Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Press Hit Play - Wala Na Ba? Lyrics

Nakatulala sa kawalan
Tumatakbo sa isip ang mga alaala na
Kasama ka

Mga luha ko'y pumapatak
Habang naiisip ko lahat-lahat ng sandaling
Ating naiwan

Nagtatanong sa tala at sa buwan
May pag-asa pa kayang ika'y muling mahahagkan

Wala ka na nga ba?
Wala na bang nadarama?
Tinangay ka ng hangin palayo sa ‘kin
‘Di naman ito ang panalangin
ko, paano na?
Paano na ang puso kong
Umiiyak, hinihiling ikaw ay magbalik

Mga araw na kasama kang
Harapin ang bawat pagsubok
‘Di na ba mangyayari?

Patawarin mo ako sa pagkukulang ko
‘Wag mong hayaan na
Mapalayo ang damdamin sa ‘kin

Nagtatanong sa tala at sa buwan
May pag-asa pa kayang ika'y muling mahahagkan?


Wala ka na nga ba?
Wala na bang nadarama?
Tinangay ka ng hangin palayo sa ‘kin
‘Di naman ito ang panalangin
Ko, paano na?

Paano na ang puso kong
Umiiyak, hinihiling ikaw ay magbalik
Oh bakit ba kailangang magbago ng nadarama
(Magbago ng nadarama)

Mga pangako na habambuhay kasama ka'y naglaho na?
(Kasama ka'y naglaho na)
Akala ko ay para tayo sa isat-isa
(‘Di mapigil mga luha)
Tumigil ang mundo magmula nung lumisan ka
Ohh
Yeah

Wala ka na nga ba?
Wala na bang nadarama
(Wala na bang nadarama?)

Tinangay ka ng hangin palayo sa ‘kin
‘Di naman ito ang panalangin
ko, paano na?
(Paano na nga ba sinta oh oh)

Paano na ang puso kong
Umiiyak, hinihiling ikaw ay magbalik
Ikaw ay magbalik
Yeah

Saan kita hahanapin, giliw?
Ikaw ay magbalik
Ohh Ikaw ay magbalik
Sana'y magbalik

Press Hit Play - Wala Na Ba? (Lyric Video)


Credits:
Melody and Lyrics: Charles Morrison Rodriguez
Vocal Arrangement: JP Soliva
Music Director: Vasyl Javier Guevarra and Charles Morrison Rodriguez
Producer: Vasyl Javier Guevarra and JP Soliva
Mix and Master: Theo Martel

© 2023 Evolution Media Ltd.