Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Yuridope ft. Gloc 9 - Salamin Lyrics

Ooohh! Humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay di makarating
Sino bang may kasalanan, sila ba?
Sino bang may kasalanan, baka ako rin?
Wag madaliin harapin ang salamin

Dami nang magagaling minsan naiisip ko na may sakit
Silang di na madadaig kaya di makatatawid
Kahit gaano ka pa kalupit pag ang utak nagkulit
Tinamaan ng lintek habang nakikinig sa sulat mo na siniksik mo na lahat ikaw pa rin punit
At wala ka pa ring papel mapuno man ang kwaderno pati pabalat sa sulat mo’t ideya ha!
Sa dami mong ginera utos ng magulang mo dinedma para sa mababangis maihilera
Ang sarili ngangaratan ng gitnang daliri kahit di mo kakilala sisiraan isisisi
Ang lahat kung ba’t yung awit mo di pinapansin kanila ang napipili boy!
Matagal nang uso ang magtyaga magtiis ka para may mapala
Di makakatulong pamumuna sa likha ng iba para lang maging perpekto ka
Baka dyan ka magkadepekto pa tandaan na basta nasa tyempo ka at may tyaga
Gawa muna bago dada dahil yan ang may epekto dyan oh!

Ooohh! Humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay di makarating
Sino bang may kasalanan, sila ba?
Sino bang may kasalanan, baka ako rin?
Wag madaliin harapin ang salamin

Ooohh! Humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay di makarating
Sino bang may kasalanan, sila ba?
Sino bang may kasalanan, baka ako rin?
Wag madaliin harapin ang salamin

Talagang masakit yung totoo kapatid
Pero nandun ang mali mga paraan na pwede mong ituwid
Wag matakot makinig mas manginig pag di ka na makadinig
Di na mabatid anong tama at mali tapos ang tingin sa sarili’y malaki
Kahit maliit pa naman humakbang nangmamaliit agad ng iba
Kaya mistula ka ngayong bingi bulag at pipi pero merong gustong marating
Maraming gustong kwestyunin pero wala kang ibang alam kundi ay sagutin
Ikaw ang pinakamagaling kaya sa payo nila ay wala ka ng paki
Hanggang sa mapansin mong nasa huli ka na kasi nagsisisi ka nang di ka nakinig
Pag nandyan ka na anong mapapala mo kung tingin sa salamin para lang sa mga matang malabo
Tanging alam sa mga diskusyon manalo pano yung may alam sa tanga handa nang magpatalo ngayon!
Di pansamantala ang panahon ‘yung nasa tuktok ng tatsulok pwedeng bukas nandun na sa kahon
Depende sa pag iisip mo kung san ka paparoon kung kikitiran pa rin habang buhay ka nang balagong
Kaya!

Ooohh! Humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay di makarating
Sino bang may kasalanan, sila ba?
Sino bang may kasalanan, baka ako rin?
Wag madaliin harapin ang salamin

Ooohh! Humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay di makarating
Sino bang may kasalanan, sila ba?
Sino bang may kasalanan, baka ako rin?
Wag madaliin harapin ang salamin

Tandang tanda ko pa na nauna sila
At ako ang bagong salta aking dala dala
Kahit di madiin ang porma kong bitin
Nang magkalasa ang handa ay kukumbidahin
Ang mga salitang nadinig dinikit sa tenga ko hanggang sa matulig
Ayaw magpahalata pero bumibilib tila binuhusan ng tubig na malamig
Uy! Hindi masamang umamin bawasan ang syang pagiging mahiyain
Dapat mong malaman na ganito samin ang lahat ay pwedeng pwede manginain

Parang uwak kasamang anak para tumatak ang mga katagang lumalagapak
Puno lagi ng galak halos maiyak mga naganap dapat parang bagong hasa na itak
Ang dala dala sa laban pasikatan payabangan ng mga paa na tinapakan
Laging pataasan kayamanan na bulaan kelan pa kaya mamumulatan ang mga ito

Ooohh! Humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay di makarating
Sino bang may kasalanan, sila ba?
Sino bang may kasalanan, baka ako rin?
Wag madaliin harapin ang salamin

Ooohh! Humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay di makarating
Sino bang may kasalanan, sila ba?
Sino bang may kasalanan, baka ako rin?
Wag madaliin harapin ang salamin

Yuridope ft. Gloc 9 - Salamin (Official Lyric Video)


Yuridope - Salamin ft. Gloc 9 (Official Lyric Visualizer)

TRACK 2 of THE DOPE EP

Written by
Elvin Santos
Aristotle Pollisco

Mixed and Mastered: Daryl " Skusta Clee " Ruiz
Beat Produced by Clinxy Beats
Visualizer Editor: Warren "Warz" Tablo

Ex Battalion Music™