Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Abra - Pusong Dragon Lyrics

o mahal na prinsesa ako ay nabighani
nabihag ang puso ko sa ganda mong bukod tangi
ambon sa bahaghari ulan ng bulalakaw sa langit
hangin sa aking nag-aapoy na damdamin
kamahalan paraluman ang kaharian sa ulap
paano mapapalapit sayo tong tagalupa
suntok sa buwan totoo yan ngayon pa man gusto ko lang
umaraw man o umulan ikaw ay mapayungan
o mahal na prinsesa ako'y nahuhumaling
hindi ko akalain ika'y natutuwa rin
sarap mong kasama at ang saya mong kausapin
kaya yung kahit hindi magkatunog nagtutugma rin
para sakin ikaw lang para sakin
danaw sa abot tanaw para sa uhaw na matanglawin
ang mata mo mga mata mo papangarapin
hahanap hanapin hangga't matupad ang pangitain

binibini wag kang mag-alala takas tayo sa lanay
tapon tagusang natangay maglalakbay habang magkaakbay
mga daliri magkayakap habang magkahawak ating mga kamay
magkatabi sa tabing dagat habang dapit hapon hanggang magbukang liwayway

o mahal na prinsesa dragon ang yong naakit
kahalina sa pag-awit mo na merong magic
kaalaman ay karagatan sarap sumisid ng malalim
abutin ang mga bituin sakay ng lumilipad na carpet
tayo na sa ibang ibayo ng munting planeta
o byahe pabalik ng panahon sa makinang na kalesa
katayuan ko'y sumpa ipit kasi gipit sa oras
nagdurugo ang puso kong pilipit sa tinik ng rosas
so mahal na prinsesa pano ba yan
napaamo mo ang bakunawang magpakatao na lang
alang alang sa pag-ibig di mo ba ramdam
ang nadarama ngayong gabi simoy pa lang yan
na kinukulayan ang mundo ko at galaxiya
sayang yung pagkakataon kong noon ko lang nakita
edi sana matagal ng abot langit yung ngiti ko
lakas ng tama ko sayo laging positibo

binibini wag kang mag-alala takas tayo sa lanay
tapon tagusang natangay maglalakbay habang magkaakbay
mga daliri magkayakap habang magkahawak ating mga kamay
magkatabi sa tabing dagat habang dapit hapon hanggang magbukang liwayway

o mahal na prinsesa sayo ako napain
nadagit talas ng isip mo ang kalawit
walang takas sa kagandahang walang kawangis
walang labis walang kulang sadyang walang kapares
ang ganda mo sinta lubos akong namamangha
pangako ko sa ilog mo lamang ako mamamangka
siguro nga di ko alam ang yong tunay na halaga
pero lam kong mahal kita at yun ang mahalaga
o mahal na prinsesa meron akong surpresa
balot na sa gabundok na alikabok anong problema
sa dami ng misyon sa buhay nakukunsensya
kung tingin mo di ko ikinalulugod ang yong presensya
pasensya ka na at paumanhin
kahit di ka mapasakin ako ay sayo pa rin
ano man ang dumating kahit di mo ko piliin
di ka pipilitin dahil ibig lang kitang ibigin kaya

binibini wag kang mag-alala takas tayo sa lanay
tapon tagusang natangay maglalakbay habang magkaakbay
mga daliri magkayakap habang magkahawak ating mga kamay
magkatabi sa tabing dagat habang dapit hapon hanggang magbukang liwayway

Abra - Pusong Dragon (Official Music Video)


Executive Producer - Abra
Director - Joy Aquino
Line Producer - Dee S. Nermal
Director of Photography - Carlos David Mauricio
Production Designer - Thesa Tang
Sound Recordist - Ken Aoki
Hair & Make-up Artist - Dionne Lea Taylor
Camera Operator - Bam Arzaga
Fixer - Serge Roso
Fixer Assistant - Marquis Mendoza
Tutor - Abra
Princess - Geo Go
Prince - Ken Aoki
Father - Hisashi Wakabayashi
Soldier - Hiroyuki Kato
Students - Hiromi Jisho, Yayoi Hara & Tomoko Hirano
Offline Editors - Abby Alcanzare & Rob Jara
Online Editors - Mark Dexter Lau & Lex PicaƱa
Sound Design - RJ Cantos, Aeriel Mallari, Nicole Amores, Daryl Libongco & Mikko Quizon
Color Grading - Peter Aragon of Barebones Studio
Production Assistants - Jan-Kim Xavier De Leon & Binay Deora
Drone Supplier - Mark Ginolos
Camera Supplier - Blacktie Project & Marco Malaca
Music Production & Mixing - Ken Aoki

Music video by Abra performing Pusong Dragon. © 2019 Abra