Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Mikoy Morales - Sana Lyrics

Hindi na naman mapakali
Nadadala sa himig ng gabi
Umaapaw ang pusong hindi alam ang gagawin
Lumalalim na naman ang pagtingin
Sa nakaraang nakabinbin
Umaamin ang pusong ikaw pa rin ang laman ng damdamin

Sana pag ika’y nakatingin sa buwan ay iniisip mo ring
Sana ang iyong bituin ay ang bituin ko rin
Sana makarating sa’yo o, naririnig mo ba?
Ang binubulong ng hanging minamahal pa rin kita

Inaalala ang mga gabing
Alam kong di ko na mababalik
Alam kong hindi ko mababago ang pag-ikot ng mundo
Ngunit kahit na anong aking gawin
Ikaw o ikaw pa rin
Alam ko sa dulo ay tayo ngunit sa ngayon

Sana pag ika’y nakatingin sa buwan ay iniisip mo ring
Sana ang iyong bituin ay ang bituin ko rin
Sana makarating sa’yo o, naririnig mo ba?
Ang binubulong ng hanging minamahal pa rin kita

Oh…