Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sugarcane - Dalangin Lyrics

Lahat ng hapdi’y nakalimutan,
Pinawi maging ang kalungkutan.
Makapigil hininga na kagandahan,
Uunahin ka maging kahit kanino man.

Bukang-liwayway sa kalupaan,
Tila abot kamay na ang kalangitan.
Tunay ngang wala kang kapintasan.
Kung ako’y hahayaan, hindi ka na bibitawan.

Oh kay tagal kang hinintay.
Napagod kong puso'y sa'yo na mahihimlay.

Dalangin,
Oh aking dalangin,
Ang oras ay humihinto,
Sa tuwing tayo'y magkakatagpo.

Yakapin,
Hayaang yakapin.
Sa oras na ika’y bigo,
Sa'yo'y hinding hindi susuko.

Hiwaga na hindi namamaalam,
Biyayang tinuturing ng mangilan-ngilan.
Maaari bang sa piling ko'y manahan?
Natatanging kayamanang matuturing na tahanan.

Oh kay tagal kang hinintay.
Napagod kong puso'y sa'yo na mahihimlay.

Dalangin,
Oh aking dalangin,
Ang oras ay humihinto,
Sa tuwing tayo'y magkakatagpo.

Yakapin,
Hayaang yakapin.
Sa oras na ika’y bigo,
Sa'yo'y hinding hindi susuko.
Hinding hindi susuko.

Sugarcane - Dalangin (Official Lyric Video & Chords)


Written by: Froilan Baustista
Composed by: Froilan Bautista, Carl Guerzon, & Cedric Angeles
Arranged, Produced, Mixed & Mastered: Cedric Angeles
Performed by: SUGARCANE
Art by: Felix Gasmen

Sugarcane - Kung Maging Akin Ka Lyrics

Kasalanan ba na umibig sa'yo?
Alam kong ikaw ang sinisigaw nito.
Dinggin sana ang himig, upang malaman mo,
Na ang puso ko ay,
Para sa'yo.

Ang ngiti mo’y 'di na masilayan,
Labis ang luha ng iyong mga mata.
Kung ang pag-ibig mo’y sa akin ilaan,
Madarama mo ang tunay na ligaya.

Kung maging akin ka,
Ikaw ay liligaya.
Kung maging akin ka,
Wala nang hahanapin pang iba.
Mamahalin kita nang lubos,
Kung maging akin ka...

Pagkatao’t puso’y,
Iaalay sa'yo.
Tanggapin mo sana,
Ako sa buhay mo.
Narito lang ako handang yumakap at,
Maghintay ng pag-ibig na galing sa'yo.

Kung maging akin ka,
Ikaw ay liligaya.
Kung maging akin ka,
Wala nang hahanapin pang iba.
Mamahalin kita nang lubos
Kung maging akin ka...

Kung maging akin ka,
Kung maging tayo na,
Kung maging akin ka...

Sugarcane - Kung Maging Akin Ka (Official Lyric Video)


Produced, Mixed, & Mastered by: Cedric Angeles
Composed by: Cedric Angeles
Co-writers: Froilan Bautista, Jhom Lim, & Adrian Celis
Art by: Felix Gasmen
Special thanks to: Juju Maglacas

Sugarcane ft. angel - Reside Lyrics

When I look into your eyes,
I see a paradise,
That no one could ever see,
Or ever feel, or ever get a glimpse of.
You're driving me crazy (crazier, crazier).

When I get reminded by,
The way you walk,
The way you smell,
The way your eyelash dances,
Oh, don't you know?
You make me wanna reside in your presence.

What would it look like,
If there was you and I?
What would it feel like,
If we spent the rest of our lives together,
Oh, together?

Oh, you caught me baby,
With your sweet effortless words.
Got the whole universe,
Stuck under your tongue.

Even when you say goodbye,
I'm going to bed.
I hope I'm there to kiss your forehead, oh.

What would it look like,
If there was you and I?
What would it feel like,
If we spent the rest of our lives together,
Oh, together?

I'm a mess at social conventions,
But I know my mind's,
Wiped when it's you, baby.

You're distracting.
Can't set things straight.
Can't help thinking about...

What would it look like,
If there was you and I?
What would it feel like,
If we spent the rest of our lives

Together,
(When I look into your eyes)
Oh, together?
(I see a paradise that no one could)
Together,
(Ever see, or ever feel, or ever get a glimpse of)
Oh, together?
(You're driving me crazy)
Crazier, crazier.

Sugarcane ft. angel - Reside (Official Lyric Video)


Sugarcane's very first collaboration,
"RESIDE" (feat. angel)
- a melody of hopeful courting, envisioning a lifetime with a special someone.

Written by: Angel Escalante, Francis Luis Beato
Recorded, Mixed, & Mastered by: Cedric Angeles
Album Art by: Felix Gasmen

Sugarcane - Gunita Lyrics

Hmm...

Alaalang nilikha,
Masasariwa pa kaya?
Mga kwentuhan at tawanan,
Nawa'y 'di malimutan,
Mag-iba man ang ihip ng,
Hangin na ating daraanan,
Mananatili ang pinagsamahan.

Tandang-tanda ko pa,
Unang araw sa eskwela,
Halong tuwa't kaba ang nadama.
Lahat nagpakilala,
Kanya-kanyang istorya,
Ngunit tanging sa'yo lamang,
Nabihag ang mga mata.

Binaling ko man ang tingin,
Para kilig ko’y di mapansin,
Ngiti sa labi ko’y, ikaw salarin.
Agad nagka in love-an,
Ang dal’wang magkaibigan.
Napahingang malalim,
Hay!
'Di malimot ang...

Ala-alang nilikha,
Masasariwa pa kaya?
Mga kwentuhan at tawanan,
Nawa'y 'di malimutan,
Mag-iba man ang ihip ng,
Hangin na ating daraanan,
Mananatili ang pinagsamahan.

Tinaga pa sa bato,
Pangalan ko't pangalan mo,
Na hanggang wakas na ang,
Tambalang ito.
'Di sukat akalain,
Mag-iiba ang hangin.
Pinaglayo man ng tadhana’y
T'yak ikaw parin.

Lumipas ang mga taon,
Marami man ang nagbago,
Pwera na lamang ang,
Pagtingin ko sa’yo.
Araw-araw sasariwain,
Pinagsamahan natin.
Ipipikit mga mata’t
Hahayaang magpadala sa...
(Instrumental)

Hindi ka man katabi sa dulo ng paglalakbay,
Nawa ay masaya ka't kailan ma'y 'di nalulumbay.
Ang puso ma'y nagkubli, ikaw lang ang sinisigaw.
Magbago man lahat, pag-ibig ko'y tanging ikaw.

Ala-alang nilikha,
Masasariwa pa kaya?
Mga kwentuhan at tawanan,
Nawa'y 'di malimutan,
Mag-iba man ang ihip ng,
Hangin na ating daraanan,
Mananatili ang pinagsamahan.

Lalalalala, lalala,
Lalalalala, lalala...

Sugarcane - Gunita (Official Lyric Video)


Written by: Froilan Bautista
Composed, Recorded, & Mixed by: Cedric Angeles
Mastered by: Juju Maglacas of Aural Canvas Records
Album Art by: Felix Gasmen
Animation by: Zach Diwa

Sugarcane - Gabi Lyrics

Unang tingin pa lang sa'yong mga mata,
Kumikinang na't sa'kin ay nakatingin.
Ako'y tinawag, sabi'y "lapit ka sa'kin",
Hindi ako makailing sa'yo.

Dumating na ang gabi,
Inalis mo ang dilim,
Sa paglisan ng agwat sa'ting,
Mga labi.

Tila ba ako'y iyong dinala,
Sa paraisong taglay ng iyong ganda...


Dumating na ang gabi,
Inalis mo ang dilim,
Sa paglisan ng agwat sa'ting,
Mga labi...

Nagtapos ating gabi,
Nawala ang 'yong himig.
Nag-iba ang 'yong tingin sa'king,
Mga labi.

Hanggang tingin lamang pala...

Huling tingin nalang sa'yong mga mata,
Ang inaasahang magpapasaya.
Ako'y tawagin, sana'y lumapit ka sa'kin,
Hindi ko ipipilit sa iyo...