Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Princess Thea ft. Yayoi & Still One - Pag Tumingin Ka Akin Ka Lyrics

Di ko pa maamin
Medyo alanganin
Ako’y naging madasalin at ikaw naging laman ng mga panalangin
Sana ay palarin
Na ikaw ay mapasakin
Kung sakaling tanungin kung mayrong ipapakain, marunong na magsaing haha
Walang biro to, patawa tawa lang pero seryoso
Ako sa tulad mo
Dinaan sa rap di mo nabasa ang sulat ko

Ikaw ang napi-feel, para sakin you’re the best
Tayong dalawa ay laging chill, hindi ka mai-stress

Pag tumingin ka akin ka
Pwede ba na ako’y lingunin
Konting sulyap mo lang ako ay agad-agad kikiligin
Tuwing dadaan ka at nakikita
Pag tumingin ka akin ka at ako’y sayo na rin

Napapatingin sa maganda mong bihis
Kutis na makinis, la akong paki sa tsismis
Basta intensyon ko sayo ay malinis
Wag maghinala pa, di ako sa una lang magaling baby
Magtiwala ka kahit san tayo makarating

Pag tumingin ka akin ka, di mo na kinakailangan na
Lumiko pa sa iba, wag mo na akong pangilagan
Para maisakatuparan pinakahinihiling ko
Kaya andito lang ako, nag-aantay sa pagtingin mo

Pag tumingin ka akin ka
Pwede ba na ako’y lingunin
Konting sulyap mo lang ako ay agad-agad kikiligin
Tuwing dadaan ka at nakikita
Pag tumingin ka akin ka at ako’y sayo na rin

Pag tumingin ka akin ka na matik na talagang nakakaakit ka para kong minamahika
Gusto kong mapasakin ka dun din naman to pupunta kaya kung pwede wag nang pahabain pa
Kase handa kong ibigay kahit ano man hilingin mo, alam ko naman na tulad ko ang yong tipo
Yung tipong kayang masakyan ang mga trip mo, wag kang mag-alala malinis ang aking motibo
Kaso pano mangyayari ang lahat kung hanggang titig lang sayo at di ka magawang lapitan
Barakong torpe man ako pero sa awit na ito siguro dito nalang kita paparinggan
Baka sa puntong to ay marinig mo rin, ang tinig ng taong gusto kang mahalin
Baka sakaling pwede mo kong tanggapin nang di na ko mag-antay kung kailan ka sakin titingin

Pag tumingin ka akin ka
Pwede ba na ako’y lingunin
Konting sulyap mo lang ako ay agad-agad kikiligin
Tuwing dadaan ka at nakikita
Pag tumingin ka akin ka at ako’y sayo na rin

Pag tumingin ka akin ka
Pwede ba na ako’y lingunin
Konting sulyap mo lang ako ay agad-agad kikiligin
Tuwing dadaan ka at nakikita
Pag tumingin ka akin ka at ako’y sayo na rin

Princess Thea ft. Yayoi & Still One - Pag Tumingin Ka Akin Ka (Official Music Video)


Directed & Edited by: Allstar Al
Music Produced By: LC Beats
Mix & Mastered by: Al Auacay
Lyrics By: Paolo Lao, Yayoi, Still One

with Special Participation

WildstyleCrew Dancers
Maria Kristille Reyes - Dance Choreographer
Kate Ngo
Princess Aubrey
Sofia Martin
Juliana Ysabelle

Showtime Dancers
Melvie Mae Perez
Cashmir Camacho

Models/Dancers
Kelly Ann Diamante
Nicole Angela Valencia
Mitch Agravante

Special Thanks to
SOUTHLOWCAL PH
MACKWORKS
TAGZWORKS

NEXUS ARK PAINT AND BODYKITS/KAI RACING

Shout Outs

Allstar Productions | Militia Music Exclusive | 420 Soldierz | Musikalye

Yayoi ft. Miguelito Malakas - Saglit Lyrics

[Yayoi Hook]
pwde ba dito ka muna saglit
at sandali muli na magkalapit
gusto ko lamang na maulit ulit
mga nangyari sa kahapon kahit na masakit
pwde ba dito ka muna saglit
pasensya kung laging nangungulit
gusto ko lamang na maulit ulit
wag ka muna umalis dito ka muna saglit

[Yayoi Verse]
wag ka muna umalis dito ka muna
sa sandali na to sakin ka muna
susulitin natin dalawa.
dahil maya maya alam kong sa kanya kana
pahingi ulit ng saglit na hiram
kung san tayong dalawa at walang mangengealam
makipag habulan sa tadhana'y makipaglaro
ikaw lang at ako. kahit walang tayo
pwede ba dito ka muna saglit
babalik balikan ikaw lang ulit
wag mo naman sakin na ipagkait
kahit saglit sakin ka muna ulit

[Yayoi Hook]
pwde ba dito ka muna saglit
at sandali muli na magkalapit
gusto ko lamang na maulit ulit
mga nangyari sa kahapon kahit na masakit
pwde ba dito ka muna saglit
pasensya kung laging nangungulit
gusto ko lamang na maulit ulit
wag ka muna umalis dito ka muna saglit

[Miguelito Verse]
dito ka muna saglit wag ka muna umalis
palitan natin ng saya tamis mga hinagpis
wag ka sanang mag isip ng mga masama
dahil ayaw kita na mawala
di ko nais na ikaw paglaruan
di ko nais na ikaw paglaruan
ako ay biglang nakontinto ng ikaw ay matagpuan
ahhh pwde ba dito ka muna saglit (saglit lang)
babalik balikan ikaw lang ulit (ikaw ikaw ikaw)
wag mo naman sakin na ipagkait (wag na wag na wag)
kahit saglit sakin ka muna ulit

[Yayoi Hook]
pwde ba dito ka muna saglit
at sandali muli na magkalapit
gusto ko lamang na maulit ulit
mga nangyari sa kahapon kahit na masakit
pwde ba dito ka muna saglit
pasensya kung laging nangungulit
gusto ko lamang na maulit ulit
wag ka muna umalis dito ka muna saglit

Yayoi ft. Miguelito Malakas - Saglit (Audio)


S A G L I T - Yayoi feat. Miguelito Malakas (Audio)

Allstar Productions

Credits to (Prod. Tower Beatz)

Yayoi - Kung Sana Lang (Part 2) Official Music Video


Kung Sana Lang (Part 2) - Yayoi (Official Music Video) 420 Soldierz

Directed & Edited by: DAA
13th beats

Starring:
Don LastRhyme
Mitch Agravante

All contents Copyright © 2018. Reserved for Allstar Productions.

Yayoi & Jay'rhyme of 420 Soldierz - Kung Tayo Talaga (Official Music Video)


Directed By: Allstar Al

Starring
Mad C Luna
Vincent Alonto Jopia

Yayoi - Kung Sana Lang (The Other Guy) Lyrics

araw-araw nasasayang lamang pagmamahal mo sa kanya
bakit di mo ba makitang parang ikaw nalang sinta
ang lumalaban para magtagal pa kayong dalawa
lahat tinitiis mo kahit na nasasaktan ka na
bakit hindi mo ba makitang ito lang ako
handang gawin lahat basta ikakasaya mo
hindi katulad nya di ka mabigyan ng konting halaga
ngunit bakit di mo pa rin magawa na iwan sya
kung ako nalang sana ang nauna
nauna mong nakilala di na sana
lumuha ang mata mo dahil sa kanya
lungkot ng kahapon mo sanay kalimutan na

pre-chorus
pakinggan mo naman at pagbigyan
dahil di ko na kaya na masdan
na nahihirapan ka nandito naman ako

chorus
pag sinaktan ka nya sakin ka pumupumunta
pag iniwan ka ako nandito lang di ba
wala kong magawa kahit parang ayoko na
nagtititis maging pangalawa
at maging takbuhan mo pag may problema ka
at patuloy umaasang baka mapuna
mo na mahal kita kahit mahal mo ay iba,
kung sana lang ako ang nauna

pinipilit ko ng pigilan, pinipilit ko ng iwasan
na mahulog pa sa di naman kayang sukilian
pagmamahal ko na naunahan
ng taong minsan ding nangakong di ka sasaktan
at paluhain ka ngayon sya na ang dahilan
umaasa ka sa walang kasiguraduhan
imulat ang mata may isang tao pa na andiyan
na handa kang saluhin sa tuwing binibitawan niya
at handa kang mahalin at ipakita na
higit pa sa iingatan ka di ka sasaktan di katulad nya

pre-chorus
pakinggan mo naman at pagbigyan
dahil di ko na kaya na masdan
na nahihirapan ka nandito naman ako

chorus
pag sinaktan ka nya sakin ka pumupumunta
pag iniwan ka ako nandito lang di ba
wala kong magawa kahit parang ayoko na
nagtititis maging pangalawa
at maging takbuhan mo pag may problema ka
at patuloy umaasang baka mapuna
mo na mahal kita kahit mahal mo ay iba,
kung sana lang ako ang nauna

sana maisip -isip mo na pilit ko na pinipilit to
aking nadarama kahit hindi mo madama
na pinapadama ko ang lahat ng kaya ko
patuloy na naghihintay sa di alam kung darating
patuloy umaasa kahit na ako pa ay maging
pangalawa lamang at kaibigan lang
matuturing ang isang kagaya ko
kahit mahirap ang tatahakin
kakayanin ko di ako susuko sayo

chorus
pag sinaktan ka nya sakin ka pumupumunta
pag iniwan ka ako nandito lang di ba
wala kong magawa kahit parang ayoko na
nagtititis maging pangalawa
at maging takbuhan mo pag may problema ka
at patuloy umaasang baka mapuna
mo na mahal kita kahit mahal mo ay iba,
kung sana ako lang ang nauna

Shernan ft. Yayoi of 420 Soldiers - Sulat Kay Ama Lyrics

1st:
akoy panganay na anak sa tatlong magkakapatid
musmos lang ako nun marami pang di mabatid
kung bakit ganito ganyan daming katanungan sa mundo
gusto ko lang ay mag saya bakit may hawak kang tambo
aking ama ano ang aking kasalanan
naglaro ko sa labas, ng hindi nagpapaalam
masyadong makulit,at hindi mapagsabihan
''dumapa ka bilisan mo'' wala naman akong pagpipilian
''tama na po tama na hindi na mauulit''
habang sa sulok umiiyak sa sakit namimilipit
pakiramdam koy di mo ko tunay na anak
katumbas ba ng yakap mo ay mga sipa at tadyak
kung ganun tama na wag mo na kong mahalin
maga na po kase kamay ko at kumikirot na rin
buti naman at napagod ka na itay
pahinga na po akot marami ka pang ibibigay

Chorus:
Sa sulat ko nalamang iginuhit ang mga mensahing para sayo ama.. (Oh aking ama) mga hindi nasabi nung nanjan kapa. Dala dala't bitbit ko parin magisa. Oh ama..
Lahat ng mga pagkukulang mo. Kinamulatan na isang katulad ko.
Naging matigas man sa panlabas.
May lambot parin yan ang totoo
Aking ama, kung nasan ka man ngayon Isa kang malaking naging aral ng panahon

2nd:
lumipas ang ilang taon ama ganun pa rin kayo
kaya sa puso ko, puro galit na ang na buo
madalas pa- ka-yong nag aaway ni ina
dahil siguro yan sa bisyo mong hindi maganda
habang ako nakamasid sa inyo bawat sandali
dahil sa tama mo akala moy wala ka ng mali
at dumating na ang aking hinihintay
ang sumobra kat kayong dalawa ay mag hiwalay
habang ikaw ay palabas ng pinto
ang saya sa aking pusoy di ko mapahinto
ewan ko bakit ganun marahil tadhanay madaya
pakiramdam ko ako ay bilanggong biglang lumaya
wala na ang mananakit at mamamalo
pwede na kong maglaro at kumaen ng halo halo
pagkatapos uuwi wala ng ingay na maugong
at wala na rin sa akin sinturong na sasalubong

Chorus:
Sa sulat ko nalamang iginuhit ang mga mensahing para sayo ama.. (Oh aking ama) mga hindi nasabi nung nanjan kapa. Dala dala't bitbit ko parin magisa. Oh ama..
Lahat ng mga pagkukulang mo. Kinamulatan na isang katulad ko.
Naging matigas man sa panlabas.
May lambot parin yan ang totoo
Aking ama, kung nasan ka man ngayon Isa kang malaking naging aral ng panahon

3rd:
nadagdagan aking edad pati ang galit ko sayo
halos itanggi ko pa nga, na ikaw ay ama ko
pero naisip ko mali at tama din sila
kahit ano pa ang nangyare ay ama pa rin kita
oh sige ama kita ''wow'' ang bait ko
pero di ko maibibigay ang bagay na pinagkait mo
yun ay pagmamahal, sapat ng kilalanin ka
bilang ama ko sa mundong to at wala ng iba
payat mo na,dahil sa bisyong di masupil
may apo ka na sakin hindi ka pa rin tumigil
bahala ka gawin mo yan araw hanggang gabi
tutal sa iyo ay wala akong pake
halos limot na nga kita, may sarili na kong buhay
asawat dalawang anak na nagbigay sakin ng kulay
hindi ko gagawin sa kanila ang ginawa mo
akoy magiging mabuting ama yan ang pangako
pero na balitaan ko,patay ka na
dahil sa bisyo mo,di na ko magtataka
di ako nakaramdam ng lungkot saking nalaman
marahil ay manhid na dahil sa pinagdaanan
ito ay sulat ko sayo,sana makuha mo
hindi ko napansin pumapatak na luha ko
tang ina mahal pala kita ama
bakit ngayon ko lang naisip kung kelan wala ka na
di ko to inaasahan, akala ko wala lang
biglang buhos ang mga luha tila natanggal ang harang
patawad, sa galit ko akoy naging iba
,ngayon ko lang naisip na mahal pala kita
patawarin mo ko PA, kung akoy nag matigas
hindi ko to ginusto alam yan ng nasa itaas
kapiling ka na nya, matatahimik na kayo
at sana ay baunin mo itong pagibig ko sayo

Chorus:
Sa sulat ko nalamang iginuhit ang mga mensahing para sayo ama.. (Oh aking ama) mga hindi nasabi nung nanjan kapa. Dala dala't bitbit ko parin magisa. Oh ama..
Lahat ng mga pagkukulang mo. Kinamulatan na isang katulad ko.
Naging matigas man sa panlabas.
May lambot parin yan ang totoo
Aking ama, kung nasan ka man ngayon Isa kang malaking naging aral ng panahon

Yayoi - Tahan Lyrics

Lyrics Not Available