Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Gatilyo - Tintang Tula Lyrics

Ito ang unang pahina ng aking tunay na buhay
Na minsan ay pinangarap ko na rin maging mahusay
Na gumawa ng mga awit at malalim na tula
Kahit na palagi akong nilalait ng madla
Kinapalan ko ang mukha kahit na kinukutya
Pumunta ako sa gitna kahit walang natutuwa
‘Di pa rin nadadala kahit ilang beses natalo
Iniisip ko na lang ang Diyos sakin mayroong plano
Kaya di nagpaapekto sige sa pag eensayo
Kahit na wala sa tono pinilit makabisado
Pagsampa sa entablado kahit na medyo kabado
Nang bumanat na ako naghiyawan na mga tao
Sa wakas nagbunga na rin ang aking pagtyatyaga
Nang dahil sa pagra-rap ako ay tinitingala
Gamit ang tintang tula ako ay gumagawa
Ng mga awit na kinakanta ng bata’t matanda
Kahit saan ako maggala ay maraming bumabati
At pag may mga inuman ako’y nagra-rap palagi
Nag guest ako sa Taguig, Marikina, ParaƱaque
Pasig, Cavite, Tondo, at pati na sa Makati
Kaya’t laki pasasalamat ko sa Panginoon
Ang mga dalangin ko ay kanya nang itinugon
Ang mga kanta ko sa youtube umabot limang milyon
Sinasabihang mabangis na para raw isang leon
Kaya lalong ginanahan pa ko sa pagsusulat
Makagawa lang ng mga awit okay lang kahit puyat
Kahit maga na ang kamay ay hindi iniinda
Di pa rin humihinto kahit ubos na ang tinta
At hindi katagalan ang panahon ay nag-iba
Marami nang nagtataka kung bakit di na kumakanta
Biglang nawala sa industriya na parang isang bula
At nanghihinayang yung iba bat di na ko gumagawa
Ng mga awit na inawit ng mga bata sa lansangan
At bigla raw lumubog ang dati ko na kasikatan
Sa mga tao na nanabik ito ang aking pagbabalik
Hinila man ako pababa ay pipiliting pumanik
Maraming salamat sa aking kaibigan na sa pamilya ko nakasuporta sila
Ang nagpapalakas ng loob ko na lumaban ako sa mga problema
Kaya kahit hindi na kaya pipilitin ko pa rin
Ang mga pangarap ko ay pipilitin tuparin
Abutin! Parang mga bituin sa kalangitan
At hindi na sasayangin ang mga pinaghirapan
Ako man ay masugatan sa pinili kong larangan
Di ako mapipigilan sa’king mga kagustuhan
Dahil ang mga natutunan ay magsisilbing leksyon
Mahirap man ang sitwasyon basta’t mayroong inspirasyon
Na nagpapalakas ng loob na makipagsabayan
Sa hamon ng buhay ko na puno ng kalungkutan
Di nyo na yata naaalala kung sino ako
Sabagay marami na ang nagsisikatan sa mundo
Kung di mo natandaan susubukang balikan
Ang mga nakaraan na hinangaan ng ilan

(Sa pagbigkas ko ng pangalan ko na Randy at Gatilyo,
Tingin ko lang sayo na tinutukan ng kutsilyo)
Ang gatilyo na pangalan ay kumalat at umugong
Minsan di mo pinasilong kung tayo’y nagkasalubong
Oh ano nalaman mo na ba at naaalala
Yung bata na inakala mo na di makikilala
Aking binalewala marami man ang talangka
Matutupad din ang pangarap dahil sa pagtyatyaga
Ilang beses nang nadapa pero pinilit makabangon
At sa kahirapan ay pinipilit ko din umahon
Pumasok ng walang baon pero di nagrereklamo
Kung nakapagtapos sana gusto maging abugado
Kaso nagging barumbado pati naging abusado
Hanggang sa natuto na ko tumikim ng mga bisyo
Ako’y tao lang na natukso na gusto magbago
Ang pintuan ng pag-asa ay hindi nagsasarado
Pagkat si Hesukristo ang laman ng aking puso
Sya ang dahilan kung bat hinding-hindi ako sumuko
At ngayon alam nyo na ang tunay ko na istorya
Eto na huling yugto ng kwento ni Randy Badilla

Gatilyo - Tintang Tula (Official Music Video)


Composed by: Gatilyo
Produced and arranged by: Stay Creative Studio
Videographer by: Ranny Abordo
Directed by: Job Navarez