Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Abra & Loonie - Respeto Lyrics

Ilang taon kaya ang kaya mong tyagain para sa respeto?
Ilang tropa kaya ang kaya mong tablahin para sa respeto?
Hanggang saan kaya ang kaya mong lakbayin para sa respeto?
Hanggang ano kaya ang kaya mo na gawin para sa respeto?

Yo! Hala bira!
Daming palabida, na nagmamagaling na
Nagmamalaki pa na hari sila kahit ako ang laging inaasinta
May kada isa kala nila kaya nila
Kasi nga madalas mas mataas ang puntos kapag nakapuntirya ka sa gitna
Walang hiya naman kayo, hiyang hiya naman ako
Di bat bilang yang araw nyo
Bilang kinang inang mga bano
Maraming nag-aagawan, maraming nag-aangasan, maraming nag-aalangan
Maraming humahangad ng respeto pangkalahatan na ayokong pakawalan
Di maaamoy yan kung walang nag-iintindi
Di mag-aapoy yan kung walang tagapagsindi
Sobrang dinig ko ang demonyo at nakakarindi
Ngunit pag anghel na ang bumulong ako’y nabibingi

Hindi nabibili, hindi nahihingi, nakakalito
Pag walang deposito di ka makaka-withdraw
Para sa respeto kahit na ano gagawin ko
Walang kwenta ang pera kung wala ka nito

Ilang taon kaya ang kaya mong tyagain para sa respeto?
Ilang tropa kaya ang kaya mong tablahin para sa respeto?
Hanggang saan kaya ang kaya mong lakbayin para sa respeto?
Hanggang ano kaya ang kaya mo na gawin para sa respeto?

Para sa respeto, handa akong gawin ang lahat
Handa akong salihan kahit na anong patimpalak
Wala man akong pambili ng magandang damit
At na pangalan ko na ma’y kalat Bangbang hanggang Balintawak
Ang sarap mag-rap lalo na pag tanghaling tapat
Sa parking lot ng Pizza Hut, itim balat, lahat napapa-“nigga what?”
Gising na ang leon awimpawat, awimpawat, awimpawat
Sa kabila ng pagdududa gumaling agad
Tiniis pa rin lahat hanggang sa maging ganap
Ang utak ko di tulad ng sayo na medaling ma-hack
Pag may nahuhuling snatcher ang sarap makisapak
Kaya minsan parang gusto ko na lang ding maging parak
Kung loob usapan mapapautang kita
Wag mo lang ilabas ang tunay mo na kulay tulad nila
Magugulat ka na lang at mapapa-put*** ina
Kasi para sa respeto nagbabastusan sila