Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Unit 406 - Tanghaling Tapat Lyrics

Di ako pinalaki ng ganito
Tanghaling tapat naglalasing sa may kanto
Di rin ako iresponsableng tao
Nabigo lang talaga ako
Apat na taon ang nawala, balewala
Na dapat ay sapat nang magtapat kung nawala na
‘Di mo sinabing nagpalit ka ng karera
Nangongolekta

Wag mo nang sabihin o aminin dahil alam ko na naman
At di na pipilitin na piliin mo ako’t iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala kung bawat hinala tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi tanggap ko nang
Sa panahon ngayon tanghali na lang tapat

Iwan na lang ating nakaraan oh
Iwanan lahat ng naipon nating kwento
Isosoli na lang mga bigay mo
Pati puso mo na akala ko ay totoo
Nasusunog ang lamang loob pag naiisip
Na balot na ang labi mo ng laway na di akin
Di mo sinabing nagpalit ka ng pangalan
Kubeta nga lang

Wag mo nang sabihin o aminin dahil alam ko na naman
At di na pipilitin na piliin mo ako’t iwanan mo siya
Aanhin pa ang tiwala kung bawat hinala tumatama
Ayoko nang manisi at magsisi tanggap ko nang
Sa panahon ngayon tanghali na lang tapat

Oh oh woha oh oh…
Tanghali na lang tapat

Sa panahon ngayon wala na