Verse 1
Paano nga ba sa pasko
Di ako sanay Wala ka dito
Di bale nang Walang magarbong handa
basta’t ika’y kapiling ko
Diba ‘yong pinangako
Na laging sabay TAyo
Maghihintay sa hatinggabi
Magbubukas ng regalo
Pre Chorus:
sabi mo magpasalamat lagi sa pasko
Dahil kay Kristong sinilang ...sa ating puso
Chorus
O yakapin ang pasko
Pasko sa ating puso
mahaba man ang gabi
mga bitwin nagningning
Ako’y laging aasa
Sa pangako ng pasko
Sa Pagsikat ng umaga
Tayo pa rin ang magkasama
Verse 2
Iba na ang aking pasko
Alam Kong lilipas din ‘to
Pero ayokong kalimutan
Alaala kapiling mo
Pagmamasdan ko PA rin
Ang parol na sinabit NAtin
May dalang ngiti sa ‘aking labi
Magbibigay ng liwanag lagi
( repeat pre chorus
Chorus 2x )
Tayo pa rin ang magkasama