Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

ALLMO$T & Rob Deniel - Abante Lyrics

Ayoko na
Gusto ko lang ay makapiling ang aking gusto oh ohhh
Kahit malabong mapasakin ka oh ohhh
Gusto ko lang ay makapiling ang aking gusto oh ohhh
Kahit malabong mapasakin ka

Pinagdaanan ko na yan
Tuloy-tuloy na laban
Ano man ang dahilan
Gawi mo lamang ang kailangan
Minimithi mo’y may sukling ngiti
Sa bawat sandali ng oras ay may nakikinig
Subok lang ng subok
Wag kang papalunod
Sugod lang ng sugod
Ganyan lang ang pagsubok
Tara na kalimutan mo muna
Wag ka nang mangamba
Sila man ay mauna
Ang dapat mong gawin

Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang

Di naman karera ang buhay wag kang makipag-unahan
Minsan nasa huli pero di ibig sabihin nun ay diyan ka na lang
Bakit di mo paniwalaan ang sarili mo
Mas maigi nang matuto sa pagkakamali na nagawa mo
Hindi na pwedeng maulit
Mga nakaraang para bang nasa bingit
Dagdag isipin wag mong ipunin
Sarili mo’y mahalin, mahalin, mahalin

Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang

Sa bawat pagngiti
Binibawasan ang aking mga naramdaman sa nakaraan
Ang aking pag-ibig
Ang tanging kumakapit paakyat sa itaas kahit lumagpas
Di ko na ramdam ang paghila sakin ng tadhana
Ako ay nakamulat humahalik na saking nagawa

Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang

Wag mo hayaan na mahila
Tama na ang nega alisin ang gapos sa kadena
Naghihintay ba ng kometa?
Iba na ang meta bakit di subukan na magdyeta?
Kaysa ulit-uliting magbilang ng araw
Pwede namang maglibang para masulit
Hindi naman kailangang mailang
Kahit gawin mo pa yan ng ilang beses na ulit
Ang dami mo pang hinahanap hanap
Na rason para lang mahalin ang sarili mo
Tama ka na siguro sa pagdahan-dahan
Para matutunang tanggapin kung anong maramdaman
Di natin mapipigilan yan
Kayang kaya mo ipagpaliban yan
Nalagpasan ko na kaya hindi na bago sakin
Tandaang hindi lang ikaw ang nagkaganyan

Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang

Wag na wag kang magpapalamon sa dilim
Maraming humaharang palihim sayo
Wag kang malito ganito ang mundo
Minsan hindi minsan ay oo
Minsan ay ‘di ka mananalo
Saka ka na magpahinga
Malayo pa ang lalakbayin mo
Kaya wag mong ipakitang nanghihina
Ang loob lam mong di ka ganon
Di ka ganon

Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang
Umabante lang abante lang

ALLMO$T & Rob Deniel - Abante (Official Lyric Video)


COKE STUDIO ITODO MO BEAT MO: ALLMO$T & Rob Deniel - Abante (Official Lyric Video)

Coke Studio Philippines

ALLMO$T x Rob Deniel - Miracle Nights and Ulap Mashup Lyrics

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta’t sa akin ka sumama na
Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Ako nang bahala baby wag ka ng mag-alala
Isipin natin na parang tayo lang dalawa
Wag mong tignan kung ano man maging tingin nila
Tayo din naman ang magsasama diba kumbaga
Wala na tong biro ikaw ang herong
Sumalo sa kada pagbaba ng negatibo
Naging dahilan na matakpan mo ang mali ko
Di ko papalampasin ang sandali na ikaw lamang ay nandito sakin
Talagang lumilitaw ang yong ganda pag natapatan ng ilaw ay mas lalong nakakadala
Kumapit ka saking kamay di kita ibababa
Sumakay tayo papunta sa balewala kung ano man ang ginagawa
Simple pero napakahirap na mahanap
Swerte na kapag nalapat ka sa pinapangarap
Sulitin natin ng di na mawala pa ng maaga
Kung isang gabi lang din naman to pwedeng maganap

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta’t sa akin ka sumama na
Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Hayaan mo na sulitin natin ang
Mga sandali sa mga oras na hiram
Mahalaga satin ang bawat pagsasama
Hindi na kailangan pa ng may ibang makaalam
Gusto ko yung tipong laging may asaran
Puro tawanan at hindi mo na kailangan
Ikaw lang ang pipiliin ko na makasama
Hanggang sa likod ng mundo na makasalanan
Wag sanang magmadali parehas lang natin na ayaw na magkamali
Pahintulutan mo naman ako na ikaw ay makatabi
Di na kailangan magmahalan di ko yun pagsasabi
Yo wala na kong hiling pa
Kundi pagsaluhan ang gabi na tumingin pa
Tayo lamang dalawa sakin tumingin ka
Dito ka lang saking tabi ayokong umalis ka oh

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta’t sa akin ka sumama na
Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Ang yong mukha sa sa ngiti mo
Ay naaalis lahat ng pagod ko
Ikaw ang nagsisilbing sandalan ko pag ako’y nahihirapan
Kaya di na ko bibitaw kasi ikaw lang ang kailangan
Pinupuno mo na ng kulay ang mundo kong madilim
Hindi ko na sasayangin ang pag-ibig mo di ako maglilihim
Kasi pinatunayan mo sa akin na may pag-ibig
Kaya wag kang magtataka kung bakit mahigpit ang hawak ko

Basta’t sa akin ka sumama na
Di na ko maghahanap pa ng iba
Gabi gabi tayong magsasaya
Sayang kasi pag nawala ka pa

Isasayaw ka sa ulap
Mag-uusap, hindi manghuhula

Wag mo ng pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa, ating dalawa

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta’t sa akin ka sumama na
Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Rob Deniel - Ang Rosas Lyrics

Sana ay ikaw ang rosas
Dahil ako ay kumukupas na
At nabalitaan ko
Hindi ka na muling sisilip

Sana ay ikaw ang ilaw
Na hindi nakakasilaw
At ang sinabi mo
Ako ay muling umasa

Bakit sa tuwing ako'y tumitingin
Bumabalik na lang lahat sa 'yo
Ang pag-ibig sa panaginip

O, hindi ko pa nakita
Ang pagtulo ng iyong luha
Naiisip mo ba
Na ako'y nawawala na

Bakit sa tuwing ako'y tumitingin
Bumabalik na lang lahat sa 'yo
Ang pag-ibig sa panaginip

Bakit sa tuwing ako'y tumitingin
Bumabalik na lang lahat sa 'yo
Ang pag-ibig sa panaginip

Ang pag-ibig sa panaginip
Ang pag-ibig sa aking panaginip
Nananatili ang pag-ibig

Rob Deniel - Ang Rosas (Lyric Video)


The official lyric video of Ang Rosas by Rob Deniel

Ang Rosas
Rob Deniel
Composed by Rob Deniel
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Rob Deniel, Burn Mercado and Civ Fontanilla
Arranged by Rob Deniel
Recorded by Ponz Martinez
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Viva Recording Studios

Rob Deniel - Gabi (Official Music Video)


Shaira Luna
Video, Wardrobe, Set Styling

Dianne Asuelo
Associate Producer

Vanessa Pinlac
Production Manager

Lance Luna
Video Editing, Gaffer, Sound FX

Jireh Christian Basasno
Video FX

Eddie Mar Cabiltes
Hair & Makeup

Rob Deniel - Ulap Lyrics

Nag-iisa, nakadungaw
Sa bintana ako ba’y nagkulang
Nakaupo, lumalayo
Sa tukso, upang ‘di magulo

Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap hindi manghuhula
Isasayaw ka sa ulap
Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan

Nagkamali ba ako sa ‘yo (nagkamali)
Nananatiling blanko ito (blanko ito)
Naririnig ang tinig mo
Nabubuong muli ang pag-ibig ko

Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap hindi manghuhula
Isasayaw ka sa ulap
Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan

Oh, gusto kang makasama
Ako na ang bahala
‘Wag ka lang mawalay
Atin nang kulayan
Ang munting mundo
Tumingin sa akin
Langhapin ang hangin
Bakit ba nasanay
Isip ay nadadamay
Sa puso

Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap hindi manghuhula
Isasayaw ka sa ulap
Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan

Nag-iisa, nakadungaw

Rob Deniel - Ulap (Official Music Video)


The official music video of “Ulap” by Rob Deniel.

Composed by Rob Deniel
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by Rob Deniel
Recorded, mixed and mastered Rob Deniel


Credits:
Director/DOP & wardrobe/styling: Shaira Luna
Co-director, editor & gaffer: Lance Luna
Movement director: Macki Pineda
Production manager: Vanessa Pinlac
Make-up: Don de Jesus
Hair: Mong Amado
at Artists & Co. Manila

Starring:
Rob Deniel
Casey Merritt

Rob Deniel - Baby I Tried Lyrics

Baby I tried
To love you, I do
Baby I tried
To please you so bad

I wanna feel
Your arms tonight
Will you forgive
If I said it right
Oh, I can't see my hands
Are holding in another
Oh, I just need some time
So I can say it my love

Baby I tried
To love you, I do
Baby I tried
To please you so bad

When will I try
To open up
Please, read my love
With no replies
Baby

If I could open my eyes
Maybe I will let you win
If I could see you with the stars
Maybe it'll be enough

Baby I tried
To love you, I do
Baby I tried
To please you so bad
Baby I tried
To love you, I do
Baby I tried
To please you so bad

Rob Deniel - Baby I Tried (Official Lyric Video)


The official lyric video of “Baby I Tried” by Rob Deniel.

Rob Deniel - Gabi Lyrics

Pwede bang samahan mo ako ngayong gabi
Dahil hindi ko na alam ang aking gagawin
Ngayong gabi
Ngayong gabi
Ngayong gabi

Maghihintay
Sa iyong pagdating dito
Dadalhin
Pa kita sa dulo, oh
Ikaw ang naglagay sa tamang posisyon
At laging nadadala sa emosyon

Samahan mo ako ngayong gabi
Hagkan mo na ako ng mahigpit
Samahan mo ako ngayong gabi
Hagkan mo na ako ng mahigpit
Dahil mahirap kapag wala ka sa aking tabi
Wag nang isipin ang natitirang sandali

Nakahimlay
Sa kama ng iyong pagibig
Binibilang
Ang hakbang papalapit
Sayo
Di mapalagay
Kapag hawak ang iyong mga kamay
Pupunta sa kawalan
Upang ikaw ay aking makasabay, oh

Samahan mo ako ngayong gabi
Hagkan mo na ako ng mahigpit
Samahan mo ako ngayong gabi
Hagkan mo na ako ng mahigpit
Dahil mahirap kapag wala ka sa aking tabi
Wag nang isipin ang natitirang sandali

Tara na giliw
Tara na giliw
Tara na giliw

Tara na giliw
Tara na giliw
Tara na giliw

Ngayong gabi
Ngayong gabi
Ngayong gabi

Tara na giliw
Tara na giliw
Tara na giliw

Rob Deniel - Gabi (Official Lyric Video)


The official lyric video of “Gabi” by Rob Deniel.