Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jom, Clien ft. Ijiboy & Jr Crown - Tanging Ikaw Lyrics

Hindi mo na ba kayang magtagal
Ikaw ba’y nahihirapan na
Kaya gumagawa ka na ng paraan para ika’y iwanan na
Palagi mong tinatanong kung bakit andirito
Kahit na sinasabi mong pagod ka na
Umaasa akong nasasabi mo lang ng yan kasi nagagalit ka

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Ikaw ang pinangarap makasama ko sa twina
Malamig ang panahon ikaw ang naging katabi di na bagong maglambing
Dahil ikaw ang mundo kahit minsan magulo, di papatalo
Di naman na tayo mga bata para di natin malaman ang tama sa mali
Patawarin mo ko minsan ay di na katulad ng dati na masaya
Pero ayos lang basta’t ikaw ang aking kasama sa hirap at ginhawa

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Naalala ko pa noong nakita kita
Hindi ko na malilimutan ang iyong mga mata
Mala bituin sa ganda ako’y tinamaang bigla
Kaya ako’y nahihirapan na iwanan ka
Kaya kung ano man ang gusto mong gawin
Ako’y nandito lang at balak kitang hintayin
Alam kong ayaw mo na, pasensya ka na

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Mahal pakiusap lang wag ka namang ganyan
Kahit na nasasaktan mo ko madalas hindi pa rin makayang
Talikuran ka’t kalimutan ang mga panahong na puro kasiyahan lang
Na nadarama kapag kasama ka na tila di na makikita sa iba
Kaya mahal di kita bibitawan, di kita iiwanan, ikaw ay paglalaban ko
Di kita susukuan kahit mahirapan yan ang panghawakan

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Jom, Clien ft. Ijiboy & Jr Crown - Tanging Ikaw (Official Music Video)


Jom & Clien's newest single "Tanging Ikaw"
Performed by Jom, Clien featuring Ijiboy of Midas Records & Jr Crown of Sawndass Music

Beat Produced: ELEVEN
Directed: Nick Hernandez
DOP & Editor: Ephraim Abarca
Video Produced: Midas Records
BTS: Clarence Rhein Macaraeg & Nan Bautista
Stylist: Nick Hernandez
MUA: JL Fernando
Lead Actors: Racy Ann Oliva & Joshua Agatep
Production House: Midas Creative Media

© 2020 ALLMO$T Music

Kyla - Tanging Ikaw Lyrics

Kung ang buhay mo’y sasayangin mo’t
Hahayaan mong malunod lang sa bisyo
Kinabukasan mo’y mananatiling kay dilim
At walang inaasahan pang pag-asa

Sadya bang kay hirap unawain
Hinahangad ng bata mong damdamin
Gumising ka’t muli mong pangarapin
Ang tagumpay na dapat marating

Tanging ikaw ang may hawak ng ‘yong buhay
Tanging ikaw ang may dala ng ‘yong bukas
Wala ng hihigit sa talinong taglay
Kaya’t mag-aral kang mabuti

Huwag gawing hadlang kahirapan mo
Na di tapusin ang iyong pag-aaral
Di pa man huli basta’t magsikap ka
Makamtan ang iyong mga minimithi

Sadya bang kay hirap unawain
Hinahangad ng bata mong damdamin
Gumising ka’t muli mong pangarapin
Ang tagumpay na dapat marating

Tanging ikaw ang may hawak ng ‘yong buhay
Tanging ikaw ang may dala ng ‘yong bukas
Wala ng hihigit sa talinong taglay
Kaya’t mag-aral kang mabuti

Tanging ikaw ang may hawak ng ‘yong buhay
Tanging ikaw ang may dala ng ‘yong bukas
Wala ng hihigit sa talinong taglay
Kaya’t mag-aral kang mabuti

Tanging ikaw…
Ang may dala ng ‘yong buhay
Tanging ikaw…
Ang may dala ng ‘yong bukas

Tanging ikaw…

Kyla - Tanging Ikaw (Official Lyric Video)


Lyric video of Kyla's song "Tanging Ikaw" from the advocacy album "Bagong Himig."

Curve Entertainment

Uppercase - Tanging Ikaw Lyrics

Miss miss marikit
Pahingi ng saglit
Pansinin mo ako
‘Di na kayang dalhin
Tibok ng damdamin
Ako’y nabihag sa’yo

Kay tagal tagal ko nang
Nais na ipaalam kaya
Wag ka na umalis
At makinig ka na please
Sa sasabihin sayo

At tanging ikaw lang ang
Pinapangarap ko
‘Di man makita sa’king pagtingin
Ang damdamin ko sa iyo
Pinapangarap lang
Mapagbigyan ako
Tanging hiling ko sana’y mapansin
At makilala ka ngayon

Ikaw ang aking hiling
Liwanag ko sa dilim
Ngiti sa bawat yugto
Ba’t hindi mo dinggin
‘Wag ibato sa bangin
Itong pagtawag sa’yo

Matagal ko nang ramdam
Ikaw ang inaasam kaya
Eto na’t parating
Bugso ng damdamin
At ang pag-ibig sa’yo

At tanging ikaw lang ang
Pinapangarap ko
‘Di man makita sa’king pagtingin
Ang damdamin ko sa iyo
Pinapangarap lang
Mapagbigyan ako
Tanging hiling ko sana’y mapansin
At makilala ka ngayon

At tanging ikaw lang ang
Pinapangarap ko
‘Di man makita sa’king pagtingin
Ang damdamin kong ito
Pinapangarap lang
Mapagbigyan ako
Tanging hiling ko sana’y mapansin
At makilala ka ngayon

Tanging ikaw
Pinapangarap

Uppercase - Tanging Ikaw (Official Lyric Video)


Copyright (c) 2018, 2019 - Radio Insect Records
Toronto, Ontario, Canada

Arranged and Performed by UPPERCASE
Words and Music by Mark de Leon
Production and Motion Graphics Design by Paul Oliver "Lux” Limin - Overseer Productions

Tony Labrusca - Tanging Ikaw Lyrics

Di na kayang magpanggap ng pusong hirap
Bakit ngayon ko lang nalaman
Ang tunay na nararamdaman
Di alam ang gagawin
Gusto ko sanang sabihin
Na sa loob nitong damdamin
Kailan kaya maaamin

Di pa ba napapansin ang
Pusong may nililihim
Kailan ba masasabi sayo

Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay
Ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin
Pano ba maaangkin
Ang syang pinapangarap ko'y
Tanging ikaw

Bakit di ko napansin
Na lagi kang nandyan
Bawat lingon iba ang hanap
Ikaw pala'y nasa harapan
Kung pwede lang na
Maibalik ang bawat sakit na nagdaan
Lagi ko sayong ipararamdam

Ang pusong di pa napansin
Ang tunay na nililihim
Kailan ba masasabi sayo

Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay
Ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin
Pano ba maaangkin
Ang syang pinapangako ko'y
Tanging ikaw

Iba ang kaba na nadarama
Lalo ngayong kaharap kita
Tanging hiling sa pag amin
Sana'y dinggin

Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay
ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay
ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin
Pano ba maaangkin
Ang syang pinapangarap ko'y
Tanging ikaw

Jem Cubil - Tanging Ikaw Lyrics

No’ng una kang makita
Tila ako’y sumigla
Mga ngiti ko’y lumigaya
No’ng una kitang makita
Ganda mo’y pambihira
Silip ng pag-ibig ay nakita

Sana’y dinggin ang aking hiling
Wala ng ibang gustong makapiling
Ikaw lang wala ng iba

Tanging ikaw ang gusto ko
Sa paggising ko sa umaga
Sa damdamin at isip ko
Dala mo ay hiwaga
Tanging ikaw ang sagot
Sa puso kong nangulila
Ulan ng buhay ko
Dahan-dahang tumitila

No’ng una kitang makita
Ako’y nagbakasakali
Pagbigyan ang pusong hindi mapakali
No’ng una kitang makita

Paghanga ko ay umapaw
Tingin mo pa lang, ooh
Ako’y natunaw

Sana’y dinggin ang aking hiling
Wala ng ibang gustong makapiling
Ikaw lang wala ng iba

Tanging ikaw ang gusto ko
Sa paggising ko sa umaga
Sa damdamin at isip ko
Dala mo ay hiwaga
Tanging ikaw ang sagot
Sa puso kong nangulila
Ulan ng buhay ko
Dahan-dahang tumitila

Sana kahit minsan
Ako ay mapagbigyan
Ang minimithi ng puso ko ay
Mapansin mo lang
Sana ‘di na kailangan
Sumuntok pa ‘ko sa buwan
O ang humiling sa mga bituin
Na makasama ka lang

Tanging ikaw ang gusto ko
Sa paggising ko sa umaga
Sa damdamin at isip ko
Dala mo ay hiwaga
Tanging ikaw ang sagot
Sa puso kong nangulila
Ulan ng buhay ko
Dahan-dahang tumitila

Tanging ikaw ang gusto ko
Sa paggising ko sa umaga
Sa damdamin at isip ko
Dala mo ay hiwaga
Tanging ikaw ang sagot
Sa puso kong nangulila
Ulan ng buhay ko
Dahan-dahang tumitila