Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jr.Crown, Kath, Niero, Soul & Thome - Maghihintay Lyrics

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Ako’y maghihintay na muling makayakap makasama
Babaeng pinangarap makapiling ko sa t’wina
Huling mamahalin at matatawag na asawa
Panghabang-buhay at sabay gigising sa umaga diba
Napakasarap isipin kung ngayon ay araw-araw kita na kapiling
Bawat sandali pangakong ‘di na mabibitin
Susulitin ang bawat laan na oras para sa’tin ng panahon
Kaya ako’y maghihintay, mag-uugnay, nalulumbay man sa ngayon
Asahan mo kahit ganon ang sitwasyon
Ikaw pa rin at sa iba hindi na lilingon
Kaya mahal magtiwala ka lang
Walang malayo na pagitan ang makakahadlang
Napatunayan na nating hindi yon ang basehan
Kahit na ga’no katagal hindi ka papalitan kaya…

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Madalas man dalawin ng kalungkutan
Sinta dahil napakalayo mo sa akin
Pero wag mong isipin na ako’y magsasawang ibigin ka
Kung ‘di man kita kapiling sa ngayon
Palagi mo lang tatandaan na kahit na anong mangyari ay ikaw ang laman
Kayamanan na dapat pagkaingatan ko sa mahabang panahon na ‘di kayang tumbasan
Kahit gaano katagal ako’y nakahandang maghintay sa iyo
Kaya tiwala’y ibigay mo sana sakin
Dahil hanggang sa huli ikaw ay makakaasa
Ang pag-ibig mo ay ‘di ko sasayangin

‘Di man sa ngayon maghihintay pa rin sa tamang pagkakataon
Hanggang umayon na ang tadhana’t panahon

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Sa ngayon tiis lang muna yon ang dapat gawin
Wag kang masyadong malungkot wag mo na ring damdamin
Darating na rin yung araw muling magkakasabay
Tayong kakain at lalakad din ng hawak kamay
Sa tuwing nalulungkot ka’y titigan mo yung larawan pati na yung alaalang pinabaon
Mga sandaling kasama, katabi kita’t ang oras ‘di natin pansing lumipas sa maghapon
Kaya naman mahal magtiwala ka lang sakin pagkat
Walang malayo pagitan distansya’t agwat
Na pwedeng makapagpabago kung ano ko sayo
Mananatili na ikaw hanggang sa pagbalik mo kaya…

‘Di man sa ngayon maghihintay pa rin sa tamang pagkakataon
Hanggang umayon na ang tadhana’t panahon

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay
Uh haa… ako’y maghihintay
Ohhh… ako’y maghihintay
Hmmm… maghihintay…

Maghihintay

Jr.Crown, Kath, Niero, Soul & Thome - Maghihintay (Official Lyric Video)

Music Produced by: Sawndass Music Beat
Beat Produced by: J-Rain
Lyric Video by: Sawndass Music
Composed by: Jr Crown, Kath, Niero, Soul & Thome
Mixed & Mastered by: Martin Leonar
Recorded at: Batang Pinas Records

© ℗ 2020 Sawndass Music
All Rights Reserved.

Jr.Crown, Thome & Chris Line - Sulyap Lyrics

Di na mapigilan ang sariling mapa-ibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh oh!
Kaya laging nag-aabang
Para ika’y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang
Okay na ako nang dahil sayo oh oh!

Laging nag-aabang kung san ka dadaan
Nagbabakasakaling muli kang masulyapan
Ang ganda mo at ngiti mong kay tamis
Nakakainis kasi hindi kita maalis
Sa aking isipan di na mapigil ang
Damdamin ko para sayo kahit hanggang titig lang
Kaya minsan gusto kitang ichat sa FB
Ayain lumabas at sabay na mag FT
I can be your superman kahit di pang superhero
Ang aking katawan ilalaban kahit kanino
Oo simple lang ako at Malabo mong matipuhan
Kaya okay nang kahit sa FB mo lang mapusuan kase

Di na mapigilan ang sariling mapa-ibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh oh!
Kaya laging nag-aabang
Para ika’y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang
Okay na ako nang dahil sayo oh oh!

Eyy! Binibini oo ‘lam ko naman
Na hindi ako ang nararapat mong magustuhan
Tanggap kong hanggang titig na lang
Kaya sa himig na lang baka sakaling pakinggan mo
Di man kaya na sabihin to sa harap mo
Para lang aminin ko na laman ka ng isip ko
At dalahin pa sa panaginip hanggang sa paggising ko
Siguro nga ako’y baliw sa iyo oh oh
Hiling ko lang naman ay mapansin mo at masabing

Di na mapigilan ang sariling mapa-ibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh oh!
Kaya laging nag-aabang
Para ika’y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang
Okay na ako nang dahil sayo oh oh!

Di ko alam kahit minsan
Bakit di kita nagawang palitan
Kahit alam ko naman na
Malabo mo din ako na magustuhan
Sa mundong ito sayo ko nakita
Lahat ng wala sa iba
‘Kaw yung tipo ng babaeng walang kolorete
Sa paningin ko maganda ka na
Pag dadaan ka nakaabang kahit di ka malapitan
At kapag ngumingiti ka yun yung pinakamasarap titigan
Kung meron man akong kahilingan
Mahigit na ilang ulit na babanggiting
Makasama kita wala ng iba
Ikaw at ikaw ang hihilingin
Kahit alanganin pa ang katuparan
Tatandaan mong ika’y iingatan
Di ko hahayaang mabastos ka lamang
Payat man ako handa kang paglaban
Di man mahawakan ang mga kamay
Patuloy pa rin sa paghihintay
Kahit imposibleng atensyon mo saking tuon at maibigay