramdam mula sa kabilang silid

Nandito lang ako 'wag kang mag alala
Kahit hindi pa ako ang iyong i-una

Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para satin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin

Aking mahal 'wag malumbay kahit minsan lang magsama
Dahil 'di ako mawawala
'Wag ka sanang madala sa mga taong
Nagsasabi ng walang kabuluhan

Sinusukat daw ang pag-ibig sa oras na iyong nilaan
Na sa akin ay hindi makatarungan

Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para satin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin

'Wag mo sanang isipin na kailanman ika'y nagkulang
Darating din ang panahong hindi na kailangang mawalay

Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para satin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin

Iintindihin
Iintindihin

I Belong to the Zoo - Oras (Official Lyric Video)


Official Lyric Video of "Oras" by I Belong to the Zoo

Lyric Video Created by Erick Del Rosario
Special thanks to Yellow Room Music Philippines

Zild - Apat (Official Music Video)


Official video for 'Apat' from the upcoming album.

Balcony Entertainment

Directed by: RALIUG (Daniel Aguilar)
Edit: RALIUG
Color: Shanne Dandan
Wardrobe: Shanne and Zild

Cast:
Jaydee Garon
Ivan Arriola
Justine Abuan
Arkyson Dela Cruz

Your Last Stanza - Tayong Dalawa (Official Lyric Video)


TAYONG DALAWA (official lyric video) - YOUR LAST STANZA

BLACKSHEEP RECORDS MANILA

Your Last Stanza - Tayong Dalawa Lyrics

Nakaupo’t nagmamasid
Nag-iisip, nagtatanong
Kung iniisip mo pa ba ko?
Hingang malalim, nakapikit
Lumuluhang nakayuko
Nagkamali nga ba ko?

Pakiusap wag mong talikuran
Puso kong nangangailangan
Ng pagtingin
At ng dahilan

Bakit kay hirap namang sabihing wala ka na?
Bakit kay hirap ngumiti kapag nag-iisa?
Palalayain ba kita?
Palalayain ba kita?
O ipaglalaban kahit alam ko na
Na wala namang tayong dalawa?

Nagsimula na kong tumayo
Nag –umpisa na kong maglakad
Ng walang patutunguhan
Tinanong ko ang sarili
Ako na lang ba ang lumalaban?
Sa ating pag-ibig na sabi mo’y walang hangganan

Naaalala mo pa ba na meron tayong dalawa
Na umiibig at laging umaasa?
Naaalala mo pa ba?
Na merong tayong dalawa?

Nasan na ang pangako mo
Na tayong dalawa kahit kailan
Hindi mag-iisa?

Bakit kay hirap namang sabihing wala ka na?
Bakit kay hirap ngumiti kapag nag-iisa?
Palalayain ba kita?
Palalayain ba kita?
O ipaglalaban kahit alam ko na

Patatawarin na kita
Patatawarin na kita
Hindi na lalaban
At di na aasa pa
Na sa huli
Merong tayong dalawa

Zack Tabudlo - Iyong Iyo Lyrics

Landas natin ay pinagtagpo
Kahit 'di natin plinano
Tinakdang pangako na mahulog
Ako sa'yo
Unang pagtingin alam ko na
Ikaw ang bubuo sinta
Ng aking mundo
Pati na rin ng puso

Sa ating paglalakbay, maaaring maligaw
Pero itong mga kamay hindi bibitaw

Ikaw ay akin at ako'y iyo
Kalawakan man gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay ‘di maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong
Mamahalin kita ng buong buo
Puso'y iyong iyo

Bukas man ay hindi nakatakda
Ang alam ko lang ay andiyan ka
Bawat umaga ay parang himala

Sa ating paglalakbay maaaring maligaw
Pero itong mga kamay hindi bibitaw

Ikaw ay akin at ako'y iyo
Kalawakan man gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay ‘di maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong
Mamahalin kita ng buong buo
Puso'y iyong iyo

Ikaw ay akin at ako'y iyo
Kalawakan man ay gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay ‘di maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong
Mamahalin kita ng buong buo
Puso'y iyong iyo

Zack Tabudlo - Iyong Iyo (Lyric Video)


Music video by Zack Tabudlo performing Iyong Iyo (Lyric Video).

© 2021 Island Records Philippines, a division of MCA Music Inc. A Universal Music Group Company