Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

BalaSubas - Swerte Ko Lyrics

Hindi ko na kasi kailangan ang iba para maging
Makulay sa mata o masarap sa paningin
Basta’t masaya na ako dahil nandyan ka pa rin
Ikaw ang nagtulak sa akin papuntang liwanag na galing sa dilim
Pwede ba kitang isama sa aking byahe
Irelax ang utak natin minsan
Kahit hindi kita kilala ay kampante
Pa rin akong ikaw ay nandyan

Di ko maisip na ako’y mamahalin mo
Parang panaginip na biglang nagkatotoo

Ang swerte ko merong ikaw na laging nag-aabang
Sa labas ko’t kada bitaw merong naggagandahan
Ang swerte ko merong ikaw na palaging nandyan sa akin
(Kaya nabuo ang awitin na ito, dahil sa pagmamahal at todo na suporta mo)

“Ang swerte ko” dahil nakikinig ka sa mga obra kong sinulat at bumibilib pa!
“Ang swerte ko” laging nakaabang ka kung merong bago ako na ilalabas na kanta

Panung hindi magiging swerte ay ang dami ng nawili
Mga tula ko na nagbunga umani ng mga papuri
Sari-sari na kumento naglabasang argumento
May sustansya na nabuo kaya ang dami ng nanatili “That’s right”
Nilakipan ko ng mga sangkap kaya malabo itong mapanis
Tatangayin ka sa imahinasyon gamit sulat ng lapis
Kaya sa byahe ko kasama ka dala ko ang mga bagahe
Sabay tayong lalakad sa hagdan ng paabante
Napakaswerte ko’t dala ko ang takip ko sa matang
Ginagamit na piring kaya malabo sa kinang
Akong mabulag at mapeke sa gintong nakakasilaw
Malabo pang mangyari pag kasama ka malinaw “Paabante”

Ang swerte ko merong ikaw na laging nag-aabang
Sa labas ko’t kada bitaw merong naggagandahan
Ang swerte ko merong ikaw na palaging nandyan sa akin
(Kaya nabuo ang awitin na ito, dahil sa pagmamahal at todo na suporta mo)

“Ang swerte ko” dahil nakikinig ka sa mga obra kong sinulat at bumibilib pa!
“Ang swerte ko” laging nakaabang ka kung merong bago ako na ilalabas na kanta

Balasubas ft. Siobal D - Swerte Ko (Lyric Video)


Balasubas - Swerte Ko (Lyric Video)