Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Pio Balbuena ft. Bosx1ne - Pangmatagalan Lyrics

BOSX1NE:
Woah
Yeah yeah

‘Di mo kailangan mag-uwian
Sama ka na sakin, ‘di lang minsan
Gusto ko ay araw-araw kiss lang
Walang masama ‘pag susubukan, yeah
Ilang beses mo na’ko na sinamahan, yeah
Gusto ko ngayon naman pangmatagalan, yeah

PIO:
Ikaw ang lagi kong kasama, hindi ka nawawala
Inalalayan mo’ko nung yung mata ko namamaga
Umiiyak pa nga ’ko non sa problema na malala
Pinatayo mo ‘ko kahit ilang ulit na nadapa

Kung sakali na mali, itinatama mo lahat
Akala ko kasi dati tanghali lang ang tapat
Pero nandiyan ka lalong-lalo na kapag
Magulo ang mundo ko, nanatili kang matatag

Kaya kahit may problema, napapangiti
Wag mo’kong hawakan diyan, nakakakiliti
‘Pag bumubulong ka na talagang nakakabingi
Tumatayo yung balahibo ko nang nakatabingi

Nakakakilig ‘pag magkasama tayo
Nakakanginig ‘pag nasa kama tayo
Sasamahan kita kahit na malayo
Sumakay ka sa’kin, ako ang kabayo

BOSX1NE:
‘Di mo kailangan mag-uwian
Sama ka na sakin, ‘di lang minsan
gusto ko ay araw-araw kiss lang
Walang masama kung susubukan, yeah
Ilang beses mo na’ko na sinamahan, yeah
Gusto ko ngayon naman pangmatagalan, yeah

Yeah na na yeah
Pangmatagalan na
Na na yeah
Pangmatagalan

PIO:
Minsan nagtatalo
Ikaw lang ang panalo
‘Pag araw ng dalaw bigla kang namamalo
Tapos tamang hinala
Kaya ako’y kabado
Ang hirap tantiyahin ng utak mong pabago-bago

T’wing aalis tayo ang tagal mo mag-ayos
Nakabihis na’ko pero hindi ka pa rin tapos
At halos hindi na kita maintindihan
Minsan nagagalit ka nang walang dahilan

Pero ‘pag bati na tayo ang sarap mo halikan
Sabay ngiti ka na, hindi ka nakakasawang tingnan
Kaya nandito lang ako basta nandiyan ka lang
Hindi ka papabayaan, ‘yan ang laging tandaan

Nakakakilig ‘pag magkasama tayo
Nakakanginig ‘pag nasa kama tayo
Sasamahan kita kahit na malayo
Sumakay ka sa’kin, ako ang kabayo

BOSX1NE:
‘Di mo kailangan mag-uwian
Sama ka na sakin, ‘di lang minsan
gusto ko ay araw-araw kiss lang
Walang masama kung susubukan, yeah
Ilang beses mo na’ko na sinamahan, yeah
Gusto ko ngayon naman pangmatagalan, yeah

Yeah na na yeah
Pangmatagalan na
Na na yeah
Pangmatagalan

Pio Balbuena ft. Bosx1ne - Pangmatagalan (Official Lyric Video)


“Pangmatagalan”
Written by Pio Balbuena and Mark Maglasang
Mixed and mastered by Pio Balbuena and Bosx1ne at Ex Battalion Music Studio

Viva Records

Pio Balbuena - Wala Kang Alam (Official Lyric Video)


Official lyric video of "Wala Kang Alam" by Pio Balbuena.

"Wala Kang Alam"
Written by Pio Balbuena
Mixed and Mastered by Pio Balbuena

Viva Records

Nadine Lustre, Pio Balbuena & Shehyee - Sumayaw Sa Indak Lyrics

Indak, sumayaw, sumabay ka sa agos
Gumalaw na parang araw ay hindi natatapos
Lumabas sa kadena ng mga pagkakagapos
Abutin ang pangarap, isigaw hanggang sa mamaos

Wooh! Ilabas yung malupit
Na parang hanging dumarating at humahagupit
Igalaw ang katawan na para ka lang nangungulit
Kapag napagod, pahinga tapos sumayaw ka ulit

Sa kaliwa o sa kanan o kahit saan
Sa kanya ang mga harang nagagawan ng paraan
Taga-probinsya man, lahat kayang galawan
Kahit anong entablado kayang-kayang sayawan
Basta walang ayawan, lagi mong tatandaan
Nag-iisa lang ang puso na dapat pakinggan
Umindak, gumalaw, sige lang, sumayaw
Sabay-sabay na sumigaw, Luzon, Visayas, Mindanao

Umindak gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
‘Wag kang bibitaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
Ikaw ay sumigaw

"Nakakahiya
Bakit siya sumasayaw dyan sa gitna
Tignan n’yo itsura, mukhang loyal sa sayaw
Pero nung gumalaw, wow
Mga paa'y panay kaliwa"
At marami pang ibang ‘di magandang salita
Ang mababasa sa komento
Kesyo,"Ba’t sumayaw sa gitna ng tren ‘to
Walang kwenta", pero ‘di nila alam ang kwento

Pauwi ako n’yan sa ‘min
Maghapong naghanap ng trabaho
Kung saan-saan ako nanggaling
Bumabyahe nang mapalapit sa malayo
Kaso ‘di ko naabot
Sa video na ‘yan ay malapit na ’ko umiyak
Pero biglang may nagpatugtog ng awit
At ang sabi'y sa kabiguan ay huwag masindak
Kaya ayon, ako'y napaindak

Umindak, gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
‘Wag kang bibitaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
Ikaw ay sumigaw

Umindak. gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay ‘wag kang bibitaw
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
‘Wag kang bibitaw

Indak ooh oh
Indak ooh oh
Indak ooh oh
Ikaw ay sumigaw

Nadine Lustre, Pio Balbuena & Shehyee - Sumayaw Sa Indak (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Sumayaw Sa Indak" by Nadine Lustre, Pio Balbuena & Shehyee.

“SUMAYAW SA INDAK”
Nadine Lustre, Pio Balbuena and Shehyee
Music by Pio Balbuena
Lyrics by Pio Balbuena and Christopher John Ongkiko
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Civ Fontanilla
Arranged by Johann Garcia
Recorded by Joel Vitor and Joel Mendoza
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios

Pio Balbuena - Kalikasan (Official Music Video)


Shooter: Joseph Malones
Music Producer: Pio Balbuena

Pio Balbuena - Bessy (Official Music Video)


Cast: Isabelle Collins
Editing: Wonderlast Films
Shooter:Joseph
Music producer: Pio Balbuena
Special thanks: 5th Corner Makati

Pio Balbuena - Minsan (Music Video)


Shooter: Joseph Malones
Music Producer: Pio Balbuena

Pio Balbuena - Wala Kang Alam (Music Video)


wala kang alam - Pio Balbuena

Pio Balbuena - Wala Kang Alam Lyrics

Napakaraming badtrip talagang hindi ko na mabilang
Pero sa kabila ng lahat ay meron paring mga tao na sa daliri mo ay pwede mong makapitan
Pero kung sakali na wala na
Baka merong kang ugali malala na
Wag ka magmamadali baka madapa ka
Masarap mangarap pag magaling makisama

Matagal tagal din ako nag antay
Pinabaga ko mabuti na parang panday
Tinitigan ko maigi hindi yata pantay
Ako na yung naglaba ako pa nagsampay
Oo na sige na marami na yung magaling
Mga barang binitawan nyo ay puro matalim
Kami na yung mga bago sa eksena pero di nyo nman talaga alam kung saan kami nanggaling

Siomai rice kung nagugutom ka kainin mo
Pero wag mo na kami yayain na kumain pa ng kanin kung wala rin naman laman sasabihin mo
Kultura namin dapat na aralin to
Hindi to binuo para lang wasakin nyo
Kasama daliri ko sulat mga liriko
Kung ayaw makinig edi basahin mo

Kinapos sa paghinga kaya nag pahinga
Eto ang simula ng panibagong pahina
Sa paglabas ko parang makabagong makina
Parang si naruto kapagka umatake na
Mga bara di bara bara kumarate pa
Di mo mapapa [para hanggang gumarahe ka
Hindi pwedeng pa harang harang umabanteka
Pag narinig mo to mapapapapa Tangina

Wala kang alam, wala kang alam
Kung sino ako at kung saan ako dumaan
Wala kang alam, wala kang alam
Wala kang alam, wala kang alam

Wala kang alam, wala kang alam
Kung sino ako at kung saan ako dumaan
Wala kang alam, wala kang alam
Wala kang alam, wala kang alam

Napakaraming bad trip pero di ko pa rin tinigilan
Sa kabila ng mabigat na pasanin sakin ay mas lalo kong pinanggigilan
Hindi na maawat sa pangarap
Kaaalaman ko na hawak mapalawak
Tingala sa ulap lamang habang merong dalawang mga paang nakaapak

Natupad ang panalanging gumawa ng mga bago
Marami pang ama namin na palaging nakatago
Kung ang sanhi ng atensyon ay ang basura na mabaho
Linisin mo muna alisin hanggang maglaho

Harapin pagsubok kahit na nakakatakot
Darating ang regalo na magtagal ng nakabalot
Tagumpay ang kapalit ng lahat ng mga pagod
Maghintay ka lang ulit kung sakaling di makaabot

Woo kahit na nahihirapan eh ngumingiti pa ko
Hindi nainip pero pumikit at pinilit kahit na mapilipit ang dila ko
Basta mapalapit sa palad ko
Mawala ang pangarap hindi papayag to
Buti na lang maaga kong napagtanto
Kung papano alisin ang mga harang ko

Salamat sa lahat ng kumagat
Kayo ang gasolina ko kaya to pumalag
Kasama ko kayo kahit hindi pa boom agad
Sapak lang tayo ng sapak hanggat sa bumakat

Sa bawat nagkalat ng mga pamagat
Sa mga tropang nakasama kopa sa lapag
Di nyo ko pinabayaan kaya tumatatag
Lahat kayo kabisado ko at tumatatak

Wala kang alam, wala kang alam
Kung sino ako at kung saan ako dumaan
Wala kang alam, wala kang alam
Wala kang alam, wala kang alam

Wala kang alam, wala kang alam
Kung sino ako at kung saan ako dumaan
Wala kang alam, wala kang alam
Wala kang alam, wala kang alam

Pio Balbuena ft. Mhot - Bida Bida (Music Video)


Video: Orange
Lyrics: Pio and Mhot
Camera: Joseph

Pio Balbuena - Lakompera Lyrics

Hey hey
Walakompera
Walakompera
Walakompera
Walakompera
Walakompera

Gusto ko ng kotse
Pero lakompera
Gusto kong mag-travel
Pero lakompera
Gusto ko ng cellphone
Pero lakompera
Pero lakompera
Pero lakompera

Gusto ko ng kotse
Pero lakompera
Gusto kong mag-travel
Pero lakompera
Gusto ko ng cellphone
Pero lakompera
Pero lakompera
Pero lakompera

Gusto ko ng mga bagong gadget
Kaso lang wala pa nga ‘kong budget
‘Di na rin ako nagwa-wallet
Hindi ko rin naman magagamit

Dami ko na ring utang
Pera ko laging kulang
Hindi ko kayo tataguan
Babayaran para walang tampuhan

Darating na ang aking sasahurin
At marami ring bayarin
Mga taga-Meralco
May dalang regalo ‘yung metro ko tatanggalin
‘Pag paubos na ‘yung pera ko na hawak ay para ‘kong lalagnatin
Laro ay saka na tayo na sa kama
At bawal ang tatamarin kasi

Pambayad sa kuryente wala ‘kong pera
Bayaran ng tubig wala ‘kong pera
Pambayad sa renta wala ‘kong pera
Wala ‘kong pera, wala ‘kong pera

Gusto ko ng kotse
Pero lakompera
Gusto kong mag-travel
Pero lakompera
Gusto ko ng cellphone
Pero lakompera
Pero lakompera
Pero lakompera

Gusto ko ng kotse
Pero lakompera
Gusto kong mag-travel
Pero lakompera
Gusto ko ng cellphone
Pero lakompera
Pero lakompera
Pero lakompera

Maraming pera kakapitan
‘Pag ubos na hindi na lalapitan
Ni kamusta hindi makikitaan
Eh kasi naman hindi na nga makikinabang

Gusto ko na maging bilyonaryo
Nililibot ang mundo palaging dinadayo
‘Pag may pera bida sa ‘kin eh hindi na bago
Walang kwenta walang pera kaya ginagago

Ooh ang saket ang hirap po mag-ipon
‘Di natatapos mga gastos kaya nakakapikon
Nakagapos sa pangarap natin na daan-daang milyon
‘Pag ang pera nasa harapan kadalasan ay hindi na nakakalingon

Pambayad sa kuryente wala ‘kong pera
Bayaran ng tubig wala ‘kong pera
Pambayad sa renta wala ‘kong pera
Wala ‘kong pera, wala ‘kong pera

Gusto ko ng kotse
Pero lakompera
Gusto kong mag-travel
Pero lakompera
Gusto ko ng cellphone
Pero lakompera
Pero lakompera
Pero lakompera

Gusto ko ng kotse
Pero lakompera
Gusto kong mag-travel
Pero lakompera
Gusto ko ng cellphone
Pero lakompera
Pero lakompera
Pero lakompera

Pio Balbuena - Lakompera (Official Lyric Video)


Official lyric video of "Lakompera" by Pio Balbuena.

"Lakompera"
Written by Pio Balbuena
Published by Viva Music Publishing Inc.

Produced by Pio Balbuena
Arranged by Ronnel Allen Laderas
Recorded by Pio Balbuena
Mixed and mastered by Allan Licen at Orange Productions

Pio Balbuena - Pagmamahal (Music Video)


Pio Balbuena Pagmamahal
Music by: Pio Balbuena
Lyrics: Pio Balbuena
Video: Ferdinand Santos
Producer: Orange productions

Pio Balbuena - Magkano (Music Video)


Music producer: Orange Music
Video: Ferdinand Santos/Orange Productions

Pio Balbuena ft. Thyro - Kalapati (Official Music Video)


Official music video of "Kalapati" by Pio Balbuena featuring Thyro Alfaro.

Written by Pio Balbuena
Music By Thyro Alfaro
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Orange Music
Arranged by Thyro Alfaro
Mixed and mastered Thyro Alfaro

Pio Balbuena - Dignidad (Music Video)


Dignidad - Pio Balbuena

Pio Balbuena - Judgmental Lyrics

Kailangan mong maging matatag sa mga taong lalampasuhin ka lang sa lapag
Hindi naman pepwede na laging wala kang palag
Hindi porket tahimik ka papayag kang malaglag
Huhusgahan ka nila na para silang husgado
At ang sarili mo lang ang lagi mong abugado
Mapapamura, mapapasabi ng ano kamo
Kapag siniraan harap-harapan sa mukha mo
Kala mo malinis kung makapagsalita
Marami ka ring dumi ayaw mo lang pahalata
Malala ka pa sa sinaing na kaning malata
Konting galaw issue agad kala mo perkepto yung madla
Magkukwento sa iba pagkatapos ay maninira
Mga bumubulong sa likod palihim na naninira
Harapin ang salamin bago mo pansinin yung iba
Kahit san ka pa magpunta hindi ka Diyos para manghusga

Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman
Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin
Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman
Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin

Pambihira ka naman kahit anong aking gawin
Ako lang ang may kulang ikaw lagi yung magaling
Kapag hindi lumaban sinasabihan na bading
Pag pinatulan naman mayabang agad yung dating
Magagamot pa natin yung cancer sa lipunan
Kung walang mapanghusga malamang wala na ring pikunan
Panglalait sa pangit wala na ring hintuan
Kanya kanya tayo ng baho na dapat paliguan
Gustong maliitin kesa ipagmalaki
Minsan kahit katiting ay wala silang pake
Bago mo ko pansinin tingnan mo muna kasi
Ang sarili mo baka mas marami ka pa ngang dumi
Marami akong tattoo kriminal na ba agad
Kulang lang ako sa tulog adik na tsaka bangag
Madalas ang aso kumahol pag hindi ka kilala
Kaya wag nyo kong husgahan malamang hindi nyo ko kilala

Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman
Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin
Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman
Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin

Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman
Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin

Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin

Pio Balbuena - Judgmental (Music Video)


Musin Arranger: Happy
Music Producer: Orange Music

Donnalyn Bartolome ft. Smugglaz, Zaito, Pio & Bassilyo - HBD (Birthday Mo) Lyrics

Hmmmm Yea, ready?
Isang araw sa isang taon
May napakaespesyal na selebrasyon
Ng mga bata, feeling bata,
Isip bata pero iisa lang ang okasyon

Handa ka na bang ilabas ang handa mo
Huwag kang mag-alala okay lang kahit ano
Magsasaya tayo ayaw mo man o gusto
Kami nang bahala sa cake

Kasi birthday mo, birthday mo
B-b-b-birthday mo, kaya libre mo, libre mo
Bawal magtago, kasi birthday mo, birthday mo
Bbbbirthday mo, kaya libre mo,
Libre mo, b-b-b-birthday mo
Kasi birthday mo
Birthday birthday birthday mo...
Birthday birthday mo!
B-b- b-b birthday mo
B-birthday birthday mo

Birthday mo ngayon at wala akong pake
Biro lang heto nga nandirito na kami
Magpapainom ka ba Gimik tayo sa gabi
'Wag ka masyadong maglaseng
Baka mag-english ka kasi

Simula pa lamang ito ng panibagong panahon
Ano bang handa mo ngayon, spaghetti o pancit canton
Pero ayos lang naman sa 'kin kahit na wala nang gano'n
Mas mahalaga pa rin sa akin ang samahan ng ilang taon

Tirahin na baka tirahin pa ng iba
Cousin mo nagpapasta, magpatira ka
Magagandang pangarap sa buhay mo'y hangad
Kaya blow the candle na para wish mo matupad
Teka shandale bakit ba? 'Di pa 'ko lasheng!
Ganito lang 'yung mata ko, malabong duleng
Oy nandiyan na ang mga tropa. Parating na sila!
Walwalan na hanggang umaga hanggang sa gumapang ka Eyyyy!
Handa ka na bang ilabas ang handa mo
Huwag kang mag-alala okay lang kahit ano
Magsasaya tayo ayaw mo man o gusto
Kami nang bahala sa cake

Kasi birthday mo, birthday mo
B-b-b-birthday mo, kaya libre mo, libre mo
Bawal magtago, kasi birthday mo, birthday mo
Bbbbirthday mo, kaya libre mo,
Libre mo, b-b-b-birthday mo
Kasi birthday mo
Birthday birthday birthday mo...
Birthday birthday mo!
B-b- b-b birthday mo
B-birthday birthday mo

Yo! Sana humaba pa nang todo 'yang buhay mo
Hanggang ikaw na lang ang matira dito sa mundo
'Di ba't dapat happy ka't ako na lang ang masa-sad
Pagka't susunod na diyan halungkatan ng edad
At higit sa lahat sana'y matikman ko 'yang hiwa mo, diyan sa cake mo
Magpakain ka na sa 'kin! Pa-canton ka naman
Kung ayaw magpa-canton magpa-hipon ka na lang!

Yo! ito na naman ang isa sa mga pinaka-malupet bumanat
'Di na maawat Lalo sa mic kapag nagsimula na ako na lumapat
Pagdating usapang rap, matik na alam na yan!
Kaya nga nandito kami para manggulo lang sa inyong kaarawan
Kasi 'di na kailangan pag-isipan 'pag ako'y nagbigay
Basag ang katahimikan 'pag kami'y nag-ingay
Tiyak tanggal ang tutuli Hanggang sa makunsume
Dahil 'di pahuhuli si Donnalyn Bartolome!

Oo oo ako nga ang bahala sa handa
Pero siguraduhin n'yo lang ang regalo n'yo sa akin maganda
Parang ako sa suot ko na halos tatlong buwan nakasabit sa sobrang excited ko
Kunin mo na ang mic at kakanta tayo Magdamag!
Bawal ang kj gusto ko masaya lang tayong lahat
Akin na 'yang hiya mo Akin na munang itatago
Sige tayo, sasayaw tayo

Kasi birthday ko b-b-birthday ko
'Di 'di 'di lang prinsesa kundi reyna ako, re-reyna ako ngayong araw
Bawal ang umaangal, no time to hate we're here to party, sige sigaw!
Original pinoy music you hear
Lf you don't like it then why you here
Original pinoy music you hear
Lf you don't like it get outta here!

Kasi birthday mo, birthday mo
B-b-b-birthday mo, kaya libre mo, libre mo
Bawal magtago, kasi birthday mo, birthday mo
Bbbbirthday mo, kaya libre mo,
Libre mo, b-b-b-birthday mo
Kasi birthday mo
Birthday birthday birthday mo...
Birthday birthday mo!
B-b- b-b birthday mo!
B-birthday birthday mo!

B-b- b-b birthday mo!
B-birthday birthday mo!

Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to you