Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Issa Rodriguez - 'Wag Lyrics

'Di ka raw masyadong magaling
O eh ba't sinusubukan mo pa?
'Di ka naman daw kaakit-akit
O eh bakit ka nagpapaganda
Oh hindi naman sila mauubusan ng mga ganyang salita
Pero ba't hanggang ngayon ay tuloy pa ring nagpapadala?
'Di ka ba nagsasawa makinig sa mga boses na patuloy kang binababa
Diba alam naman natin na

Chorus:
Ikaw ay ikaw at Ako ay ako
Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo
Pasok sa isang tenga, labas sa kabila
'Wag na 'wag na 'wag kang papahila pababa

Ilang beses na ba 'to nangyari
O ba't 'di ka pa nadadala?
Ilang beses pa ba madadale
Bago magpakumbaba?
O kailangan ba talaga na lahat na lang ay 'yong pinupuna
Lahat tayo dito sigurado may kanya-kanyang dinadala
'Di ka ba nagsasawang manakit ng mga kapwa mong wala namang ginagawa
Diba alam naman natin na

Chorus:
Ikaw ay ikaw at Ako ay ako
Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo
Pasok sa isang tenga, labas sa kabila
'Wag na 'wag na 'wag kang papahila pababa

Mas maingay ang mga walang masabing matino
Gamitin mo boses mo para i-angat ang kapwa mo
Masyado nang maraming negatibo sa mundo
Hindi ba pwedeng pairalin ang puso?
Mas maingay ang mga walang masabing matino
Gamitin mo boses mo para i-angat ang kapwa mo
Masyado nang maraming negatibo sa mundo
Hindi ba pwedeng pairalin ang puso?

Chorus:
Dahil Ikaw ay ikaw at Ako ay ako
Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo
Pasok sa isang tenga, labas sa kabila
'Wag na 'wag na 'wag kang papahila pababa

Ikaw ay ikaw at Ako ay ako
Pantay-pantay lang tayong nilagay sa mundo
Kung wala kang nakikitang kabutihan sa kanila
Mas mabuti pang sa'yo na lang mag-simula

Issa Rodriguez - 'Wag (Official Music Video)


Arranged by: Zak Yokingco
Drums: Ren Polumbarit
Bass: Jorel Borromeo
Mixed and Mastered by Angee Rozul

Music Video edited by: Paolo Hibaler