Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

SunKissed Lola - Nene Lyrics

Nene, ba't 'di mo subukang lumipad?
'Di man sang-ayon ang lahat
Kahit ilang beses mang maikumpara kay Toto
Nene, kung sa'n ka man mapadpad
Patuloy sa paglalakad
Maniwala sa'yong sarili, lahat magagawa mo

Babae ka
'Di babae lang
Ipagmarangya
Ano mang lahi't kulay mo

Nene, 'di sukatan ang balat
Buhok may kulot o unat
'Wag padala sa paghusga
Isulat mo ang 'yong kwento


Babae ka
'Di babae lang
Ipagmarangya
Anumang lahi't kulay mo
Babae ka
'Di babae lang
Ipagmarangya
Ano mang lahi't kulay mo

Nene, 'di man kilala o sikat
Mga pakpak ilantad
Ipahayag sa mundo
Kakayahang taglay mo

Babae ka
'Di babae lang
Ipagmarangya
Ano mang lahi't kulay mo
Babae ka
Sisidlan nang usbong
Malaya kang
Baguhin ang mundo

Sientete orgulloso de ser mujer
Fa-la-la, la-la, la-la-pa
Nene, humayo ka at lumipad

SunKissed Lola - Nene (Official Lyric Video)


Performed & arranged by SunKissed Lola
Written by Alvin Serito
Produced by Shadiel Chan & SunKissed Lola
Mixed by Shadiel Chan
Mastered by Jan Aries Agadier Fuertez
Art by Jael Mendoza
Video by Pepo Daradal

SunKissed Lola - Dal’wang Patinig Lyrics

Ama namin
Maaari kayang

Mga tuhod magkabilaang
Nangangapal kakaluhod sa
Harapan ng salamin parang hibang
Panay ang tanong kung

"Maaari bang mapasakin ka't
Mapasaiyo ako yan ang
Paborito kong dasal"

Dalawang patinig lang
Ng pinakaaasam

Pwede bang ako nalang
(Sabihin mo oo)
Makasayaw mo hanggang
(Kaya mo't gusto)

Mahaba man ang prusisyon
Sasamahan ka sa simbahan
Pwede bang ako nalang
Sabihin mo oo

Bago iparating sa 'yo
Ang mga panalangin
Ilang beses ipinaalam
Sa itaas ang bulong


"Maaari ba 'kong
Maging palagi mo
Dito sa mundong
Mailap ang kasiguraduhan"

Dalawang patinig lang
Ang pinakaaasam

Pwede bang ako nalang
(Sabihin mo oo)
Makasayaw mo hanggang
(Kaya mo't gusto)

Mahaba man ang prusisyon
Sasamahan ka sa simbahan
Pwede bang ako nalang
Sabihin mo oo

Ama namin
Maaari kayang (Oo)
Mapasakin
Pinakaaasam (Oo)

Pwede bang ako nalang
(Sabihin mo oo)
Makasayaw mo hanggang
(Kaya mo't gusto)

Mahaba man ang prusisyon
Sasamahan ka sa simbahan
Pwede bang ako nalang
Sabihin mo oo
Sabihin mo oo
Sabihin mo oo
Sabihin mo oo

SunKissed Lola - Dal’wang Patinig (Official Lyric Video)


Performed & Arranged by SunKissed Lola
Written by Alvin Serito
Produced by Shadiel Chan & SunKissed Lola
Mixed by Shadiel Chan
Mastered by Jan Aries Agadier Fuertez
Art by Kacy
Video by Pepo Daradal

SunKissed Lola - Luna Lyrics

Sabi nga nila
Bilang lang and oras mo
Di bale na, basta't nasa piling mo

Di ko man maisip
Ang aking sasabihin sayo
Maipahiwatig na ikaw ang aking mundo

Halika't sumama, tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

Sabi ng iba
Nasayang ang oras ko
Di nila alam
Mahirap maging ako


Labis nang napatid
Napayuko at napahinto
Nang ika'y yakapin
Lukso ng dugo'y natanto

Halika't sumama
Tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

Halika't sumama
Tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

SunKissed Lola - Luna (Official Lyric Video)


Performed & Arranged by SunKissed Lola
Written by Dan Ombao
Produced by Shadiel Chan & SunKissed Lola
Mixed by Shadiel Chan
Mastered by Jan Aries Agadier Fuertez
Art by Kosmiklia
Video by Pepo Daradal
Special thanks to Mika Aoki and Athena Luna Ombao!

SunKissed Lola - Paki Sabi Lyrics

Bakit ba ako nalilito?
Kung saan saan humihinto
Para lang makita mo akong
Naghihintay lang para sa'yo

Ikaw lang ang laman ng aking puso
Lagi kang tumatakbo sa isip ko
'Di na makatulog sa gabi
Iginapos mo ako ng 'yong ngiti

Oh, ilan kayang bituin
Ang bibilangin ko para sa'yo
Oh, ilan kayang mundo
Ang lilibutin ko makita lang na ako ay totoo

Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas hahalaga
Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas sasaya pa
Paki sabi nalang sa kaniya
Na mahal ko siya


Bakit ka pa ba nalilito?
Kung sino sino ang pinupunto
Wala ng mas magmamahal sa'yo
At ang puso kong ito'y para sa'yo

Oh, ilan kayang bituin
Ang bibilangin ko para sa iyo
Ilan kayang mundo
Ang lilibutin ko makita lang na ako ay totoo

Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas hahalaga
Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas sasaya pa
Paki sabi nalang sakaniya
Na mahal ko siya

Andito lang naman ako
Nadarama mo ba, itong pagibig ko?

Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas hahalaga
Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas sasaya pa
Paki sabi nalang sakaniya
Na mahal ko siya

Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas hahalaga
Paki sabi nalang sa kaniya
Na wala ng mas sasaya pa
Paki sabi nalang sakaniya
Na mahal ko siya
Na mahal ko siya

SunKissed Lola - Paki Sabi (Official Lyric Visualizer)


Performed & arranged by SunKissed Lola
Written by Danj Quimson
Produced by Shadiel Chan & SunKissed Lola
Mixed by Shadiel Chan
Mastered by Jan Aries Agadier Fuertez
Keys by Brad Coronel
Art by Jael Mendoza
Video by SunKissed Lola
Edited by Alvin Serito

SunKissed Lola ft. shortone - Damag Lyrics

Habang malalim and gabi
Ating sulitin na ang bawat sandali
Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin
Patungo sa akin

'Di mo ba gustong
Ako'y nagsusumamo
Para kang bugtong
Palagi kang malabo

'Di mapakali
Damdamin ay kabado
Ikaw na ang sanhi
Ikaw pa rin ang puno't dulo

Ba't di ba pwedeng pagbigyan
Ang nararamdaman
Manatili munang magkatabi
Hanggang umaga lang

Habang malalim and gabi
Ating sulitin na ang bawat sandali
Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin
Patungo sa akin

Napahiling at napa-sabi na lang
Na baka sakaling mapa-sakin ka nga
Pumikit, humingang malalim
Humikbi pasimple sa hangin
Halika, halika


Iniisip kung aanhin ko pa ang
Dinadala kong pagmamahal
Kung 'di naman ikaw ang tatanggap
Tignan mo mata ko babakat
Na 'di lamang ako nagpapanggap
Nagaalala ka kung tatagal
Eh, araw-araw nga kitang mahal

Magandang simula ang ilang salita
Pasalamat pa nga't, nakausap kita
Sang-ayon man o hindi ating paligid
Sasalubungin ko ang iyong tinig
Sasaludo sa'yo aking pag-ibig... Aking pag-ibig

Papel ko sa'yo ay sulatan mo lamang
Sana mapunan mo na ang blangko
Ako ang pader kung gusto ng sandalan
Sa mga laban na hinaharap mo

Sabay tayo na matututo
Alamin lang natin ang panuto
Paghirapan kahit magkulang ang tulog
Handa kong manatili kaya...

Pwedeng bang pagbigyan
Ang nararamdaman (nararamdaman)
Sa'kin ay tumabi, hanggang umaga lang
(Hanggang umaga lang)

Mahagkan ka habang malalim and gabi
(Hahawakan, magdamagan, sasamahan ka mahal)
Ating sulitin na ang bawat sandali
Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin
(Hahawakan, magdamagan, sasamahan ka)
Patungo sa akin

Makasama hanggang umaga
(Hahawakan, magdamagan, sasamahan ka mahal)
'Di mo kailangang mag atubili
Dito ka sa aking tabi

Mahagkan ka hanggang umaga
(Hahawakan, magdamagan, sasamahan ka mahal)
'Di mo kailangang mag atubili
Dito ka sa aking tabi (Sa tabi, sa tabi)

SunKissed Lola ft. shortone - Damag (Official Lyric Video)


Performed by SunKissed Lola & shortone
Arranged by SunKissed Lola
Written by SunKissed Lola & shortone
Produced by Shadiel Chan & SunKissed Lola
Mixed by Shadiel Chan
Mastered by Jan Aries Agadier Fuertez
Keys by Brad Coronel
Art by Jael Mendoza
Video by Pepo Daradal