Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Apekz ft. John Roa - Tugatog Lyrics

Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
Di mapapagod bumangon miski madapa
Nagsimula sa baba papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog

Nagsimula sa baba na parang binhi
Aabot dun sa tugatog mangatog man ang binti
Manggugulat sabay sabing di lang kayo yung matindi
Ako’y dinamitang di nila nakitang nakasindi
Nag-aalab at nagbabaga hingang malalim
At ibuga ang kaba kasabay ng gabay ng mantra
Nangangatal sa sabik nakahanda na akong bahala
Na ihagis ang sandata sa mata ng dambuhala
At gagawin ang imposible
Walang pagsisisi sa huli kasi alam kong hindi to simple
Dadaan ka sa proseso dapat mo lang tanggapin
Dahil ang gustong lumaktaw malalaglag dun sa bangin
Nangangapa pa sa dapat na hakbangan
Nagkalat ang mga patibong at hindi patag ang daan
Ang dami nagsabi sakin “hanggang dyan ka na lang”
Asa pa na tantanan hanggang taas masampahan

Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
Di mapapagod bumangon miski madapa
Nagsimula sa baba papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog

Mahahati ang daan pipili sa kaliwa’t kanan
Ang isang maling galaw mawawala ang pinaghirapan
Di lang isa kundi marami ang malaking nakaharang
Matagal mo ng inaasahan pero minsan di maiwasan
Na magapi, maranasan masawi
At iisipin mo san ka ba nagkamali
Di mo na alam ang gagawin kasi ginawa mo na lahat
Tinaya at nilapag ubos pati sukli
Ngayong wala ng masalat at sa pagbagsak
Una ang aking mukha
Nalaglag pa ng mas mababa kung san nagsimula
Namanhid ba ang lahat kasi lagi kong hinuhusayan
O yung akala ko na gutom hindi na pala natutunawan
Gusto kong malaman alam ko naman na di maghihintay
Sa wala sapagkat ang hiling ko noon matagal na sakin naibigay
Ang mga plano at tadhana na hindi nagsasabay
Baka sakaling tumugma kapag sa rima ko inilagay

Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
Di mapapagod bumangon miski madapa
Nagsimula sa baba papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog

Idederetso ko meron man o walang kakampi
Handang tiisin miski gaano kahapdi
Kahit na hilahin ay hindi malalansi
Nadala na kaya ang dala ko ngayon tangke
Aabante meron o walang kakampi
Handang tiisin miski gaano kahapdi
Kahit na hilahin ay hindi malalansi
Dahli ang husay ko ngayon di na kayang itanggi

Sa tigas ng ulo di susuko pagkat sinunog na yung puti na tuwalya
Parang pinasahan ng enerhiya bigla ni Jeremiah
Mapuputikan at uuwi kang lamog nang nanggigitata
Naging biyaya ang mga peklat na magsisilbing medalya
Walang kailangan na patunayan walang kalaban dapat talunin
Hindi maiiwanan walang nakaraan na hahabulin
Kung magbabalik man sa umpisa isa lang ang babaguhin
Pupunta ulit sa tuktok at mas mabilis kong tatapusin

Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
Di mapapagod bumangon miski madapa
Nagsimula sa baba papunta ng tugatog

Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
Di mapapagod bumangon miski madapa
Nagsimula sa baba papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog

Apekz ft. John Roa - Tugatog (Official Lyric Video)


Written by
Apekz
John Roa

Mixed and Mastered: Klumcee
Beat Produced by Jhomss Fallesgon
Video editor: Mark Jinno