Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Pio Balbuena - Reklamo Lyrics

Intro
Check! Check!
Ang dami mong reklamo ha
Yo! HAHAHA! SIGE! MERON DIN AKONG REKLAMO

Andami dami mong reklamo
Andami mong gustong magbago
Andami dami mong reklamo
Pero ikaw ayaw mong magbago

VERSE
Puro ka reklamo samantalang ikaw eh wala ka namang talagang nagawa mga nag gagaling galingan at nangangatwiran kala mo may laman at ang utak mataba
Anong aKala mo ikaw lang ang nahihirapan
Alam mo ba Yung iba pa nga mas malala
Habang Nasasarapan ka maraming nasa kalsada na walang bahay at mga naka nganga

Gutom na gutom na sila Pero marami parin sa atin ang bida bida
Bulong ng bulong yung iba kahit tama yung gawin ay sisirain pa nila
Lubog na lubog na di ba naransan mo ba yun oh baka Rich Kid ka
Kung wala ka ring matutulong at sasabihing maganda mas maganda pa nga na manahimik ka

Sasabihin ko na to at wag mong mamasamain
Bakit kahit tulungan ka na may reklamo ka pa rin kung di pa nakakarating eh wag mong mamadaliin hindi yung Pati si duterte sinisisi nyo pa rin Walang perpekto pero sa reklamo dyan ka magaling Nasanay sa ugaling laging merong PAPABAGSAKIN pagkatapos PASAKAYIN bigla mong PAPABABAIN pano TATAYO
Ang NAKAUPO kung PAPADAPAIN

CHORUS
Andami dami mong reklamo
Andami mong gustong magbago
Andami dami mong reklamo
Pero ikaw ayaw mong magbago

Reklamo reklamo puro na lang reklamo
Reklamo reklamo puro na lang reklamo
Reklamo reklamo puro na lng reklamo
Pansinin mo sa salita oh Andaming Reklamo

2ND VERSE

Sisisihin nanaman ang presidente
Mag rereklamo na parang mga pabebe
Sinubuan mo na nga eh gusto pa ng dede
Magagalit pa kahit na bigyan mo pa nga sya ng bente

Puro negatibo lang palage
Kahit anong bait mo meron syang masasabe
Hahanapan ka ng mali don ka madadale
Kung kelan ka mahina alam nila saka sila aatake

Gustong gusto mo yan di ba
Alamin at amoyin ang mga baho ng iba
Bulok na bulok talaga kasi ayaw tanggapin
Yung sariling mali nila
Sa salamin tumingin ka kaya
Para malaman mo kung sino ang namakahiya
Ang galing nila sa salita baka naamoy yung sariling baho ng hininga

Sasabihin ko na to at wag mong mamasamain
Bakit kahit tulungan ka na may reklamo ka pa rin kung di pa nakakarating eh wag mong mamadaliin hindi yung Pati si duterte sinisisi nyo pa rin Walang perpekto pero sa reklamo dyan ka magaling Nasanay sa ugali na laging may PAPABAGSAKIN pagkatapos PASAKAYIN bigla mong PAPABABAIN pano TATAYO
Kung Ang NAKAUPO ay PAPADAPAIN

CHORUS

Andami dami mong reklamo
Andami mong gustong magbago
Andami dami mong reklamo
Pero ikaw ayaw mong magbago

Reklamo reklamo puro na lang reklamo
Reklamo reklamo puro na lang reklamo
Reklamo reklamo puro na lng reklamo
Pansinin mo sa salita oh Andaming Reklamo

Pio Balbuena - Reklamo (Official Music Video)


Written and Produced by: Pio Balbuena

Pio Balbuena - Reklamo (Official Lyric Video)


Music Producer: Pio Balbuena
Mixing and mastering: Pio Balbuena
Composer: Pio Balbuena