Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sponge Cola - Siguro Nga Lyrics

Sa tuwing ako'y dumarating
Ika'y palaging paalis
Daan ma'y laging salubong
Titig 'di dumaraplis
Hanggang kailan magtitiis
Na walang sinasabi

Kung anuman tayo noon
Anung luwang, anung higpit
Mga panahong binuhos ko
Kinaya kong gawin lihim
Hanggang kailan magtitiis
Wala pa ring sinasabi

Siguro nga
Ikaw ang habangbuhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit wala ka na

Aaminin ko ang totoo
Wag ka lang maiilang sakin
Mga salitang 'di mabuo
Umuulan sa'king isip
Tumatagos na sa bubong
Tumatalsik sa'king dingding

Siguro nga
Ikaw ang habangbuhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit wala ka na

Nalingat saglit
Wala ka na

Kaya hanggang ngayon
Kahit lumipas na ang pagkakataon
Pag naririnig ko ang pangalan mo
Ako'y ngumingiti't
Pumipikit

Sponge Cola - Siguro Nga (Official Lyric Video)


Official lyric video for Sponge Cola's SIGURO NGA

Shot entirely at Seoul, South Korea by Irmay Ledesma
Released under Sony Music Philippines