Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

ZILD - Ibang Planeta (Music Video)


Ibang Planeta
Interpreter: ZILD
Composer/Songwriter: Dan Tañedo
Arranger: ZILD
Mixing & Mastering Engineer: Sam Marquez
Producer: ZILD
Supervising Producers: Rico Blanco, Jonathan Manalo

PRODUCTION TEAM
Video, Wardrobe and Production Design: Shaira Luna
Gaffer and Video Editor: Lance Luna

ABS-CBN Music
Executive Producer: Mela Ballano
Executive in charge: Roxy Liquigan
Supervising Producer: Jeff Victoria

ABS-CBN Music - Advertising and Promotions
AdPromo Head: Jeff Victoria
Promo Specialists:
Mela Ballano
Christiaan Cajocson
Clarissa Evaristo
Franz Garcia
JP Guan
London Angeles
Social Media Specialist: Naomi Enriquez

ABS-CBN Music - Digital Content and Production
Head, Star Songs and New Media: Atty Marivic Benedicto
Digital Content Producer: Jean Gonzales and Ice Almazan
Head, Digital Content and Production: William Garcia
Graphic Design Team: Andrew Castillo, Christine Cheng

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Zild - Luha Ng Lupa Lyrics

Luha ng lupa
Binubuhos ang mga basura natin
Unti-unting nawawala ang lahat ng ‘to
Nakalimutan magising
Luha ng ulap
Binubuhos ang mga sinunog natin
Poot at galit lang ang naramdaman
Nagkunwari na lang na walang alam

Ulap at lupa nagtatampo sa atin
Sabi ng bata hanggang kailan ang amin

Luha ng puno
Kinakalbo upang tumaas ang tubo
Hinahayaan lang maubos ang lahat
Nakalimutan magmasid
Sabi ng lupa
Makikinig po ba kayo sa akin
O dadating ang oras na wala na ‘ko
Tao na ang pagkain niyo

Ulap at lupa nagtatampo sa atin
Sabi ng bata hanggang kailan ang amin
Gusto ko lang huminga sa purong hangin
Gising na ma, wala na tayong pagkain

Luha ng lupa
Naririnig mo ba
Umiiyak ang mga ibon
Ngayong gising ka na
Mahahabol pa ba
Ang panahon para mabuhay pa

Zild - Luha Ng Lupa (Official Music Video)


Official video for 'Luha Ng Lupa'

Shot by: Shaira Luna
Assisted by: Lance Luna
Video Montage and Editing: Daniel Aguilar

Special thanks:
Shanne Dandan
Xian Guevarra of YACAP
YACAP for the footages
Rico B. of Balcony Entertainment

Music credits:
Written, produced, and performed by Zild
Slide guitar - Noel Mendez
Drums - Chuck Menor
Backup vocals - Shanne Dandan & Hannah Wenceslao
Mixing & mastering - Emil Dela Rosa

Zild - Ibang Planeta (Lyric Video)


Ibang Planeta
Interpreter: ZILD - IV of Spades
Composer/Songwriter: Dan Tañedo
Arranger: ZILD
Mixing & Mastering Engineer: Sam Marquez
Producer: ZILD
Supervising Producers: Rico Blanco, Jonathan Manalo
Lyric Video Edit by Jaliza Baluyut
Illustrated by Elijah Tan

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Zild - Ibang Planeta Lyrics

Verse 1:
Iba ang iyong ngiti
‘Di matatagpuan kahit saan
Wala rito sa mundo
At wala rin sa buwan

Refrain 1:
Ako ay tao lang at ikaw ay diyosa
Ika'y nagbibigay sa ’kin ng ginhawa
Lahat ibibigay para magsama
Kahit manilbihan pa kay bathala

Chorus:
Oh
Hindi ko makahinga
Kapag nandito ka
Oh
Para akong nasa ibang
Planeta

Verse 2:
Iba ang iyong timpla
‘Di malalasahan sa iba
Napapalipad mo ako
Hanggang sa mga tala

Refrain 2:
Sumakay sa sasakyang pangalangaang
Upang matuklasan ang iyong kagandahan
Wala ng salitang kayang ilarawan
Kailangan hanapin pa sa kalawakan

Chorus:
Oh
Hindi ako makahinga
Kapag nandito ka
Oh
Para akong nasa ibang
Planeta

Ooh ooh
Ooh ooh
Ooh ooh
Ooh ooh wooh

Chorus:
Oh
Hindi ako makahinga
Kapag nandito ka
Oh
Para akong nasa ibang
Planeta

Zild - Takbo Ng Panahon (Official Music Video)


Directed by: Shaira Luna
Edited by: Lance Von Luna

Shoot via zoom

Official video for 'takbo ng panahon'

Zild - Alalahanin (Official Music Video)


Official video for 'alalahanin'

Directed by: kevin dayrit
Animation: karla circe

Zild - Agaw-dilim Lyrics

palayong tumatakbo
hahabulin ang araw
malaya ka nang sumigaw

pag dating mo sa dulo
huminga nang malalim
malaya ka nang sumayaw

ibon lang
ang nag-abang
maaaring matapos na
ang ating mga nararamdaman

unti-unting
gumuguho
ang nag-iisang mundo
lahat ng buhay naglalaho

umiikot
lumalabo
nag-iisang katawan
malayo ang mapupuntahan

luha ang inalmusal
walang nagbabago
pasan ko pa rin ang lungkot

dumudugo
at kumukulo
ang aking kaluluwa
ramdam ko pa rin ang lungkot

inaabot
ang kalangitan
hagkan ang katapusan
kakalimutan ang lahat

itataas
mga kamay
at aking ihuhubad
ang tunay na pagkatao ko

agaw-dilim nagsisilbing libing
agaw-dilim nagsisilbing libing

Zild - Agaw-dilim (Lyric Video)


Official lyric video for 'agaw-dilim'

Animated by: kirsten paige tiongco

Zild - Takbo Ng Panahon Lyrics

ang oras ba’y nagbabago
‘di alam takbo ng panahon isang ilusyon
paano
bumalik sa kahapon?
ayusin ang problema ko noon para sa ngayon

ang sabi,

"wag mo raw isipin yan
ang mahalaga ay ang ngayon", bukas o kahapon
tayo lang

ang tanong
kailan ba magbabago ang puso
kailanman di lalayo sa panahon
tingnan man ng kahapon ang puso
kailanman
di lumayo sa’yo

ang tao lang may orasan
bakit ba kailangan magbilang? para saan?
pangako
kahit sa’n man mapadpad
sa nakaraan
o hinaharap
pa ‘yan
ikaw lamang
ang pipiliin

ang sabi,
"wag mo raw isipin yan
ang mahalaga ay ang ngayon", bukas o kahapon
tayo lang

ang tanong
kailan ba magbabago ang puso
kailanman di lalayo sa panahon
tingnan man ng kahapon ang puso
kailanman
di lumayo sa’yo

nakaraan
ngayon't hinaharap iisa lang
lahat ay may wakas
nakaraan
ngayon't hinaharap
iisa lang
lahat ay mayroong hangganan

Zild - Takbo Ng Panahon (Lyric Video)


Official lyric video for 'takbo ng panahon'

Animated by: kirsten paige tiongco

Zild - Bakit Lyrics

pinag-uusapan ka na nila
pinag-uusapan ka na nila
pinag-uusapan ka na nila
pinag-uusapan ka na nila

nanaman
nababaliw aking isipan
kahit na
wala pa namang ebidensya

dapat ba
pakinggan na ang mga tawa
bakit ba may nanggugulo
‘di ko naman ginusto ‘to

alam mo ba?
sabi niya
humanap nalang daw ako
ng ibang kaibigan

bakit
‘di ka nalang ba umalis (pinag-uusapan ka na nila)
bakit
palagi na kitang katabi (pinag-uusapan ka na nila)

nawala
na ang bakas ng lumang storya
nabigla
ko yatang kanilang sistema

sino kaya ang nagsisimula ng gulo bakit nagkakaganito
tamang hinala lang ba
ang nararamdaman
ng isang taong tulad ko

alam mo ba?
sabi niya
humanap nalang daw ako
ng ibang kaibigan

bakit
‘di ka nalang ba umalis (pinag-uusapan ka na nila)
bakit
palagi na kitang katabi (pinag-uusapan ka na nila)

pinag-uusapan ka na nila
pinag-uusapan ka na nila
pinag-uusapan ka na nila
pinag-uusapan ka na nila

‘di ka makakapalag
sa mukhang walang habag
‘di ka pa ba nadala
nung lokohin ka nila

bakit
‘di ka nalang ba umalis (pinag-uusapan ka na nila)
bakit
palagi na kitang katabi (pinag-uusapan ka na nila)

Zild - Bakit (Lyric Video)


Official lyric video for 'bakit'.

Animated by: kirsten paige tiongco

Zild - Alalahanin Lyrics

alalahanin
ang mga pangako
na aalagaan kita
‘di ko babawiin
ang iyong binilin
“anak, ayokong mapag-isa.”
kung maglaho ang
mga alaala
‘di kita ipapahiya

alalahanin
ang iyong hangarin
na hindi ako bibitaw
at mananatiling
nakakapit sa’tin
‘di ko sasaying ito

dadalhin ang ating
mga pinangarap
mapapagmalaki na kita

‘pag nanghina ang iyong katawan
aalayan ka sa bawat hakbang
kung paulit-ulit man mag-tanong
sasabihin ang sagot pabulong

alalahanin
ang pinagusapan
na tibayan aking loob

‘di kakalimutan
ang iyong sinabi
“anak, ayokong mauna ka.”
sa kinabukasan
may panghahawakan
hindi ka mababalewala

‘pag nanghina ang iyong katawan
aalayan ka sa bawat hakbang
kung paulit-ulit man mag-tanong
sasabihin ang sagot pabulong

at pagsapit ng iyong pag-tanda
gagawan kita ng bahay mo na
dati mo pa na ipinagdarasal
habangbuhay kang ipaparangal

kahit saan
‘di kita iiwan
walang makakapantay sa’yong mga binigay

Zild - Alalahanin (Lyric Video)


Official lyric video for 'alalahanin'.

Animated by: kirsten paige tiongco

Zild - Hawla Lyrics

limang daan mukha’ng nakita
gulong-gulo
naghahanap ng bagong storya
buryong-buryo
dalawang mata’y pinapakita
basang-basa
sa isip lang nagkakagera
namumutla

p’ano ba iwasan
ang mga nararamdaman
sarili ang kalaban
sino bang nakakaalam
samahan niyo nalang ako
sa mundong aking binuo

‘di mo kailangan
baguhin ang sarili
sumama sa ating samahan


baril ba ang makakatalo
sa labang ‘to
ngumingiti at nanglalason
patalikod

sinasakal ang mga balat
nabibingi ang mga bulag
nililibing na kaming lahat
sawang-sawa sa mga salita

p’ano ba iwasan
ang mga nararamdaman
sarili ang kalaban
sino bang nakakaalam

samahan niyo nalang ako
sa mundong aking binuo
‘di mo kailangan
baguhin ang sarili
sumama sa ating samahan

babalik pa kaya
ang buhay na nawala
makakasama pa ba kita

walang pakialam kung sama-sama sa iisang hawla

Zild - Hawla (Lyric Video)


Official lyric video for 'hawla'

Animated by: kirsten paige tiongco

Zild - Iiwanan Ng Lahat Lyrics

nasaan na ba kayo
mag-isang tumatakbo
kay tagal ‘di nagkita
puso niyong nawawala

sino ba naman ako
para balikan ninyo
kaibigang nawala
dahan-dahang umalsa

bakit kaya
ayaw ng lahat sa’kin
ramdam ko na
ako’y iiwanan ng lahat

dapat ko bang tanggapin
mag-isang ililibing
kahit may dalang bituin
‘di ka niyan papansinin
sabi ng kalangitan
habangbuhay kang ganiyan
iiwanan ka nila
kahit na maayos ka

bakit kaya
ayaw ng lahat sa’kin ramdam ko na
ako’y iiwanan ng lahat

tinataboy
ka na nila wala ka nang makapitan

Zild - Iiwanan Ng Lahat (Lyric Video)


Official lyric video for 'iiwanan ng lahat'.

Animated by: kirsten paige tiongco

Zild - Mapagpanggap Lyrics

mag-isang kumakanta
nag-abang lahat sila

kay lungkot naman mag-isa nalang
ang nasasaktan
pinagtawanan
kaibigan ay ang nagbibigay
mga dahilan para masaktan

mapagpanggap

pagbukas ng kabinet
natanto na may galit

matutuklasan
ko ang dahilan
bakit may dalang
spadang maanghang

kaibigan ay
ang nagtataglay
ng kakayanan
para masaktan

mapagpanggap
mapagpanggap

paulit-ulit ang lahat
wala na ‘kong masandalan