Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Skusta Clee ft. Josiah King x Pzycho Sid x Peso Mercado - Sawa Kana Lyrics

Di na pwede na
Di na pwede na bumalik ka sa akin
Malabo mabalik, di na mangungulit sa iyo
Na nana…

Nasanay na akong di ka kausap
Di ka love sa akin wag magulat
Ako’y sawa na sa atin di na katulad ng dati
Hey love! Pinakita binibini
Muling ikaw na pinili
O hay nako sinanay mo na kong ganyan

Di na pwede na
Di na pwede na bumalik ka sa akin
Malabo mabalik, di na mangungulit sa iyo
Na nana…

Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na
Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na

Nakapiring ang aking mga mata
Nakahanda pero dama ko ang kaba
Sa pagdilat ko akala ko ay sorpresa ngunit
Di ko namalayan na wala ka na pala
Napalitan ng lungkot ang aking saya
Sa paglipas ng panahon nasanay na
Tinanggap ko ang bigat naging pasan ng ‘yong paglisan
At sa aking paghakbang hindi alam ang papanigan
Kung ang utak ba na gustong lumayo
O ang puso na walang alam kundi laging sa tabi mo
Gabi-gabi sa isip ko ito sana ay panaginip
Ang pag-ibig manumbalik at di na mamumutawi sa ‘yong labi
Mga salita na sa akin nagbabago
Nakangiti kahit ang sugat di ko maitago
Ngunit di mo pinansin ang hinaing at nagsarado
Sa damdamin kong bukambibig ay sana’y maging tayo sa huli

Di na pwede na
Di na pwede na bumalik ka sa akin
Malabo mabalik, di na mangungulit sa iyo
Na nana…

Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na
Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na
Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na
Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na

Teka huminahon ka muna sandali habang nasa pagbangon
Ng utak ko na galling sa bangungot na dulot ng ‘yong paglisan
Sawa ka na sana wala kang pagsisihan
Masasakit na salita paulit-ulit tinanggap
Ilang ulit pinagtabuyan handa pa rin na magpanggap
At umaasa sa pangakong binitawan mo noon
At matamasa maligayang araw na dapat ay ngayon
Kaso wala sinanay mo ang utak ko sa paglayo
Ako ang nagtanim sayo kaso iba ang bumayo
Di ko alam anong mali at bakit na pinaparanas
Umalis tas bumalik tapos wala ka na naman bukas
Ang hirap unawain, kontrolin yung panakip-butas
Ang alam ko lang malanding utak mo wala ng lunas
Bago to magtapos sana ikaw ay matauhan
Fu** you karapat-dapat kang iwanan

Di na pwede na
Di na pwede na bumalik ka sa akin
Malabo mabalik, di na mangungulit sa iyo
Na nana…

Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na
Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na
Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na
Ayaw ko ng ganto na sinasanay mo ako
Di na katulad ng dati kasi sawa ka na

Di na pwede na
Di na pwede na bumalik ka sa akin
Malabo mabalik, di na mangungulit sa iyo
Na nana…

Soulstice ft. Peso Mercado - Nadine Lyrics

Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo’y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sating nakaraan

Okay na din ako (3x)
At pangako na di na to muling babalik sayo
Hinding hindi na
Pinagtagpo pero hindi tinadhana
Kung kelan tayo nagtagal tsaka nagsawa
Yung dating tayo biglang naglaho
May naipalit ka na bang bago?
Ano bang nagawa ko?
Bakit ka nandaya?

Pinipilit kong intindihin kung ano ang maling nagawa ko
Ngunit parang wala naman kasi ikaw lang satin ang nagbago
Parang hindi na ikaw yan kaya ito na yata tanging paraan
Para maibalik yung mga dating ngiti ko kala ko tayo na sa dulo
Pero di pala kasi yung mahalin ka’y pagkakamali ko

Lahat ng aking pagmamahal di pala naging sapat sayo
Ngunit kahit na ganon sana ay di tayo magka-ilangan
Kung dati ikaw ang buhay ko ngayon di na kita kailangan
Dahil la na kong balak pang bumalik hindi na din ako nananabik
Sa pag-ibig mong pabigla-bigla sa iba’y bigla na lamang pumanik

Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo’y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sating nakaraan

Okay na din ako (3x)
At pangako na di na to muling babalik sayo
Hinding hindi na

Ano bang maling ginawa ko sayo?
Bat sa ganito pa tayo nauwi?
Pinipilit kong isipin kung san ako nagkulang
Busog naman sa yakap at halik
Yung pakiramdam na dinaramdam ko
Ay tila sakit na walang lunas, luhang pumatak na sarili ko nagpunas
Kung pwede malasing ng wala ng hulas (uh)

Kasi hinde, pwedeng makipaglokohan sa aking anino
Hindi rin kaya ng mata ko na makita kita sa iba lamang at sa kung sino (sino)
Kahit pa na pilitin mong umahon sa sakit ng dulot ng kahapon
Mas hihilingin ko pa rin sa taas na ikaw ang katabi ko sa pagbangon

Sa bawat umaga halos di na makabangon sa’king kama
Aminadong hinahanap ka pa rin pero di bali na lang din at wag na lamang na umasa
Kaysa makipagbiruan pa ako sa tadhana’t muli ko akong seryosohin
Ay wag na lang din mas maiging limutin lahat at aking palayain
Ang puso at isip tama na (uhhh)

Wala na dapat pag-usapan at wala ng dapat pa na ibalik pa
Mga yakap at halik na akala ko ay sakin lang
Pero tang*na higit sa lahat ay ako lang pala
Ang pinaka nagmalasakit sating samahan
Kung alam mo pa yon pero di din magtatagal
Ay burado ka na pagdating ng panahon

Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo’y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sating nakaraan

Okay na din ako (3x)
At pangako na di na to muling babalik sayo
Hinding hindi na

Oh bakit ba ganito?
Wala naman akong ginagawang mali sayo
Tipong lahat sayo ay iniintindi ko
Di maka hindi sa gusto mo
Para lang maging masaya kahit na puro problema yeah
Pano naman kalagayan ko kung iniisip mo sarili mo ohhh…
Wala ka na rin magagawa kahit ibalik pa sa dati

Sana nga ay lumipas
At dumating na bukas
Na di na kita maaalala muli
Yung maging tayo ay pagkakamali
Ilang taon na pagsasama nawala dahil sa sandal
Na saya, sa iba, bakit ba? Ika’y nag-iba

Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo’y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sating nakaraan

Okay na din ako (3x)
At pangako na di na to muling babalik sayo
Hinding hindi na

Soulstice ft. Peso Mercado - Nadine (Official Lyric Video)


SOULSTICE - NADINE ft. Peso Mercado (Official Lyric Video)

Soon on all Digital Platforms
Lyric Video / Cover Art by: @rainiercrescini_

Crakky ft. Russell & Peso Mercado - Bounce Back (Audio)


Crakky from ALLMO$T dropped an EP named "CATACLYSMIC ASSAULT"

Track entitled "Bounce Back" featuring Russell of ALLMO$T and Peso Mercado

Produced by ELEVEN under Peso Productions

Peso Gang ft. Jom, Peso Mercado, L.A. GOON$ - Dive (Official Music Video)


PESO GANG - DIVE ft. Jom, Peso Mercado, L.A. GOON$
Produced by: Peso Productions
Mix and Mastered by: Laguna Mafia
Directed, Shot and Edited by : Vince Greg

PESO GANG | PESO PRODUCTIONS 2019

ALLMO$T ft. L.A. GOON$ & Peso Mercado - Miracle Nights Lyrics

[Clien & Kylix]
Basta sa akin ka sumama na
'Di na ko maghahanap pa ng iba
Gabi gabi tayo mag sasaya
Sayang kasi pag nawala ka pa

‘Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

[GOODBOY]
Pinana na naman ni kupido
Mukha na namang akong stupido

Pero ngayo’y di na malilito
Lalong lalo na ikaw at ako’y
Nandito sa tabi ngayong gabi
Magkatitigan ang ating mga labi
At para bang merong sinasabi

Nag-uusap ating mga katawan
Parang gusto nila maging kawatan
At nakawin ang kamay ng orasan
Iwanan, iwasan problema sa daan

Pag mapungay mata mo
Lumalabas ang ganda mo
Pero anong akala mo
Hanggang dito lang ito

CHORUS

[Crakky]
Ako nang bahala baby wag ka ng mag-alala
Isipin natin na parang tayo lang dalawa
‘Wag mong tignan kung ano mang maging tingin nila,
Tayo din naman ang magsasama diba kumbaga
Wala na 'tong biro ikaw ang herong sumalo sa kada pagbaba ng negatibong
Naging dahilan ng matakpan mo ang mali ko 'di ko palalampashin ang sandaling ikaw lang ay nandito sakin
Talagang lumilitaw ang yong ganda
Pagnatapatan ng ilaw ay mas lalong nakakadala kumapit ka saking kamay,
'Di kita ibababa sumakay tayo papunta sa balewala kung ano man ang ginagawa,
Simple pero napakamahirap na mahanap
Swerte na kapag natapat ka sa pinapangarap
Sulitin natin ng 'di na mawala pa ng maagap
Kung isang gabi lang din naman to pwedeng maganap ohh

CHORUS

[Russell]
Yuh!

Hayaan mo na sulitin natin ang
Mga sandali sa oras na hiram
Mahalaga sakin ang bawat pagsasama
Hindi na kailangan pa na may ibang makaalam

Gusto ko yung tipong laging may asaran
Puro tawanan at ngiti mo lang kailangan
Ikaw lang ang pipiliin ko na makasama
Hanggang sa likod ng mundo na makasalanan

‘Wag sana magmadali
Parehas lang natin na ayaw na magkamali
Pahintulutan mo naman ako na ikaw ay makatabi
'Di na kailangang mabahala 'di ko yan pagsasabi yeah

Yuh!

Wala nakong hiling pa
Kundi pagsaluhan ang gabi na tong bitin pa
Tayo lamang dalawa, sakin tumingin ka
Dito ka lang saking tabi, Ayokong umalis ka

[Peso Mercado]
Mabilis o mabagal halika dito saken babe wag kanang umangal
Hindi naman ako magmimistulang sagabal
Ipapangako kong maganda ang aking asal
Gusto ka lang namang makatabe
Kahit pa na sandali, kahit pa ano ang gawen
Napakalakas ng dating mo
Sana ngay gusto mo rin umaga hanggang gabihen.
Ako lang at ikaw parin, ang galing no.

Basta saakin ka sumama na kahit na ano pa saken ang gawin mo
‘Di na din ako maghahanap pa ng iba
Mga labi nalang lalaruin ko
Alam ko naman, na 'di ka na rin bibitaw
Sa ating nasimulan, eto teka lang naman
‘Wag kang mahiya
Dahan-dahang gumalaw, pakihinaan ang sigaw
Bagalan natin ang bitaw

ALLMO$T MUSIC!!

CHORUS

[Kylix]
Parang may mga bagay na pumipigil sayo
Kitang kita ko kahit nakatingin ako sayo sa malayo

Pagbigyan ang katawan sa mga gustong maranasan
'Wag nang pag isipan pa

Nandito lang kung sakaling you wanna be with somebody
Languyin daanan pauwi
Palalimin ang gabi

[Jom]
Oooh, Alam mo bang sa isang ngiti mo
Ay naaalis lahat ng pagod ko
Ikaw ang nag sisilbing sandalan ko kapag ako’y nahihirapan
Kaya di na ko bibitaw
Kasi ikaw lang ang kailangan
Pinupuno mo ng kulay ang mundo kong madilim
Hindi ko na sasayangin ang pag-ibig mo
'Di ako mag lilihim
Kasi pinatunayan mo saakin na may pag ibig
Kaya wag kang mag tataka kung bakit mahigpit ang hawak ko

[Clien & Kylix- Chorus]
Basta sa akin ka sumama na
'Di na ko maghahanap pa ng iba
Gabi gabi tayo magsasaya
Sayang kasi pag nawala ka pa

'Wag mong pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa (ating dalawa)

ALLMO$T ft. L.A. GOON$ & Peso Mercado - Miracle Nights (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Miracle Nights" by ALLMO$T feat. L.A. GOON$ and Peso Mercado.

Composed by Angelo Luigi Timog, Clien Alcazar, Rocel Dela Fuente, Jomuel Casem, Kylix Filamor, Elijah Filamor and Paolo Mercado
Published by Viva Music Publishing Inc.
Recorded by Angelo Luigi Timog, Clien Alcazar, Rocel Dela Fuente, Jomuel Casem, Kylix Filamor, Elijah Filamor and Paolo Mercado
Produced by Kylix
Arranged, mixed and mastered by Angelo Luigi Timog
Music produced at ALLMO$T

ALLMO$T ft. Peso Mercado - Wag Na Sana Lyrics

[Clien]
Basta ikaw ang aking makasama
Handa ‘kong ibigay lahat akong bahala
Ipapangako mo lang sa akin
Hindi na sana maulit
Ang pagtanim ng iyong galit

Baby kasi naman hindi ko na alam
Matapos kang bigyan bukas magtatampo ka na naman
Kaya ‘wag sanang maulit ‘yang pagsimangot mo sa 'kin
Hindi ‘yan bagay sa atin, pag-usapan na lang natin

Hindi naman sa ako’y nagsasawa
Lalayo nang wala lang sana’y iyong unawaan
Ayoko lang tayo mahirapan
Puso ay masugatan, tumagal tayo sana

[Crakky & Clien]
‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

[Crakky]
'Di natin maiwasang magkatampuhan sa
Mga maliit na bagay away kaagad ‘pag pinahaba pa
Parang kanina lang ay nag-uusap
‘Di ko mahagilap kung bakit para bang napakahirap
Natin mag-ayos kahit na
Alam ko na kung sa’n pupunta
Pareho lang naman nating ayaw mawala ang isa’t-isa
Masyado lang tayo sigurong
Nagpapaapekto kaya ‘pag nadadala
Ay 'di natin mapigilan ang galit kaya ‘pag nagtalo sarado palagi ang isip
Hey, ‘wag kang magalit baby lika na
Hey, lambing mo lang sa ‘kin ay ayos na
Hey, mag-away 'di ko magagawa
Ang iwan ka na lang nang mag-isa basta

[Crakky & Clien]
‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

[Russell]
Tuwing tayo’y nagtatalo ay ‘di malaman
Kung pa’no ba nagsimula ang pinag-awayan
Mga bagay na ‘di natin inaasahan
Na dumating sapagkat tayo ay nagmamahalan

Porket ‘di nakareply
Ay agad magtatampo
Alam mo namang
Ikaw lamang ang sa ‘kin pinagtagpo

Yuh!

Hindi na ‘ko maghahanap pa ng iba
Sana ‘wag mo nang pag-isipan pa ako ng masama
Dahil alam mo namang ika’y wala nang katapat
'Di ka pwedeng kumpara ibang klase ka sa lahat
Kung pa’no kita nakilala sana ay hindi magbago
Totoo ako sa ‘yo, pangakong hindi maglalaho

Yuh!

[Crakky & Clien]
‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

[Peso Mercado]
Dalawang mundo'y nagtagpo
Puso ay nagkasundo
Tampo'y makikigulo
Kahit 'di natin gusto

Kung pwede ko lang ibalik ang lahat ng mga binitawan ko
Para lang gumaan ang puso't mawala ang pagtatampo
Sana ikaw na lang ang makasama
Makausap makayakap hanggang umaga
'Di na ‘ko umaasa na lalala pa
Tayo lang magsasama gabi hanggang umaga

Ikaw lang ikaw
Ang pinakamagandaang dalaga
Kamay mo lang gustong mahawakan
Bigyan mo naman ng tsansa kasi nga

[Crakky & Clien]
‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

[Jom]
Hindi ka ba napapagod
Kasi paulit-ulit na tayong nagtatampuhan
Bakit di maiwasan
Palagi na lang ganyan
Pwede bang
Bawasan natin ang
Mga away dahil
Baka ito pa ay lumala
Kasi alam
Alam mo bang hirap na hirap ako
Lalo kapag sinusungitan mo
‘Wag mo na kasing
Idaan sa galit
At sana ‘wag mong ipagpalit
Kasi kahit na paulit-ulit kang masungit sa ‘kin
Puso ko'y sa ‘yo pa rin

[Crakky & Clien]
‘Di ba ikaw din ang nagsabing
‘Wag nang pahabain
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Wala ring mangyayari
Uulit lang sa dati
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw ‘yan
Kaya ‘wag nating simulan
Hindi na, hindi na
‘Wag na sana
Hindi na, hindi na
Wohohowow!

ALLMO$T ft. Peso Mercado - Wag Na Sana (Official Lyric Video)


WAG NA SANA
ALLMO$T feat. Peso Mercado
Composed by Angelo Luigi Timog, Clien Alcazar, Rocel Dela Fuente, Jomuel Casem and Paolo Mercado
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by MR EPEE
Recorded by Angelo Luigi Timog, Clien Alcazar, Rocel Dela Fuente, Jomuel Casem and Paolo Mercado
Arranged, mixed and mastered by Angelo Luigi Timog at ALLMO$T (Production House)