Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Talata - Hindi Mo Kaya Lyrics

Tama ba ‘to na ako ang kusang
Yuyuko sa ‘yo kahit ikaw ang may kulang?
Nararapat bang matapakan ng ‘yong kahambugan
Bawat bato ng salita ako ang sugatan

Kahit sanlibong galit ang pakawalan
Hindi ko na maramdaman

Isa pang salita magsisisi ka na
Pag ako ang bumitaw di mo makakaya
Tiniis inintindi minahal akala ko aayos ka
Pag wala na ko sa ‘yo di mo makakaya


Huli nang pagkakataong ibibigay
Ilang taon na rin akong naghintay
Ng ‘yong paghingi ng patawad na di ko narinig
Itatapal na ang mga mura mo sa sarili mong bibig

Kahit sanlibong galit ang pakawalan
Hindi ko na maramdaman

Isa pang salita magsisisi ka na
Pag ako ang bumitaw di mo makakaya
Tiniis inintindi minahal akala ko aayos ka
Pag wala na ko sa ‘yo di mo makakaya

Isa pang salita magsisisi ka na
Pag ako ang bumitaw di mo makakaya
Tiniis inintindi minahal akala ko aayos ka
Pag wala na ko sa ‘yo di mo makakaya

Talata - Hindi Mo Kaya (Official Lyric Video)


The brand new single from Talata, released June 9, 2023 under Tower of Doom Music.

Tracked, mixed and mastered by Kyle Cayton of Tower of Doom.

Talata - Panaghoy Lyrics

Halik ang gumigising,
Kilig sa iyong ngiti.
Oh, nalulunod na sa iyong mga tingin.

Salamat, kupido! Inilaan ako sa iyo
Sa dami ng tao sa mundo,
Naging ikaw at ako.

At nagsumpaang magpakailanman. Ang lahat ng ito’y nasa isip ko.

Sabik sa iyong init
Yakap mong kay higpit
Paggising ko’y wala ka na.

Sumikat ang bagong araw
Ngunit kay dilim ng ulap
Suot ko ang iyong mga damit
Ramdam ang yakap na kay higpit

Salamat, kupido! Inilaan ako sa iyo
Sa dami ng tao sa mundo,
Ikaw lamang at ako.


Ating sumpaang magpakailanman.
Oh, lahat ng ito’y nasa isip ko na lang.

Sabik sa iyong init
Yakap mong kay higpit
Paggising ko’y wala ka na.
Pangakong di ka aalis
Umasang laging katabi
Oh, bakit pumanaw na?

Sabik sa iyong init
Yakap mong kay higpit
Paggising ko’y wala ka na.
Pangakong di ka aalis
Umasang laging katabi
Oh, bakit pumanaw na?

Talata - Panaghoy (Official Lyric Video)


The brand new single from Talata, released July 15, 2022 under Tower of Doom Music.

Tracked, mixed and mastered by Kyle Cayton of Tower of Doom.