Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

IV of Spades and Shanti Dope - Sa Kahapon Lyrics

Shanti Dope

Sa kanya kanyang pangarap na nakipaghabulan
dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan mag-tampisaw
sa tag-ulan ng kaligayahan mapunan
kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan.
Anumang dumating na problema dedma, barya lang ang katapat ng tawang abot tenga.
Di ko namalayang tumakbo 'yung panahon
kung hindi pa ko lilingon sa dating pitaka’t lamesa.
Dati ko’ng mundo, palaruang malawak sa piling ng bawat katotong kasabay ko mangarap tawidin ang alapaap ng pati buwan makayakap
Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab, tara!

IV of Spades

Bakas ng kapalaran ko, tangi kong sandata
Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

Shanti Dope

Ganun padin ang mundo naging makulay lang siya para sa'kin
sa tulong ng kada berso kong inuumaga,
Ako pa din 'tong kayang makisama makitawa magpakalango sa nakaraan nating alaala
Madami mang padating na dapat pang yakapin diyan
Mga pagsubok sa piniling kapalaran, parte yan.
Saludo sa mga tropa na palaging nandiyan lang
kahit saan para sa dagok makipasan
Sa ngayong kami naman mangibabaw o pangibabawan
ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan
nakaraan pasanin pahirapang ilarawan
dating ingay ng tahanang naging boses ng lansangan.

IV of Spades

Bakas ng kapalaran ko, tangi kong sandata
Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

IV of Spades
'Wag kang mangaba, sa aking pag-alis (4x)

Shanti Dope

Silang mga nagtiwala sa'kin nung wala pa kong alam
sa kayang mabago ng barang kinabisado sa kubeta't lababo hanggang sa TV at radyo
Nabigyang kahulugan ang kada pagod at plano bilang regalo itong awitin muna sa ngayon na mananatiling nandiyan
Mapawala ka't magkaron siyang paalala na din kasama mo 'ko palagi,
Anumang hinaing sa pagsubok mo, ako'y kahati
Dati nakatingala lang tayo sa mga tala
'Wag mag-alangan abutin, sige ako bahala maging halimbawa
at gabay mo para maniwala sa'yong makakaya,
bilang kapatid mo kay Bathala.

IV of Spades

Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon (2x)
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala.

IV of Spades and Shanti Dope - Sa Kahapon (Official Lyric Video)


Here’s the lyric video to IV of Spades’ and Shanti Dope’s original collab song, “Sa Kahapon”!

Coke Studio Philippines