Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Raven - Paraluman Lyrics

O aking Paraluman
Laman ng imahinasyon
O di ko maiwasan
Ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo
At punong puno ng drama ang mga tao
At iba iba pa ang gusto
Pero ikaw pa din
Ang laman ng puso ko

Paulit ulit pero gusto kong sabihin na
Gusto kita parang di na to mag iiba
At kahit na ano pa ang sabihin ng iba
Bahala na ikaw pa rin ang magsisilbi na

Paraluman
Sa kanta na susulatin ko
Pag naisipang
Magpinta ikaw ang gusto ko
Ikaw and bida
Sa istorya na naisip ko
Ikaw lang kasi
Ang palaging iniisip ko

Isipin mo kung sa umaga
Sabay tayong magkakape
Sabay din na tatawa
Sabay magtatagpo ang mata nating dalawa
At biglang mahihiya na para bang isang eksena
Sa paborito mong palabas at ang ating landas
Magtatagpo at tayong dalawa hanggang sa wakas
At sana pati sa tunay na mundo ay makasama ka
Makasama ka

O aking paraluman
Laman ng imahinasyon
O di ko maiwasan
Ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo
At punong puno ng drama ang mga tao
At iba iba pa ang gusto
Pero ikaw pa rin ang laman ng puso ko

Isang dalaga na pwede mong ikumpara
Sa pinaka magandang sining na nailikha
Monalisa, Ophelia at Primavera Eres Unica
Wala kang katulad o aking paraluman
Bukod tangi ang tinataglay mong kagandahan
HIndi magtataka kung bakit di ko maiwasan
Na ikaw ay matitigan kahit di namamalayan

Ikaw ay parang buwan sa langit na lumiliwanag
Kahit marami ang bituin ikaw ang tumatawag
Sa aking pansin at ang aking tanging hiling
Ay ikaw ay aking mahagkan

O aking paraluman
Gusto ko lang malaman
Kung ayos lang na ikaw ang pinagkukuhanan
Ng lahat ng aking inspirasyon
Magmula pa noon
Ikaw pa rin naman hanggang ngayon

O aking paraluman
Laman ng imahinasyon
O di ko maiwasan
Ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo
At punong puno ng drama ang mga tao
At iba iba pa ang gusto
Pero ikaw pa rin ang laman ng puso ko

Tarararat tata
Tarararat tata
Tarararat tata

Halika na sa aking panaginip
Pagmasdan ang aking iniisip
Halika na sa aking panaginip
Pagmasdan ang aking iniisip
Halika na sa aking panaginip
Pagmasdan ang aking iniisip
Ikaw lang ang aking iniisip
Tanging laman ng panaginip