Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Yuridope - Takits Lyrics

Kailan tayo magkikita ulit
Sige mangulit nang mangulit
Di ako mapipikon
Di ako mapipikon
Wag mo lang iiwan ng di tiyak
Kung kailan ba ang ‘yong balik
Dun ako mapipikon
Dun ako mapipikon

Kase alam mo naman
Masyado na ‘kong abala
Di na tulad ng dating halos walang ginagawa
Pag buryo nagliliyab sa palara
Ngayon hindi na uso yon
Ang dami dami nang bagong pwedeng pagkaabalahan
Patanda ng patanda ay padami ng padami mga dala
Di na tulad nong sitwasyon ko ay walang wala
Nakikitulog pa sa studio mo
Kaya nung nagkaron baka iniisip mong nakalimutan na kita
Di na pumupunta kase wala nang dapat mahita
Lumaki lang yung obligasyon kaya madami nang bagay na iniisip
Pero di ko na dapat isingit
Yung mga alaala natin nung magkakasama pa
Madalas ‘la ng laman yung tiyan nakakatawa pa
Kasi lahat ng yon nandyan na sa aking utak
At hindi na yun matatanggal oh
Kaya…


Kailan tayo magkikita ulit
Sige mangulit nang mangulit
Di ako mapipikon
Di ako mapipikon
Wag mo lang iiwan ng di tiyak
Kung kailan ba ang ‘yong balik
Dun ako mapipikon
Dun ako mapipikon

Di pa rin makapaniwalang di ka na namin
Pwedeng gisingin para maggala at magpahangin
Magpakapagod maghapon hanggang sa ang gabi’y lumalim
Mahirap ng ulitin yon panahong nag aasaran habang umiinom
Sagaran walang nagagalit parang magkakapatid na turingan
Kaya ang sakit sakit din para sa amin di ka na makakasama
O makakausap o sagutin mo kung tanungin ka naming

Kailan tayo magkikita ulit
Sige mangulit nang mangulit
Di ako mapipikon
Di ako mapipikon
Wag mo lang iiwan ng di tiyak
Kung kailan ba ang ‘yong balik
Dun kami napipikon
Dun kami napipikon

Yuridope - Takits (Visualizer)


Written by Elvin Santos

Beat Produced: Kevin Dela Pena aka since1999
Mixed and Mastered: Michael '' Kael '' Guerrero
Visualizer Editor: Warren Tablo
Cover Artwork: Mark Lester Santiago

Ex Battalion Music™
©Panty Droppaz League 2019.
All Rights Reserved.