Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Karlo Zabala - kilabI (Interpreted by Carlyn Ocampo and Joshua Feliciano) Lyrics

Alarm ng tanghali
Ako ay nagising
Ang luha ko’y walang kasing lamig
Pangarap na nabitin
Sa’yo lang mararating
Kung ‘di naman ako’t mababaliw

Baka pwedeng ikalma ang isip
Ngunit nagwawala na ‘tong damdamin
Anong tsansa na ika’y makita?
50 seconds pa lang, pwede pang matulog muli

Sana pwedeng kilabi, ibalik ang panaginip
Na hiling at minimithi
Parang ayoko nang gumising
Tara na’t palaganapin ang oras
Palaganapin na
Sana pwedeng kilabi, ibalik ang panaginip
Na hiling at minimithi
Paki-rewind naman muli
Panaginip ko nama’y ibalik

Ang tanging eksena
Huminto nang sandali
Paligid ko’y biglang nagdilim
Ang diwa ko ay nasilaw
Nang bumungad ang araw
Pagdilat ko hindi ka na natanaw

Kung ang ligaya’y ‘di mo na makita
Kahit hanapin mo sa liwanag
Ipikit na lang ang mga mata
At tapos itulog mo na
Baka mapagbigyan muli

Sana pwedeng kilabi, ibalik ang panaginip
Na hiling at minimithi
‘To ang hangad ko na mangyari
N’ong kahapon at ngayon, hanggang bukas
Hanggang bukas oh sana
Sana pwedeng kilabi, ibalik ang panaginip
Na hiling at minimithi
Pero bigla akong nagduda habang tayo’y magkasama
Ang anyo ng iyong mukha, unti-unting nawawala na
Saka ko lang naaalala, na panaginip lang pala
At bago tayo maantala sasabihin ko na muna

Na sana mabalik ang gan’tong ligalig
Ikaw ay makamit kung magkita muli
Woah baka sakaling ‘to ay tunay
Malay mo tayo pala’y tinadhana

At sana mabalik ang gan’tong ligalig
Ikaw ay makamit kung magkita muli
Sana maalala natin, umaasang magkikita
Ikaw ay makamit, huwag ka nang mawawala
Pag-ibig sa’ting panaginip
Sa paggising natin maibalik

Karlo Zabala - kilabI (Interpreted by Carlyn Ocampo and Joshua Feliciano) Lyric Video


PhilPop MusicFest Foundation presents:

kilabI
Official Lyric Video
Composed by Karlo Zabala
Interpreted by Carlyn Ocampo and Joshua Feliciano
Produced by Civ Fontanilla and Alwyn Cruz
Arranged by Karlo Zabala
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios


Directed and edited by Jaimee Dejelo Bernardo
Co-edited by Martin Dejelo Campita

Special Thanks to Viva Records