Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Curse One & Vlync - Paano Ba Lyrics

(Curse One)
Bakit ba kahit na lagi kitang inaalis sa isip ko ay di ko magawa
Tila ika’y naging aking araw at buwan
Pakiramdam ko’y laging lutang sa tuwing ika’y napapagmasdan
Sobrang saya na makasama kita walang iba
Tibok ng damdamin (Tibok ng damdamin ko), hiling ko’y mapasakin ka
Dahil iniibig kita di mo lang alam
Kaso pag inamin ko na baka balewalain mo lang
Ang walang katumbas na nadarama para sa’yo
Ganun ma’y lagi akong nasa piling mo

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

(Vlync)
Wala kong sinabi, kasi di ko masabi na ikaw ay gusto ko
Isip ko’y gulong gulo, kaliwa’t kanan ang bulong
Aaminin ko ba o kaya hayaan ko na lang baka magkagulo?
Baka iwasan mo ako mas lalong di ko kaya
Pinipilit ko saking isipan na itigil na’t tumigil na, baka hindi ako ang tipo mo?
Pakiramdam ko’y ako lang ang may pagtingin sa’yo kaya napapangunahan…
‘Di kaya natotorpe lang?
O sinasadya mo lang na di magparamdam?
Kasi hinihintay mo lang akong lumapit sa’yo
Paano ba to? Paano?

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

Bridge:
‘Di mo naman pahalagahan at balewalain mo lang ang nilalaan na
Pag-ibig na sa’yo naramdaman
Total nandito na rin lang naman aaminin na sa’yo
Kahit ano man ang dating sa’yo
Ang tanging gusto ko lang ay mapasakin ka

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta (Tanging sa’yo lang ako)
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

(Curse One & Vlync)
Balewala lang, balewala lang
Balewala lang, balewala lang
Balewala balewala lang
Balewala balewala lang
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka mabalewala lang

Curse One & Vlync - Paano Ba (Lyric Video)


Written by Curse One & Vlync
Mixed and Mastered by Christian Earl Valenzuela
J Rain Beats

Vlync ft. Joshua Mari - Hanggang Kailan Lyrics

Vlync:
May kulang ba?
Sa akin bakit ka nagka ganyan?
Lahat naman ay gagawan ng paraan, basta sabihin mo lang.
Wala naman akong ibang hangad.
Kundi yung mahalin ka ng paulit ulit, tulad nang pangako ko sayo ngunit ay parang ikaw na yata ang may ayaw. Ohhh.
Hanggang kailan mo ba ko papasakitan?
Nanlalamig ka meron bang ibang nakikita?
Ang puso mo na sabi mo ay sakin lang pero pakiramdam ko'y hindi na ahhh.
Sobrang sakit na makita kong ganyan ka na..
Hindi kaya pag ibig mo ay nabaling na sa iba?
Sabihin mo naman, sabihin mo naman.

Chorus:
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Mo ba ko sasaktan paulit ulit na lang bakit ba, wala na bang nararamdamang pagmamahal?
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Ako mag titiis, sayong mga pananakit.
Hanggang kailan? Hanggang kailan?

Joshua Mari:
Tila lumalalim ang dilim...
Di ko na makita ang dating liwanag at init na ating...
Araw araw na pinagsasaluhan, na napalitan ng kalungkutan.
Parang ang hirap nang takasan dahil nga mahal kita.
Hanggang kailan mo ba ko hahawakan?
Kung puso ko'y hindi na kailangan.
Pakiusap ay sabihin mo.
Para mundo'y di na iikot sayo.
Alam kong di na ako laman ng isipan
Inakalang tatagal ay merong hangganan.
Pinang hawakan ko, mga pangako ko.

Chorus:
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Mo ba ko sasaktan paulit ulit na lang bakit ba, wala na bang nararamdamang pagmamahal?
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Ako mag titiis, sayong mga pananakit.
Hanggang kailan? Hanggang kailan?

Bridge:
Vlync:
Wala na yung dating init.

Joshua Mari:
Kapit ay di na mahigpit.

Vlync:
Wala na ba ang yong pag-ibig? yeah.

Joshua Mari:
Yung ikaw at ako?
Pwede bang sabihin mo kung?!

Chorus:
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Mo ba ko sasaktan paulit ulit na lang bakit ba, wala na bang nararamdamang pagmamahal?
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Ako mag titiis, sayong mga pananakit.
Hanggang kailan? Hanggang kailan?

Repear Chorus.

Curse One, Vlync, Kejs, Aphryl - Wag Ka Lang Mangamba Lyrics

Sukdulan

Kung ano man ang ‘yong dinaramdam
Hayaan mo akong pawiin ang lahat ng paghati
Sa puso mo, wag kang mag-alala isa lang ang puso ko
Ito’y para sayo, sayo
Lagi mong tatandaan mahal kita
Tanging nasa isip ko, walang iba
Ikaw oh ikaw oh ikaw
Laging nasa isip ko ohh ohh
Ikaw oh ikaw oh ikaw
Kahit sa panaginip ko

Walang katumbas ang pag-ibig kong ito
Para sayo, mahal kita ooh ohh yeah
Langit sa piling mo
Hahamakin ang lahat kakayanin sapagkat
Alay ko sayo ang buhay ko ohh
Wag ka lang mangamba

Saksi ang mga bituin
Liwanag ka sa tuwing ulap ay madilim
Ikaw ang dahilan ng bawat pag ngiti ko
Huli mo ng kiliti ko pati ang aking panlasa
Na mitikoloso, seryoso ako sayo
Napaibig mo ko ng todo
Kaya sayo ako handa ko nang gawin lahat
Wag ka lang mawawala

Panghawakan mo ito
Hindi ka mabibigo
Itinakda ng tadhanang ika’y makasama sa buhay ko
Mahal kita ng higit pa sa iniisip mo

Walang katumbas ang pag-ibig kong ito
Para sayo, mahal kita ooh ohh yeah
Langit sa piling mo
Hahamakin ang lahat kakayanin sapagkat
Alay ko sayo ang buhay ko ohh
Wag ka lang mangamba

Walang ibang nakapagpadama
Sakin ng ganitong pagmamahal
Ikaw lang talaga
Kaya walang dahilan para
Tumingin sa iba
Sana ay paniwalaan mo
Lagi mong isipin na
Kahit minsan malayo ka
Hindi ibabaling sa iba
Tanging sayo lang sinta
Ang pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig
Ooh ooh ooh, ooh ooh ooh
Sana’y panghawakan mo

Walang katumbas ang pag-ibig kong ito
Para sayo, mahal kita ooh ohh yeah
Langit sa piling mo
Hahamakin ang lahat kakayanin sapagkat
Alay ko sayo ang buhay ko ohh
Wag ka lang mangamba

Kahit na bali-baliktarin mo man
Ikaw pa rin ang nilalaman
Ang puso at isip ko’y sakop mo
Lagi mong tatandaan
Na walang makakapagpabago ng
Pagtingin ko sayo
At sa init ng pag-ibig ko
Na naglalagablag lab lab lab
Labis kang mahal
Dahil pakiramdam kong ito’y
Walang hanggan, walang hangganan
Ikaw ang tahanan, sukdulan ooh ohh
Langit sa piling mo

Walang katumbas ang pag-ibig kong ito
Para sayo, mahal kita ooh ohh yeah
Langit sa piling mo
Hahamakin ang lahat kakayanin sapagkat
Alay ko sayo ang buhay ko ohh
Wag ka lang mangamba

Wag ka lang mangamba
Wag ka lang mangamba
Alinlangan ‘di na kailangan pa
Iniibig kita
Sukdulan
Ooh oohhh

Wag ka lang mangamba

Curse One, Vlync, Kejs, Aphryl - Wag Ka Lang Mangamba (Lyric Video)


Wag Ka Lang Mangamba by Curse One, Vlync, Kejs, Aphryl
(Breezy 2020) (Prod. by Thirteenth Beatz)

Abaddon ft. Vlync - Huwag Mong Mahalin Lyrics

Lasing ka na naman anong nangyare kagabe?
Umuwi ka ng may baon pang babaeng malake
Panay ang kamot nya sa singit mong maasim, makate
Astigin ka ba pre kapag iba iba ang katabe?
Iba’t ibang bangka ang yong sinasakyan
Mukhang hindi ka na tinatablan porket di ka sinasaktan
Lahat na lang kinakamkam kahit kaibigan ang may-ari
Ay di mo dinadamdam pilit mo pang sinasagwan
Mga istilo mo’y bulok
Kahit mapahiya ka ay pagpipilitan mo na malunok
Kahit na kalimutan ko’y nakakalimutan kong kalimutang ikaw ay matagal ko ng subok
Sirang sira ka pag babae ang usapan
Bakit mo hinayaan na madungisan ang pangalan mo
Palagi kang tinatawanan dahil nga ang yabang mo
Pero ayos lang yan dahil lahat to’y kasalanan mo

Chorus:
Anung nangyari tropa?
Puro ka droga
Palaging kota
Nak ng pota
Huwag mo ng antayin
Na ikaw ay singilin
Ayos lang tumikim
Pero huwag mong mahalin
Baka mapraning ka
Nako ikaw rin
Ayos lang tumikim
Pero huwag mong mahalin

Hindi ka tinuturing yaman ng magulang mo
Ang alam mo lang ay manggulo
At pagkukulang lang ang kaya mong buo na ibigay diyan ka mahusay bro
Kulang na lang ay umusbong ang mga sungay mo
Di ka tumatanggap ng payong kapatid
Kaya batid ko na kung ganong pang-unawa’y kasaid
At malamang sanay ka na sa mga tratong malamig
Isa kang tao na palalo na malabong padaig
Nasobrahan ka na sa lalim
Ano bang inuulam mo sa kanin?
Puro ba masamang hangin?
Kahit ikaw ay alanganin na alam mo bang kasama ka pa rin sa aking mga panalangin?
Huwag mo sanang masamain
Dapat kasi minsa’y subukan mo na harapin ang salamin
Dahil lalo ka lang mapapahamak at sasamain
Kung di mo gustong alamin kung sino ba ang salarin

(Chorus)

Ayos ba na maging siga at maangas?
Tapos kunwari matalino ka’t matalas?
Kahit kanino ka pabibo parang may anting-anting mga ngiti mo
Ang galling mong mangbayabas
Kung ano man ang tinitira mo ngayon
Unti-unti ka niyang ihahatid sa libingang kahon
Kahit ano man ang ipilit mong talon
Anim na talampakan pababa ka niyang ibabaon
Gusto lang kitang tulungan
Baka mga demonyo’y may inuman at ikaw ang mapulutan
Baka maging laman ka ng bulung-bulungan
Dahil masaya ka na sa sementeryo o kulungan
At bago ka pa nga tuluyan na kainin
Subukan mong siyam na oras na walang gising
Dahil napakasakit kung iisipin
Ang isang kaibigan ko sa kangkungan ko pupulutin

(Chorus)

Huwag na (5x) Huwag

Huwag mong mahalin…